Dahil na din sa tulong ni Bryzon ay napabilis ang lag uwi ko nang Pilipinas. Sobrang nag papa salamat din ako Kay Red at Chloe dahil sinuportahan nila ako sa naging desisyon ko.
Nalaman ko din na kilala pala ni Bryzon ang may-ari nang hospital na pinag ttrabahuan ko. Nagulat ako nung sinabi niyang Hindi ko na daw kailangan pang kausapin Yung department head namin dahil nakausap Niya na Yung may-ari nang hospital.
Hindi ko Alam Kung paano ako mag papasalamat Kay Bryzon pero sinisigurado Kong tatanawin Kong utang na loob Ito sakanya.
"Hindi po ako nag book nang flight sa first class. Economy po Yung binook ko." Sabi ko sa flight stewardess na tumulong sakin na hanapin Yung upuan ko.
Sa pag kakaalam ko ay economy Yung pina-book ko Kay Bryzon. Kaya Naman nagtataka ako ngayon Kung bakit nag lalakad kami papuntang first class.
"Ito po Yung nakalagay sa ticket niyo Mam." Magalang na sagot nang stewardess. Kunot noo Naman akong tumingin sakanya.
"Pero Hindi Ito Yung binook k--" hindi ko na natuloy pa Yung sasabihin ko nang mag salita Ito.
"Please take a sit Mam." Nakangiting Sabi neto.
Alanganin man ay sinunod ko na lamang siya. Kinuha ko Yung cellphone ko at agad na nag message Kay Bryzon.
-Bakit nasa First class ako? Akala ko ba Economy Yung binook mo?
Ilang sandali Lang Ang lumipas nang makatanggap ako nang sagot Kay Bryzon. Alam ko kasing hinihintay Niya din Yung message ko para sabihin sakanya na aalis na ako.
-You'll be more comfortable there. Just take it, okay? Wag kana mag tanong diyan sa mga stewardess. Ang importante ay Ang makauwi ka.
Yun Ang reply Niya. Huminga na lamang ako nang malalim.
Anu pa nga ba ang magagawa ko? Kundi ang sundin siya.
Umupo na lamang ako sa naka-assign na seat sakin. Kagaya nang sinabi ni Bryzon, ay ginawa Kong komportable Ang aking sarili. Nang masigurado kong maayos na Ang posisyon ko, ay pinikit ko na ang aking mga mata para makatulog.
Sa nalaman Kong balita, ay Hindi ko magawang matulog nang maayos nang nakaraang araw. Kinailangan ko pang mag hintay nang Isa pang araw para makauwi ako nang Pilipinas.
Kagabi Kasi pag tawag ko Kay Bryzon ay sinabi netong iccheck Niya Yung available flight at nalaman na, Ang last flight nang UAE to Philippines ay kakaalis Lang. Kaya kinailangan Kong mag hintay pa nang isang araw para makauwi ako nang Pilipinas.
Hindi ko magawang makatulog nang maayos kagabi. Ang isip ko ay nasa Pilipinas. Iniisip ko Kung malala ba yung natamo ni Ate Via. Iniisip ko Kung kamusta naba siya. Iniisip ko Kung okay na ba siya.
Madami akong naiisip. Madami akong gustong itanong Kay Ate Via. Pero nangingibabaw pa din Yung galit na nararamdaman ko para Kay Tiyang Melinda.
Sabihin na natin na tinulongan Niya kami noon. Pero sobra sobra din Naman Yung mga binalik ko sakanya. Sobra sobra din Yung ginawang pag titiis ni Ate Via sa poder niya.
Kaya Hindi ko kayang Hindi makaramdam nang galit para sakanya. Sa Kung paano Niya nagagawang saktan Yung sarili niyang pamangkin? Yung sarili niyang kadugo?
Buo Ang desisyon Kong kasuhan si Tiyang Melinda. Alam Kong nag iisa siyang kamag-anak namin. Pero sa mga ginagawa niya Kay Ate Via? At dalhin ko pa Yung mga ginawa Niya Kay Nanay noon?
Wala na akong nakikitang rason para ituring siyang kamag-anak. Wala na akong nakikitang rason para hayaan nanaman siyang saktan kami.

BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]