Nilagay ko Ang blood sample na kinuha ko sa isang pasyente sa tray na nasa harapan ko. Pag katapos nun ay hinugasan ko Ang mga ginamit Kong instrumento para i-examine ang dugong nakuha ko. Pag katapos Kong malinis Yung mga ginamit ko, ay agad ko itong nilagay sa isang lagayan para i-sterilize iyun. Nang masigurado Kong maayos na ang lahat, ay agad akong pumunta sa maliit na office ko dito sa laboratory.
Isa ako sa mga Heads nang laboratory namin dito sa pinag ttrabahuan Kong hospital. Mag sisinungaling Naman ako pag sinabi Kong Hindi ko ineexpect o hinahangad na maging isang head. I mean, I worked hard for this. Ilang taon din ako nag tiis na Hindi umuwi at Hindi makasama ang kapatid ko, para Lang matupad Ang pangarap ko. Sino ba Naman Kasi Ang ayaw maging isang head nang laboratory nila diba? Hindi Naman ako nag MedTech para Lang manguha nang dugo, I still have a dream. At Hindi natitigil Ang mga pangarap ko sa pagiging isang MedTech. I also dream of becoming more than that, that's why becoming one of the heads makes me very happy.
But that is not just it...
Honestly speaking, I'm also dreaming of becoming a Wedding Planner. Tho, natutupad Naman yun paminsan minsan, pero kagaya nga sa sinabi ko, head ako nang lab namin kaya minsan hindi din ako nakaka tulong Kay Red. Tumutulong Lang naman ako Kay Red pag may free time ako e, and na eenjoy ko naman Yung pagiging isang wedding planner. Kaya gusto ko din 'to masubukan, Yung full time talaga. Pero dahil na nga sa trabaho ko, ay Hindi ko magawa 'yun.
Pero bakit ba ako nag rreklamo? Like what I've said, I worked hard for this position kaya Wala akong karapatan na mag reklamo. Kung iisipin Kasi, pili Lang nang mga pinoy ang ginagawang head nang hospital namin. Siguro sa mahigit isang libong empleyado namin dito sa hospital na'to, mabibilang ko Lang sa mga daliri ko Ang mga pinoy na nag kakaroon nang opurtunidad para maging head nang department nila.
That's why I'm very thankful. Pakiramdam ko napaka swerte ko dahil na din sa biyayang natatanggap ko sa buhay ko. Parang binawi lahat nang Panginoon Ang hirap na pinag daanan ko, para Lang makarating ako sa posisyon ko ngayon. Lalong lalo na sa hirap na dinaanan ko sa kamay nang Tiyang Melinda ko. Kapatid siya ni Nanay, at siya Yung nag-alaga samin nang nakaka tandang kapatid ko na si Via.
15 years old ako nang mamatay Ang Tatay namin, habang si Ate Via Naman ay 18 years old nung mangyari 'yun. Mahirap Lang naman kami kaya sobrang naging mahirap para Kay Nanay na itaguyod Ang Pamilya namin. Isa lamang kasambahay si Nanay, at Hindi din Permanente Ang trabaho niya dun. Tinatawagan Lang siya pag kinailangan nila nang katulong, kaya Naman naging isang labandera din si Nanay.
Saksi kami ni Ate Via sa pagod at hirap ni Nanay. Sabihin man namin sakanya na huminto na Lang kami sa pag aaral, para tumulong na lamang sakanya, ay ayaw Niya Naman. Sabi niya Hindi daw gugustohin ni Tatay na huminto kami sa pag aaral. Kaya kahit na labag sa kalooban namin ni Ate Via na walang tigil sa pag ttrabaho si Nanay, ay wala kaming nagawa. Nag aral na lamang kami nang mabuti, at dahil dun ay naging scholar ako sa isang University nung nag college na ako.
Sobrang saya ko nung araw na Yun dahil sa wakas, masasabi ko na Kay Nanay na pwede na siyang huminto sa pag lalabada, dahil nakakuha na ako nang scholarship. Sa mga panahon na iyun Kasi, ay nag ttrabaho na si Ate Via sa isang coffee shop. HRM Kasi Yung kinuha niyang korso, at naging isang scholar din siya. Kaya nga nag sumikap ako para din matulongan si Nanay kagaya nang ginawa ni Ate Via Nung nag aaral Ito.
Ngunit Hindi ko Naman Alam Kung bakit Hindi kampi Ang tadhana sakin nung mga panahon na Yun. Dahil Nung mismong araw na Yun, ay na aksidente si Nanay at sa hindi inaasahan na pag kakataon ay namatay Ito. Ang Sabi nang mga nakakita ay nabangga daw Ito nang isang sasakyan dahil sa Hindi tumitingin sa daan si Nanay, pero meron din Naman nag sasabi na tumitingin daw si nanay sa daan at mabilis Lang talaga Yung takbo nang sasakyan na naka bangga sakanya.
Pero kahit anu man Ang katotohanan, Wala Naman kaming magagawa. Isang hamak na mahirap lamang kami, at Wala kaming pera para nag sampa nang kaso sa naka bangga Kay Nanay. Meron din Naman silang pinabigay na tulong samin, sa totoo niyang ay ilang ulit silang nag bigay nang tulong samin. Ngunit ilang ulit din silang tinatanggihan ni Ate Via.
Naiintindihan ko Naman si Ate Via e. Alam Kong mahirap para sakanya Yung nangyari Kay Nanay. Mahirap din Naman iyun sakin. Pero Anu ba Ang magagawa namin? Wala kaming pera. Wala kaming kapangyarihan para bigyan nang hustisya Ang pag kamatay ni Nanay. Wala kaming nagawa dahil mahirap Lang kami.
Masakit man aminin pero Yun Ang katotohanan na nangyayari sa buhay natin. Naka depende sa istado nang Tao Kung mabibigyan ba sila nang hustisya na hinahangad nila. Kaya nga nag sumikap ako. Ginawa ko Ang lahat para makatapos ako sa pag aaral ko, para makapag trabaho ako, para maka pag ipon ako, para mag ka pera ako, para Hindi na maiangat ko ang istado namin ni Ate Via, para kahit papaano ay Hindi na kami maging isang di hamak na mahirap Lang. Hindi... Hindi na mangyayari iyun.
Napatingin Naman ako sa cellphone ko nang mag ring Ito. Kumunot Ang noo ko nang Makita Kong tumatawag si Red sakin.
Anung kailangan nang baklang 'to? Tanong ko sa sarili ko. Nagtataka man ay sinagot ko pa din Yung tawag Niya.
"Reddy? Napa tawag ka?" Bungad ko dito.
"Nerdie! Merong nag email dito. Hindi ko kilala e. Pero Sabi niya umuwi ka daw nang pilipinas dahil ikakasal daw Yung kaibigan niyo." Sabi ni Red. Nagtaka Naman ako dahil sa sinabi Niya.
"Kaibigan? Anung pangalan?" Tanong ko dito.
Inaalala ko Naman Kung Sino bang kaibigan ko Mula sa Pilipinas Ang nag eemail sakin. Pero Parang Wala Naman? Siguro Yung contact ko Lang talaga sa Pilipinas ay Yung Ate Via ko, at syempre Yung Tiyang Melinda ko.
I sighed heavily as I remember what Tiyang Melinda message me yesterday. Nag hihinge nanaman Ito nang pera para sa pag casino niya. Ayaw ko man mag bigay nang pera Kay Tiyang Melinda para sa pag susugal Niya, ay Wala Naman akong magagawa. I mean, siya Yung nag alaga samin ni Ate Via Nung namatay si Nanay. Kahit Naman Kasi sabihin ko na pwede Naman kaming mamuhay ni Ate Via na kaming dalawa Lang, ay iba pa din pag may kasama kayong nakakatanda sa inyo para may gagabay sa inyo.
Pero Kung iisipin ko Naman, Hindi Naman kami ginagabayan ni Tiyang Melinda e. Galit, pananakit, at panunumbat Lang naman Yung nakukuha namin sakanya. Nevertheless, tiyahin pa din namin siya at binigyan Niya kami nang tahanan Nung mga panahong namatay si Nanay, kaya naman tutulong pa din ako sakanya.
"Si Lauren Lopez, Teh. Kilala mo ba 'to?" Tanong ni Red. Natigilan Naman ako sa sinabi Niya.
Si Lau? Siya Yung nag message? Pero bakit? Teka....
"Sabi mo ikakasal Yung kaibigan namin?" I asked Red.
"Oo teh, anung irreply ko?" Sabi Naman Niya.
Parang gusto ko namang tumili dahil sa nalaman ko.
Oh my gosh! For sure si Alley Yung ikakasal. Oh my! My Baby Als is going to get married!
Hindi ko Naman maiwasan Ang Hindi makaramdam nang saya dahil sa nalaman ko. Hindi ko din mapigilan Ang Hindi sila ma-miss.
They are my best friends! Both of them! Alley and Lauren. Tho, mas matanda ako sakanila nang isang taon, pero naging matalik ko silang kaibigan. Gosh. I miss them!
"Ako na Lang Yung mag rreply sakanya. Thank you Reddy." Sabi ko Naman Kay Red.
"Oh siya sige. Pero mamaya tuloy tayo ha!" Sabi niya.
"Oo na." I told him. Narinig ko Naman Ang pag tawa Niya sa kabilang linya.
"Good! See ya later Nerdie!" He said. Natawa na lamang ako bago binaba Ang tawag Niya.
We'll be out later. Mamaya Gabi kami makiki pag Kita Kay Chloe. Maliban Kasi sa Hindi Niya kami tinigilan para maki pag party sakanya, ay Wala din Naman kaming work ni Red kinabukasan.
Naalala ko Naman sila Lauren and Alley. I just can't help but to smile. I really miss them! And I just can't wait to see them.

BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]