Inayos ko ang malaking salamin na suot ko bago ko ulit binasa ang mga lab works. Kailangan kong mabasa ang mga ito dahil mapupuno nanaman yung desk ko nang mga gagawin kung Hindi ko ito matapos asikasuhin.
Sa ilang linggo kong pananatili sa Pilipinas, ay ilang linggo din ang pag tambak nang mga trabaho ko dito sa UAE.
Kakabalik ko Lang nang isang araw dito, at ngayong araw Lang ako nakabalik sa pag ttrabaho. Hindi Naman ako na inform na kahit pala nasa bakasyon ako ay pwede Lang tanbakan 'tong mesa ko nang mga lab works.
I sighed heavily. Bakit ba ako nag rereklamo? Dapat nga matuwa ako dahil pag balik ko may trabaho pa ako e.
Natakot ako Kasi na baka pag balik ko dito sa UAE ay baka wala na akong trabaho. Yung paalam ko kasi ay isang linggo Lang ako mag babakasyon at pag katapos nun, ay babalik na ulit ako dito.
Pero dahil na din sa nangyari Kay Ate Via at Tiyang Melinda, ay napatagal ang pag babakasyon ko sa Pilipinas.
Ni Hindi ko nga Alam Kung bakasyon ba Ang tawag dun sa pag uwi ko sa Pilipinas. Masyadong madaming nangyari na hindi ko ikinatuwa, kaya Naman masasabi kong Hindi ganun kaganda ang pag uwi ko sa Pilipinas.
Nangyari Yung Kay Ate Via at Tiyang Melinda. At.... Nangyari din Yung samin ni Bryzon.
Masasabi Kong Hindi Naman lahat nang nangyari samin ni Bryzon ay puro Hindi magaganda. Meron pa rin namang mga nangyari na ikinatuwa ko at masasabi Kong nag bigay saya sakin.
Remembering Bryzon doesn't just give me sadness and pain, it still... Unexpectedly, gives me happiness.
Pag naalala ko Yung mga nangyari samin ay tila tumatalon sa saya Yung puso ko. Meron pa ding epekto sakin si Bryzon na matatawag Kong kilig. Yung mga araw na tumiri kami sa kanyang condo ay masasabi kong masasayang araw iyun sakin.
Hindi man kami nag kasama nang matagal ay Hindi pa din matatanggal saking puso't isipan, na naging dahilan din si Bryzon nang aking kasiyahan.
Pero kagaya nga nang palagi niyang sinasabi, may katapusan ang maliligayang araw natin. Everything has a limit. Everything has a quota. Everything has a finish line.
Hindi paman umabot sa finish line ay agad ko nang tinigil ang namamagitan samin ni Bryzon.
Parang meron sa loob ko na gustong lag sisihan Ang desisyon na ginawa ko. Pero Hindi. Alam Kong kahit masakit ay ginawa ko Yung Tama.
Tama Yung ginawa ko. Tama Lang na lumayo ako Kay Bryzon. Tama Lang na tinapos ko agad yung saming dalawa.
Pero, Hindi naman kami nag karoon nang relasyon diba? We just basically... Had sex.
Yun Lang Yun. Wala nang iba. That was once, and once is enough.
Bakit ko paba iniisip Yun? Bakit ko paba iniisip si Bryzon? Dapat Hindi ko na siya iniisip. Dapat kinakalimutan ko na siya.
Besides, Wala Naman talaga Kaming relasyon e. Never kami nag karoon nang relasyon. Tinulongan Niya Lang ako dahil hininge ko Ang tulong Niya. Yun Lang Yun. Wala nang iba.
Well, maybe it's true that I fell in love with him. Pero Hindi Niya Naman Alam e. At..... Hindi Niya Naman dapat malaman.
Sapat na Yung may nangyari samin isang beses. Sapat na Yun dahil kakalimutan na namin Yun. Kakalimutan naman na Parang walang nangyari. Katulad nang pag limot ko sa pag mamahal ko para sakanya, dahil Wala Naman Kaming naging relasyon.
Mabilis lumipas Ang mga oras at Ito ako ngayon nag lalakad na pauwi sa apartment ko. Pagod na pagod Kong binuksan Ang pintuan nang apartment namin ni Red. Agad Kong binagsak Ang katawan ko sa sofa namin.
"Nakaka pagod." Reklamo ko habang hinuhubad ang mga sapatos ko.
Dahil sa pagod na nararamdaman ko, ay Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa bayolenteng pag yugyog sakin. Minulat ko Ang aking mga mata at inayos Ang aking malaking salamin.
"Red? Bakit?" Tanong ko dito nang magising ako.
Nag pa mewang Naman Ito bago tumayo at hinarap ako.
"Nananaginip ka bruha! Tinawag mo Yung pangalan ni Bryzon." Sabi Niya na nag pagulat sakin.
"What? Ginawa ko Yan?" Hindi maka paniwalang tanong ko sakanya.
Pero tinignan Niya lamang ako na tila'y binabasa ang aking iniisip. Agad Kong naramdaman Ang pamumula nang aking pisnge dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.
Wah! Nakakahiya! I was dreaming about Bryzon! Pero Hindi ko Naman Alam na sinasabi ko na pala yung pangalan Niya!
"Hay naku, Nerdy! Kung Hindi ka Lang talaga virgin iisipin kong pinag papantasyahan mo na si Bryzon." Sabi neto bago tumayo at nag lakad papasok sa kusina namin. "Ako na mag luluto nang dinner. Mukhang pagod na pagod ka e." Sabi neto bago tuloyang Pumasok.
Natigilan Naman ako sa sinabi ni Red. Parang gusto kong sampalin Yung sarili ko dahil sa Hindi ko pag Sabi sa kanila nang totoo.
Of course I didn't tell Red and Chloe About what happened to me and Bryzon! Ni Hindi ko nga sinabi iyun Kay Ate Via e. At Hindi Naman talaga pinag uusapan Ang ganung topic.
Besides, pinsan ni Chloe Yung ex Ni Bryzon. At kahit kaibigan ko si Chloe, ay Hindi Naman siguro Tama Yun pag kwenento ko pa sakanya Yung tungkol sa nangyari samin.
I sighed heavily. Na gguilty na ako sa pag sisinungaling sa mga kaibigan ko. Pero Naman Kasi, Hindi Naman ata bino-broadcast Yung mga ganung pangyayari diba? At ako na din Ang nag Sabi Kay Bryzon na kalimutan na namin Yun. Kaya dapat Lang panindigan ko yung desisyon na ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]