Nakatingin Lang ako sa labas nang aide window nang taxing sinasakyan ko. Pinag mamasdan ko Lang Yung daan na tinatahak namin.
Palayo na ako sa LM pero tila Yung isip ko ay nanatili pa din nandun kasama sina Lauren at Alley.
Pauwi na ako ngayon sa condo ni Bryzon pero Hindi ko pa din magawang Hindi isipin Yung pinag usapan namin kanina. Masyadong madami akong nalaman na inpormasyon, na Hindi ko Alam Kung kailan ba pproseso sa isip ko.
Una, nalaman kong Yung ex-girlfriend ni Bryzon na si Britney at nag cheat sakanya sa mimong bestfriend Niya.
Pangawala, Yung bestfriend ni Bryzon na boyfriend ngayon ni Britney ay si James Samonte. Siya Yung kaibigan ko din dati na ginamit Lang ako at Hindi ako ni-respeto bilang isang babae. Dahil nagawa niya ipag kalat sa buong campus na nakiki pag-sex daw ako sakanya para lang maka kapit sa scholarship ko. Na hinding Hindi ko naman ginawa dahil Hindi ako ganung klaseng babae. Kung tutuusin ay siya pa Yung lumalapit sakin para mag patulong sa mga projects Niya. Tinutulongan ko Lang naman siya dahil hindi ko kayang tiisin na Hindi tumulong sa taong na nangangailangan.
Pero ginamit Niya Lang ako. Akala ko ay totoo ko siyang kaibigan pero Hindi. Nung unang pag kakataon na tinanggihan ko siyang tulungan, ay agad niyang pinakalat sa buong campus na nakiki pag-sex ako sakanya.
Sobra akong nasaktan dahil sa ginawa Niya. I feel so betrayed. Kaibigan Yung Turing ko sakanya, pero niloko Niya Lang ako. Trinaydor. Ginago.
Kaya pinangako ko sa sarili ko na hinding Hindi na ako mag papa gamit sa iba. Na hinding Hindi ako mag bibigay nang tulong sa mga taong Hindi ko nakikitaan Kung deserve ba nila iyun o Hindi. At pinangako ko din sa sarili ko na, lalayo na ako Kay James. Ayoko nang mag karoon nang koneksyon sakanya. Masyado akong nasaktan sa ginawa Niya.
Yung pangatlong rason ko ay Yung pinaka huling sinabi ni Lauren sakin. Hindi ko Alam Kung ma pproseso ba iyun nang utak ko. Pero nung sinabi iyun ni Lauren sakin kanina, ay tila nakaramdam ako nang pag ka Hina.
Lauren said, "Because of what happened to him and Britney. Bryzon is now scared to love again. He is now scared to have some commitments. Natatakot na siyang maloko ulit. Natatakot na siyang masaktan ulit. Kaya takot na siyang mag Mahal ulit."
Lahat nang sinabi ni Lauren ay tila isang malaking sampal iyun sa akin.
Anu ba kasi Yung iniisip ko? Bakit paba ako umaasa na mag kakaroon kami nang chance ni Bryzon?
Alam ko Naman nung una pa Lang ay napaka impossible na nang iniisip ko. Mayaman si Bryzon, mahirap ako. Sobrang mag kalayo Yung estado namin sa buhay.
Pero....
Pero bakit ganito?
Bakit Hindi ko maiwasan Ang Hindi masaktan? Bakit kahit Alam ko na na impossibleng maging kami ni Bryzon, bakit nasasaktan pa din ako?
Siguro'y dahil sa umasa ako. Umasa ako nang katiting na baka, baka isang araw maging possible na yung impossible.
Baka umasa ako na isang araw magising ako na Hindi na importante Yung estado na pinang galingan ko sa pag tanggap sakin sa mundo ni Bryzon.
Baka.... Baka umasa talaga ako na mamahalin ako ni Bryzon. Na kahit ganito Lang ako, ay possibleng maging kami.
Maybe I was just hoping... Really hoping from Bryzon.
But can you blame me?
Bryzon is so good to me. Sa Amin ni Ate Via. Kaya Hindi ko maiwasan Ang Hindi isipin na baka may iba pang dahilan si Bryzon kaya Niya kami tinulongan. Na baka higit pa sa pambabawi niya ang pag tulong Niya samin.
BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]