Chapter 22

505 14 1
                                    

Sa mga araw na lumipas ay Hindi naging iba ang routine ko. Kagaya nang nakagawian ko ay maaga pa din ako nagigising para mag trabaho.

Sa bawat uwi ko araw araw ay damang dama nang katawan ko ang pagod. Hindi ko din Naman Alam Kung bakit ganun na lamang kadami yung pinag papa trabaho sakin. Ang Alam ko naman ay maayos akong nag paalam sa kanila na mag babakasyon ako sa Pilipinas. Sumablay Lang ako sa parte Kung saan Hindi ko sila na email na mag eextend ako sa Pilipinas nang dalawa pang linggo.

Huminga na lamang ako nang malalim bago ako bumalik sa aking pag ttrabaho. "Focus, Bernadette. Focus." Sabi ko sa sarili ko.

Kailangan ko Lang mag focus sa trabaho ko, at wag nang isipin Kung bakit napaka daming binigay sakin. Mas maganda Yung matatapos ko agad keysa unahin ko ang pag rreklamo.

Mabilis lumipas Ang mga oras dahil na din sa Dami nang ginawa ko. Agad akong nag paalam sa mga co-workers ko nang mag out na ako. Mabuti na Lang talaga may mga pinoy din sa department namin. Minsan Kasi mahirap maki pag salamuha sa ibang lahi.

Tho, madami din namang mababait na arabo dito. Pero Hindi mo din Naman masasabi na lahat. Nag papasalamat Lang talaga ako dahil mabubuting arabo Yung mga nakilala ko at naging kaibigan ko.

Actually, sila Red talaga at Chloe Yung mas madaming kaibigan dito sa UAE. Naging kaibigan ko Lang naman Yung mga kaibigan nila dahil sumasama ako sakanila pag lumalabas sila.

Napag pasiyahan Kong dumaan na muna sa isang convenient store bago ako umuwi. Bigla Kasi akong nag crave nang ice cream, at meron isang convenient store na malapit sa apartment namin na nag bebenta nang strawberry ice cream.

Pumasok ako dun at agad na pumunta sa cashier.

"Marhabaan" (Hello) nakangiting Sabi ko sa cashier.

"Marhabaan, kayf 'astatie musaeadatak?" ( Hi, how can I help you?") Nakangiting tanong nang cashier sakin.

"'awadu shira' ayas karim alfurawila." (I would like to buy a strawberry ice cream) Sabi ko sakanya.

Tumango Naman Ito. "lahzat min fadlik." (Just a moment please) sabi niya bago tumalikod.

Dahil na din sa tagal nang pag ttrabaho ko dito sa UAE, ay natutunan ko na din ang kanilang lengwahe. Aaminin Kong Hindi naging madali iyun, dahil na din sa meron silang mga salita na mag kaiba sa English pero sa kanila ay parehas Lang.

Kagaya nang Hi and Hello. Sa English ay mag kaiba iyun, pero sa kanila ay Marhabaan Lang.

Ilang sandali Lang Ang hinintay ko bago ko natanggap Ang ice cream na binili ko. Agad din Naman akong lumabas dun at umuwi na.

Masaya akong nag lalakad papunta sa aming apartment, dahil na din sa ice cream na kinakain ko. Nang may nakita akong pamilyar na bulto na nakatayo sa harap nang aming apartment.

Agad bumilis Ang tibok nang puso ko nang makilala ko Kung Sino iyun. Para akong na istatwa da kinatatayuaan ko.

Anung ginagawa niya dito? Bakit.... Bakit siya pumunta dito?

Tila'y walang mapag lalagyan ang mga tanong na nasa aking isipan. Wala ding mapag lalagyan ang nag wawala Kong puso.

Ngunit tila'y tumigil Ang mundo ko nang mapatingin siya sa direksyon ko. Parang lahat nang nasa paligid ko ay biglang tumigil..... Tumigil lahat na tanging Ang mga mata Niya Lang na nakatingin sakin ang aking nakikita.

Pero ang kaninang mabilis na pag tibok nang puso ko ay mas lalong bumilis nang unti unti itong nag lakad papalapit sa direksyon ko. Hindi ko na namamalayan na sa bawat pag hakbang Niya papalapit sakin, at ganun din Ang pag ka Wala nang mabibigat na hininga ko.

Damn.... I miss him. I miss him so much.

Napalunok ako nang tumigil Ito sa harapan ko. Isang napaka gandang ngiti ang binigay Niya sakin.

"Muffin." Pag bati Niya sakin.

"What... What are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"I want to see you." He said.

Agad ko siyang hinila palayo sa apartment namin at dinala sa park. Agad ko itong pinaupo sa isang bench.

"Bakit gusto mo Kong Makita?" Tanong ko nang makaupo ako sa harap niya. Nag kibit balikat Naman Ito.

"Because I like you?" He said. Natigilan Naman ako sa sinabi Niya, pero agad din nakabawi.

"You like me? Tapos Hindi kapa sigurado?" Tanong ko sakanya.

"I wanted you, muffin. The moment I saw in that plane, ay Alam Kong gusto na Kita. Kaya nung nag Kita tayo sa kasal ni Alley, that was also the moment I started believing in.... Destiny." He said.

"Tadhana? Tingin mo tinadhana Tayo?" I asked him. Ngumiti Naman Ito.

"Why? Tingin mo ba Hindi?" Tanong Niya sakin na naka pag patigil sakin.

Hindi ko Alam pero nakaramdam ako nang saya dahil sa pag kikita namin ni Bryzon. Tila'y gustong gusto kong mag pasalamat sa tadhana dahil sa binalik Niya si Bryzon sakin.

Teka.... Binalik? Eh Hindi naman naging akin si Bryzon e.

"So bakit ka nga nandito?" Tanong ko at pinipigilan Ang sarili Kong mapa ngiti.

Kinikilig ba ako? Yeah! I think so.

"Because I miss you and I want to see you." Deritsong Sabi niya.

Dahil sa sinabi Niya ay Hindi ko na napigilan Ang sarili Kong Hindi ngumiti. Agad Naman sumilay Ang isang ngiti sa Labi ni Bryzon.

"Now... My muffin is smiling." Nakangiting Sabi ni Bryzon.

Hindi ko Alam Kung bakit ganito Ang nararamdaman ko. Pero sobrang saya ko Lang talaga dahil nag Kita kami ulit ni Bryzon. Sobrang saya ko dahil nandito siya sa harap ko. Sobrang saya ko dahil mag kasama kami ulit.

Risk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon