Bitbit Ang mga binili Kong muffins, ay pumara ako nang Taxi. Meron Naman agad na tumigil sa harapan ko kaya Naman agad akong Pumasok dun. Sinabi ko na sa Driver Ang address nang bahay ni Tiyang Melinda, kaya Naman nag drive na ito.
Napatingin na lamang ako sa labas nang bintana, at tinitignan Ang daan na tinatahak namin.
Hindi ko Naman maiwasan Ang Hindi isipin si Bryzon. Mabuti na Lang talaga Hindi na kami ulit nag Kita nun. Mabuti din na tumigil na siya kanina kakasunod sakin.
Siguro Kung Hindi Lang maayos Yung itsura nun, at Kung Hindi ko Lang nakasabay sa eroplano Yun. Iisipin ko talaga na baliw siya e.
Sino ba Naman Kasi Ang nasa tamang pag iisip na tatawagin Ang isang taong Hindi mo kilala sa pangalang muffin? At Sino din ba Kasi Yung nasa tamang pag iisip na magiging isang dakilang spoiler, sa taong kasabay mo Lang sa eroplano?
Hay naku! Naiinis nanaman ako dahil sa naisip ko Yung librong Hindi ko na binasa dahil sa spoiler na Yun! Nung sinabi Niya Kasi sakin na namatay Yung babaeng bida, ay agad akong nawalan nang ganang basahin Yun.
Para Kasi sakin, Yung curiosity talaga Yung nag bibigay rason sakin para ipag patuloy Yung pag babasa nang isang Libro. Eh paano pa ako ma ccurious Nyan? Eh Alam ko na ngayon Kung bakit palaging nang hihina Yung babae dun, at Kung bakit Hindi Niya ineenjoy Yung buhay Niya.
Napailing na lamang ako dahil sa naiisip ko. "Hay naku, Bernadette. Kung Anu Anu nanaman Yung pinag iisip mo." Sabi ko pa sa sarili ko.
"Kausap niyo po ako, Mam?" Napatingin Naman ako sa Taxi Driver nang mag salita Ito. Agad Naman akong umiling dahil sa sinabi Niya.
"Hindi po, Kuya. Sarili ko po kausap ko." Sabi ko. Nakita ko Naman Ang nag tatakang tingin sakin ni Kuya da rearview mirror.
"Ah. Ganun po ba? Sige po. Sana mag ka intindihan kayo." Sabi pa neto. Napanguso na lamang ako dahil sa sinabi Niya.
Totoo Naman Kasi na sarili ko kinakausap ko e. Alangan sabihin ko siya, ede nag mukha akong tanga nun diba?
Inayos ko na lamang Yung malaking salamin ko, bago ko binalik ulit yung tingin ko sa labas.
Hindi na Lang ako makiki pag usap sa sarili ko. Baka Hindi kami mag ka intindihan e.
Mag iisang oras din Ang biyanahe namin bago ako nakarating sa apartment nila Tiyang Melinda. Hindi ko din Alam Kung bakit napaka layo nang tinutuloyan nila. Ang Sabi Lang sakin ni Ate Via, dahil daw Ito Lang Yung murang apartment na Nakita nila.
Pero sa pag kaka tandan ko Naman, Hindi bumababa sa 35,000 Ang pinapadala ko Kay Tiyang Melinda buwan buwa. Parang sapat Naman ata Yun para makakita nang mas maayos na apartment diba?
Nag bayad na ako Kay Manong Driver na hanggang ngayon ay makahulugang tumitingin pa din sakin. Pina walang bahala ko na lamang iyon, at agad na lumabas nang maiabot Niya sakin Ang sukli.
Baka iniisip nun na weirdo ako. Eh totoo Naman kasing sarili ko Yung kinakausap ko at hindi siya e. Hay naku.
"Bernadette! Andito na Yung pamangkin ko na mayaman! Bibigyan ako nang pera neto!" Agad na bungad sakin ni Tiyang Melinda na tumayo Mula sa pag kakaupo Niya.
Nag mmadjong Ito kasama Yung mga kaibigan Niya na pinakilala Niya sakin nung dumating ako. Pumunta Ito sakin at agad akong niyakap, kaya Naman alanganin ko itong niyakap pabalik.
Nang kumalas Ito sa pag yayakapan namin ay agad ako netong tinignan at nginitian.
"Oh asan na Yung pang sugal ko?" Agad na tanong neto sakin. Tinignan ko lamang Ito at nakita kong nakatingin din samin Ang mga kaibigan Niya.
Bumuntog hininga na lamang ako bago ako kumuha nang pera saking bag. Inabot ko sakanya Ang 500 pesos, pero kumunot lamang Ang noo Niya.
"500 pesos? Anu ba Naman Yan, Bernadette. Ginigipit mo ba ako? Kulang to!" Reklamo Niya sakin.
Hindi na lamang ako nag reklamo at agad na kumuha pa na isang 500 pesos at ibinigay iyun sakanya. Naiinis na kinuha Niya Naman sakin Yun, bago padabog na kinuha Yung hawak Kong paperbag, Kung saan nakalagay Yung binili Kong mga muffins.
"Akin ba to? Salamat!" Sabi niya at agad agad na bumalik sa pwesto Niya at nag laro ulit.
Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, bago ako umakyat sa apartment nila ni Ate Via. Agad ko Naman itong nadatnan na nag lilinis.
"Ate..." Pag kuha ko nang attensyon niya. Agad Naman itong napatingin sakin at tumakbo para yakapin ako. Nakangiting niyakap ko Naman Ito pabalik.
"Loraine! Mabuti naka balik ka ulit." Saad Niya.
Tinignan ko Naman Ito at ngitian nang kumalas kami sa yakapan.
"Hinding Hindi na Kita iiwan ulit dito, Ate. Halika...." Sabi ko sakanya bago ko siya hinila papunta sa maliit nilang kusina.
Nang makapasok kami dun, ay agad Kong chineck kong pumasok ba si Tiyang Melinda o Hindi. Nang masigurado Kong wala Ito, ay agad akong bumaling Kay Ate Via at hinawakan Ang kanyang mga kamay.
"Itatakas Kita sa susunod na linggo ito. Konting panahon pa, dahil kailangan ko pang humanap nang matitirhan natin. Next week, bibigyan ko nang pera si Tiyang Melinda at sasabihin ko sakanya na mamasyal siya o pumuntang casino. Pag umalis na siya, tsaka Tayo aalis.. tsaka Kita itatakas sakanya." Sabi ko dito.
Agad Naman sumilay Ang ngiti sa kanyang labi at Ang pag-asa sa kanyang mukha. Niyakap ako ni Ate Via.
"Maraming salamat, Loraine... Maraming salamat." Sabi neto at rinig ko Ang pag hikbi Niya. Dahil dun, ay namuo din Ang luha saking mata.
"Konting tiis na lang, Ate. Konting tiis na Lang.." naiiyak ko din na Sabi. Ramdam ko Naman Ang pag tango Niya.
Konting tiis na Lang. Hinding hindi na tayo masasaktan ni Tiyang Melinda...
BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]