Chapter 30

513 10 0
                                    

"Anu pa Yung gusto mong pabilhin Ate?" Tanong ko Kay Ate Via habang inaayos ko Yung bag ko.

"Na check mo naba Yung ref?" Tanong neto sakin. Tumango Naman ako.

"Opo. Wala nang laman. Puro tubig Lang tapos mga itlog." Sabi ko sakanya.

"Oh siya, Kung Anu na Lang Yung Makita mo dun nasa tingin mo kailangan natin dito, bilhin mo na Lang. Hindi na ako makaka pag sulat dahil medyo masakit pa tong braso ko." Sabi Niya sakin. Tumango naman ako sakanya.

"Okay Lang Yan, Ate. Parang Hindi ako nasama noon sa inyo ni Nanay na mamelengke." Sabi ko sakanya.

"Hindi Naman Kasi talaga, Loraine. Naaalala mo pa ba na sa tuwing dinadala ka namin sa palengke palagi Kang nag rereklamo Kasi ayaw mo sa dun? Nasisikipan ka tapos naiingayan." Natatawang Sabi ni Ate Via. Napanguso Naman ako.

"Eh Hindi Naman ako sa palengke e. Sa grocery Naman ako." Depensa ko pa sakanya. Tumawa na lamang Ito.

"Kasi nga ayaw mo sa palengke." Sabi Niya pa sakin.

"Kasi nga malayo Ang palengke. Mas malapit pa Yung mall keysa sa palengke." Sabi ko pa ulit.

"Okay. Yan Sabi mo e." Natatawang Sabi neto sakin.

Nag paalam na lamang ako Kay Ate Via bago tuloyang lumabas sa kanyang kwarto. Hindi Naman Kasi sa ayaw ko sa palengke, let's just say na Hindi ko talaga trip ang mamelengke at kahit mag grocery pa.

Sa UAE si Red talaga Yung nag ggrocery dahil ayokong gawin Yun. Hindi ko din Alam Kung bakit ako ganito, dahil kadalasan Naman sa babae ay gustong gusto mag grocery. Pero ako? Yun Yung pinaka ayaw ko.

Uminom muna ako nang tubig bago lumabas nang bahay namin. Nang makalabas ako ay agad kong sinarado Yung gate, at nag umpisa nang mag lakad.

Dalawang araw na Mula nung nakauwi kami galing hospital. Sa awa nang Diyos ay naging normal Naman lahat nang test ni Ate Via. Bumubuti na din Ang lagay Niya, pero may mga gamot pa din itong iniinom at ointment para sa kanyang mga pasa.

Gustohin ko mang sampahan nang kaso si Tiyang Melinda, ay hindi pumayag si Ate Via. Kagaya nang palagi Kong rason, ay sinabi netong kahit anung mangyari ay tiyahin pa din namin siya at pamilya pa din namin siya. Kaya Wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan na lamang si Tiyang Melinda.

Ilang araw na din Kasi Ang lumipas at Hindi na ulit siya nag pakita samin. Mabuti na din iyun, para naman mapanatag Ang kalooban ko pag bumalik ako sa UAE. Nangako din Naman Sina Lauren at Alley na dobleng pag babantay Ang gagawin nila Kay Ate Via, at Kung gusto ko daw ay pwede nilang bigyan siya nang bodyguard dahil may kilala Naman daw Ang kuya ni Lauren na si Kuya Laurence. Tinanong ko si Ate Via, pero tumanggi na lamang Ito at sinabing aalagaan Niya Ang kanyang sarili.

Napag usapan na din namin ni Ate Via Ang Plano Kong pagbalik sa UAE. Sinabi ko sakanya na kailangan ko Lang bumalik dun at mag trabaho nang tatlo o apat na taon pa bago bumalik dito sa Pilipinas . Plano ko Kasi talagang tuparin Yung Isa ko pang hiling na maging isang wedding planner. Gusto ko ding ibigay Yung pangarap ni Ate Via na coffee shop. Kaya Naman baka sa susunod na linggo na Ang biyahe ko pabalik sa UAE.

Sumakay ako sa Taxi at nag pahatid sa mall. Dapat sa mall Lang na malapit samin ako mag ggrocery pero naisipan kong sa LM na lang para makabili din ako nang mga kailangan ko para sa pag balik ko sa UAE. Para isang bilihan na Lang.

Ilang sandali Lang Ang biyanahe ko bago makarating sa LM. Agad akong bunayad at bumaba sa taxing sinasakyan ko, at nag lakad na papuntang loob nang mall.

Dumeritso na ako sa supermarket at nag simula na sa pambibili. Namimili Lang ako nang maramdaman kong Parang may sumusunod sakin. Nilingon ko iyun at Wala Naman akong nakitang possibleng nag babantay sakin, Parang lahat nang Tao dito ay namimili Lang naman.

Pero laking gulat ko nang pag harap ko ay nakita ko si Bryzon sa harapan ko.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya, pero nakatitig lamang Ito sakin.

Hindi ko Alam Kung bakit pero agad ako nakaramdam nang konsensya dahil sa nakikita ko. Kung malala yung itsura ni Bryzon nung huling pag uusapan namin, ay mas naging malala ngayon.

Tila'y Wala itong tulog at palaging stress dahil sa kanyang itsura. Hindi na din Ito nakaka pag shave, dahil kitang Kita Ang kahabaan nang kanyang barbas.

"Sinabi ni Lauren na babalik Kang UAE, is that true?" Tanong neto sakin.

Umiwas na lamang ako nang tingin bago siya nilagpasan at nag patuloy na sa pag bibili. Pero Hindi Niya Naman ako pinigilan dahil ramdam na ramdam ko pa din Ang pag sunod neto sakin.

"Are you fucking leaving again?" Madiin niyang Sabi sakin. Napatigil Naman ako sa pag lalakad at hinarap siya.

"Anu bang problema mo?" Tanong ko sakanya.

"You. Ikaw Yung problema ko." Sabi neto.

Kitang Kita ko Ang pag pipigil nang galit ni Bryzon. At dapat Lang talagang pigilan Niya, dahil nasa isang supermarket kami.

"Ako? Bakit ako?" Tanong ko sakanya kahit na Parang Alam ko na Ang sagot dun.

"Binabaliw mo ko, Loraine. Sobrang binabaliw mo ko." Punong puno nang hinanakit na Sabi ni Bryzon.

Nanatili akong nakatitig lamang sakanya, dahil Hindi ko Alam Kung Anu ba Ang dapat Kong sabihin sakanya. Parang umurong Ang dila ko dahil sa sinabi neto.

"I love you. I know that you know that. But fuck! Bakit ba Hindi mo kayang tumaya sa pag-ibig? Anu bang kinatatakutan mo? Why are you so afraid to risk in love?" Tanong neto.

Napalunok ako dahil sa tanong ni Bryzon. Tila'y kahit ako ay Hindi ko Alam Ang sasabihin sakanya.

I'm not afraid to risk in love. I actually did. I already did.

Tumaya na ako. Tumaya na ako sayo, Bryzon. Gustong gusto Kong sabihin pero Hindi ko Alam Kung paano.. Kung bakit pa?

He is mad! He is so mad! Ramdam na ramdam Kong galit siya si Bryzon sakin. Alam ko dahil ramdam ko at Kita ko.

"Why? Why can't you take a risk?" Tanong pa ulit neto.

Dahil sa samo't saring emosyon na nararamdaman ko, ay isang bagay na lamang Ang aking ginawa.

Tumalikod ako sakanya at iniwan siya. Umalis ako dun at iniwan siya. Iniwan ko siya. Iniwan ko nanaman siya.

Hindi ko Alam Kung mapapatawad pa ako ni Bryzon dahil sa pang ilang beses ko na siyang iniwan at tinanggihan.

Pero Kasi, napaka hirap. Sobrang hirap. Hindi ko na Alam Kung paano at Kung Anu Yung gagawin ko.

Mahal ko si Bryzon. Tumaya ako sa pag-ibig. Pero.... Pero impossible e. Napaka impossible.

Hindi ko Alam Kung bakit naging ganito Ang sitwasyon namin ni Bryzon. Pero isang paraan Lang Ang naiisip ko. Ang lumayo at iwanan siya.

Risk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon