"A-Anu? Anu ang pinag sasabi mo? Gumagawa ka ba nang kwento?" Tanong ko Kay Tiyang Melinda.
Hindi. Hindi maari. Hindi pwede. Hindi ako maka paniwala.
Paano nangyari Yun? Bakit... Bakit Tatay pa Ni Bryzon? Bakit sa dinami dami nang Tao, ay bakit konektado nanaman Kay Bryzon? Bakit Tatay niya pa?
"Alam mong mapanakit akong Tao at sugarol, pero Hindi ako sinungaling. Bakit Hindi mo kausapin tong boyfriend mo? Mukhang Alam Niya na pamilya Niya Yung may kasalanan Kung bakit namatay Ang nanay niyo at Kung bakit napunta kayo sa poder ko." Sabi pa ni Tiyang Melinda bago tuloyang umalis.
Nang hihinang umupo ako sa upuan na nasa tabi nang kwarto ni Tiyang Melinda. Ramdam na ramdam ko ang pang hihina ko.
Si Bryzon? Pamilya Niya? Sila Ang may kagagawan Kung bakit Hindi namin na bigyan nang hustisya si Nanay?
"Muffin..." Tawag ni Bryzon sakin. Hindi ko Ito tiningala. Umupo Naman Ito sa tabi ko at hinawakan Ang aking kamay. "Talk to me. Please." He said.
Gustohin ko mang tignan siya at kausapin siya at Hindi ko kaya. Parang Hindi ko kayang Makita Ang mukha ni Bryzon pag katapos sinabi Yun ni Tiyang Melinda.
"Bernadette..." Mahinahon niyang Sabi. Tumingin ako sakanya at agad akong nanlumo nang Makita ko Ang sakit sa kanyang mga Mata.
Gustong gusto Kong tanungin Kung Alam Niya naba ito matagal na, pero Hindi ko kaya. Parang Hindi ko kakayanin ang sagot na pwede Kong makuha sakanya. Hindi ko din kayang Makita siyang nasasaktan.
Nasasaktan siya... Nasasaktan siya dahil sakin. Dahil sa naging reaksyon ko.
Pero Anu? Anu ba Ang pwede Kong maging reaksyon bukod dun? Anu ba Ang pwede Kong maging reaksyon pag nalaman Kong Yung taong Mahal ko ay konektado nanaman sa pag kamatay nang Nanay ko? The worst thing is Daddy Niya pa Yung nakabangga.
Bakit? Bakit nangyayari to samin? Bakit nangyayari to sakin?
"Hindi ko alam... Nalaman ko na Lang nung pag uwi ko nang Pilipinas. Daddy found out the real reason why I went to UAE, kaya nang nalaman nilang babae Yung sinundan ko dun, Hindi na sila nag dalawang isip na alamin Ang background mo. Nung nalaman nilang anak ka nang nabangga ni Daddy, gusto nilang lumayo ako sayo. Gusto nilang itigil ko Yung namamagitan satin. But you know so well that I can't do that. I just can't. Hindi ko kaya..." Paliwanag ni Bryzon.
Kita ko Ang sakit sa kanyang mga mata. Kita ko Ang hirap.
Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging maayos Lang Ang lahat, pero kahit ako ay Hindi ko din kaya. Kahit ako ay Duda Kung magiging okay nga ba Ang lahat.
Iniwas ko Ang mukha ko nang maramdaman Kong namumuo na Ang mga Luha saking mga mata.
"Hindi ko Alam Bryzon. Ang hirap. Kailangan Kong mag isip." Sabi ko bago ako tumayo. Pero Hindi pa ako nakakailang hakbang nang hinawakan Niya Ang kamay ko dahilan para mapa tigil ako.
"Muffin please, don't do this. Ngayon Lang ako nag Mahal ulit." Punong puno nang sakit na Sabi ni Bryzon.
Mas lalo Kong iniwas Ang mukha ko Kay Bryzon nang maramdaman ko Ang pag tulo nang mga luha ko.
Mahal Niya ako. Nag Mahal siya ulit para sakin.
Parang tumalon sa saya Ang puso ko dahil sa sinabi ni Bryzon. Pero paano ako magiging masaya Kung Ang taong Mahal ko ay anak nang may dahilan Kung bakit kami nag dusa sa poder ni Tiyang Melinda?
"B-Bitawan mo ko, Bryzon. I need to think.. please." Sabi ko at bayolenting tinaggal Ang mga kamay Niya sa kamay ko.
Agad akong Pumasok sa kwarto ni Ate Via. Umupo ako sa sofa na malapit sa Kama Niya, at dun na binuhos Ang mga Luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tila'y natunaw na yelo ang pag agos nang mga luha ko. Walang tigil. Agos Lang nang agos. Ramdam na ramdam ko Ang sakit at puot saking puso.
Bakit?
Bakit nangyayari to samin? Bakit nangyayari to sakin?
Nag mamahal Lang naman ako. Bakit kailangan mangyari to? Bait kailangan mangyari to samin ni Bryzon?
Ang naging desisyon ko ba na sumugal sa pag-ibig ay isang maling desisyon? Nag kamali ba ako?
Dahil sa sakit nararamdaman ko at pagod dahil sa biyanahe ko, ay agad akong nakatulog. Nagising Lang ako dahil sa naririnig Kong pag tawag nang pangalan ko.
"Loraine..." Mahinang tawag sakin ni Ate Via.
Agad akong napa-upo saking pag kakahiga. Tinignan ko siya at nakita Kong nakangiting tumitingin Ito sakin.
"Umuwi ka." Nakangiting banggit Niya.
Agad akong tumayo at nag lakad papunta sa direksyon ni Ate Via. Nang nasa harapan Niya na ako ay kumunot Ang kanyang noo.
"Umiyak kaba? Anung nangyari?" Nag aalalang tanong ni Ate Via, ngunit Umiling na lamang ako bago siya tipid na nginitian.
"Okay Lang ako Ate. Ikaw? Kamusta kana? Nagugutom kaba?" Tanong ko sakanya.
"Okay Lang ako, Loraine. Sabihin mo sakin, may problema kaba? Bakit Parang umiyak ka?" Tanong ulit ni Ate Via.
Tinignan ko Ito at nakita Kong seryoso ito at Parang gustong gusto Niya talagang malaman Ang nangyari sakin.
Sa Hindi malaman na dahilan ay agad umagos Ang mga Luha saking mata. Agad Kong nakita Ang pag alala ni Ate Via, kaya Naman pinunasan ko din Ang mga Luha ko.
"Anu ba Ang nangyayari sayo, Loraine? May problema kaba? Sabihin mo Kay Ate." Sabi neto bago hinawakan Ang kamay ko.
Napa-upo na lamang ako sa upuan na nasa tabi nang Kama Niya at tsaka yumuko at umiyak.
Isang karamay Ang kailangan ko ngayon. At sobrang nag papa salamat ako dahil si Ate Via Ang kasama ko. Iyak Lang ako nang iyak at hinayaan Lang naman ako ni Ate Via.
"Iiyak mo Lang yan, Loraine..." Sabi neto sakin.
Nang makabawi ako ay agad Kong pinunasan ang aking mukha. Nang masigurado Kong maayos na Ang itsura ko, ay agad akong tumingin Kay Ate Via.
"Ikkwento mo naba sakin Ang nangyari sayo?" Tanong neto sakin.
I sighed heavily. Napalunok ako bago ko sinimulan Ang pag kkwento Kay Ate Via, na tila'y sobrang hirap para sakin na sabihin iyun.
"S-Si Bryzon?" Simula ko. Nakatingin lamang Ito sakin na Parang nag hihintay Lang nang aking sasabihin.
"Yung Daddy niya Yung nakabangga Kay Nanay." Sabi ko nang makaya ko nang sabihin Kay Ate. Nakita ko Ang pag kagulat sa kanyang mukha.
"Sigurado kaba? Sino nag sabi? Sino ba ni Bryzon?" Tanong Niya sakin na sinuklian ko Lang naman nang isang tango.
Ang kaninang gulat na mukha ni Ate Via ay agad na napalitan nang galit. Yung galit na Alam mong matagal Niya nang tinatago. Yung galit na Alam mong nasa puso Niya Lang at pilit niyang kinakalimutan.
"Lumayo ka Kay Bryzon. Layuan mo na siya. Ayoko nang makiki pag Kita kapa sakanya. Itigil mo lahat nang koneksyon mo sa lalakeng Yun." Sabi ni Ate Via.

BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]