Chapter 11

521 15 3
                                    

"Salamat Talaga, Bryzon. Pero okay Lang naman Kung sa hotel na Lang kami nakin mag stay e." Sabi ko Kay Bryzon.

Isang ngiti lamang Ang binigay neto sakin bago binigay Ang dalawang puting t-shirt, at dalawa ding boxers short.

"I insist, okay? Besides, bawi ko na din to because I was being an ass awhile ago." He said. Kumunot Naman Ang noo ko dahil sa sinabi Niya.

"Huh? Saang parte?" Nag tatakang tanong ko sakanya.

"Nung hiningan mo ko nang tulong? Diba tinukso pa Kita?" Paalala Niya Naman sakin.

Tumango Naman ako at bahagyang nag pakalawa nang tawa.

"Okay Lang Yun." Sabi ko sakanya.

"But I really insist. We never know, baka bigla kayong sugurin nang Tiyahin mo sa hotel mo. Mas mabuti nang nandito kayo nang Ate Via mo, atleast Hindi Niya alam Yung lugar na'to." Sabi ni Bryzon.

Nginitian ko Naman Ito. "Maraming salamat talaga, Bryzon." I genuinely said to him.

Binalikan Niya din Naman Ang pag ngiti ko sakanya. "Walang Anu man. Sige na, puntahan mo na Yung Ate mo. I'll just prepare something." Saad neto.

Tumango Naman ako bago nag pasalamat ulit at nag paalam na na aakyat para puntahan si Ate Via.

Nandito kami ngayon ni Ate Via sa condo ni Bryzon. Kagaya nga nang sinabi Niya, pag kaalis namin dun sa poder ni Tiyang Melinda, at agad Niya kaming dinala dito para na din daw Hindi kami matunton ni Tiyang.

Sobra kaming inasikaso ni Bryzon. Pinatuloy Niya kami sa condo Niya, at walang sabi sabi na tinulongan kami.

Hindi ko Alam Kung bumabawi Lang ba talaga ito sakin o kusa sa loob Niya Ang ginagawa niyang pag tulong samin nang Ate ko. Nevertheless, malaki pa din Ang pasasalamat ko sakanya. Kung Hindi dahil Kay Bryzon, ay baka natagalan ako sa pag dating sa apartment nila Tiyang Melinda at baka nasaktan na din ako neto.

"Ate..." Tawag ko Kay Ate Via nang maka pasok ako sa Guest room nang condo ni Bryzon.

Nilingon Naman ako neto at nginitian. Nag lakad Naman ako papunta sa direksyon Niya. Nakaupo Ito ngayon sa edge nang Kama at naka tanaw Lang sa bintana. Umupo ako sa tabi Niya.

"I'm sorry, Ate. Dapat matagal na kitang nilayo Kay Tiyang Melinda." Saad ko dito. Agad Naman akong napatingin sakanya nang hawakan Niya Ang kamay ko.

She smiled at me. Yung isang ngiting sobrang saya. Yung isang ngiting parang nanalo.

"Ang importante, nakaalis na ako dun. Ang importante, Wala na ako sa poder Niya. Wag mo nang isipin iyun, Loraine. Ang mahalaga sakin ay Yung kasama na kita." Sabi neto.

Nakaramdam Naman ako nang saya saking puso. Agad Kong naramdaman Ang pamumuo nang luha saking mga mata. Tila'y merong humaplos saking puso dahil sa sinabi netong, mas mahalaga para sakanya ang mag kasama kami.

"Ate. Mahal na Mahal Kita, pasensya kana at ngayon Lang Kita naialis sa poder ni Tiyang Melinda." Sabi ko dito at di na napigilan na yakapin siya.

Ramdam ko Naman Ang pag yakap Niya pabalik sakin at Ang mahinang pag tapik Niya saking likuran.

"Mahal na Mahal din Kita, Loraine. Kalimutan na natin ang masamang alaala, Ang importante ay malayo na Tayo Kay Tiyang Melinda." Sabi neto na ikinatango ko na lamang.

Sobrang saya ko dahil naialis ko na sa poder ni Tiyang Melinda si Ate Via. Sobrang saya ko dahil Hindi Niya na masasaktan Yung mga taong mahalaga sakin Yung, Yung mga taong Mahal ko.

"Ngayon makaka pag trabaho na ako nang maayos. Mag iipon ako para matayo ko na Yung coffee shop na gusto ko." Sabi neto nang kumalas kami sa yakapan.

"Mag tutulongan Tayo, Ate. Pinapangako ko sayo, matutupad yang pangarap mong makaroon nang isang coffee shop." Paninigurado ko sakanya.

Sumilay Naman Ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Maraming salamat, Loraine." Saad neto sakin.

Nauna na akong naligo kay Ate Via, dahil gusto pa netong mag pahinga na muna. Nang matapos akong maligo ay agad Kong sinuot Yung binigay na damit ni Bryzon. Medyo kalakihan Yung damit Niya, kaya Hindi halata na meron akong suot na boxe shorts.

Nang matapos akong mag ayos, ay agad na akong lumabas nang banyo para maka ligo na din si Ate Via. Nang Pumasok Ito sa banyo, ay tsaka ko Lang naisip na mag text kela Lauren. Kaya Naman kinuha ko Yung cellphone ko. Mas pinili ko na lamang na mag-text keysa tumawag. Mas gusto ko Kasi Yung mag text Lang keysa Yung maki pag usap sa tawagan.

To: Lauren Lopez

Lau, good evening. Sorry ulit nang bigla akong umalis kanina. I'll explain everything soon, okay? Have fun and stay safe.

Si Lauren na lamang Yung tinext ko dahil Alam Kong busy din si Alley, at sigurado Naman akong sasabihin din ni Lauren Yung mensahe ko Kay Alley.

Nang matapos Kong ma i-send Yung mensahe ko Kay Lauren, ay nag desisyon na akong bumaba.

Nagulat Naman ako sa dinatnan ko nang makababa na ako. Nakita Kong nag luluto si Bryzon, at Kita ko din Ang pawis niyang tumutulo sa kanyang noo pababa sakanyang mukha dahil na din siguro sa init.

Sa Hindi malaman na dahilan, ay tila meron akong kakaibang naramdaman nang Makita ko siya. Hindi ko Alam pero iba Yung dating Niya sakin. Tila'y bawat galaw Niya ay nag bibigay epekto sakin.

"Mabuti nandito ka. Come, tikman mo Yung niluto ko." Saad neto na nag pa balik sakin sa realidad.

"Ah.. ah oo." Hindi ko Alam Kung bakit pero nakakaramdam ako nang kaba.

Kaba? Bakit ako nakakaramdam nang ganito?

"Come." He said at walang sabi sabi niyang hinawakan Ang kamay ko at hinila ako papalapit sakanya.

Tila merong kuryente na dumaloy saking kamay, na naging dahilan para tumayo Yung mga balahibo ko sa katawan. Okay, what was that?

"Here." Sabi niya sabay lagay sa harap nang bibig ko nang kutshara na merong lamang sarsa.

Napalunok pa ako nang bahagya bumuka Ang bibig Niya para mag Sabi nang 'ah' para tikman ko Yung niluto niya. Nakatingin ako sakanya habang tinitikman Ang niluluto Niya.

"What do you think? May kulang ba?" Tanong neto nang matikman ko na Yung ginawa Niya.

"It's.. good." Wala sa sarili Kong Sabi dahil nakatulala pa din ako sa kanyang mukha.

Siya pa Lang ata Yung nakita Kong gwapo pa din kahit pawis na pawis na Ito. Wait... Did I just say gwapo?

"Not as good as me." Saad Niya habang nagluluto. Duon na lamang ako napabalik sa realidad.

"Anu? Anu Yun?" Tanong ko sakanya. Makahulugang tinignan Niya Naman ako bago nginitian.

"Ang Sabi ko, nakanganga ka." Saad neto.

Agad Naman ako napaiwas nang tingin at bayolenting napalunok. Agad agad akong lumabas nang kusina at dumeritso sa Sala nang condo Niya.

Pakiramdam ko sobrang Pula na nang pisnge ko. Oh gosh. What's happening to me?

Risk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon