Chapter 20

538 12 3
                                    

"Saan ba Kasi Tayo pupunta?" Tanong ko Kay Ate Via.

Tinignan Niya lamang ako at binigyan nang isang ngiti bago ako ulit tinulak papasok sa banyo dito sa kwarto ko.

"Mag ayos ka na Lang Kasi, Loraine. Sundin na si Ate, okay?" Nakangiting Sabi niya.

Kumunot Naman Ang noo ko. Bakit Parang naging weird bigla si Ate Via?

Inayos ko Naman Ang malaking salamin na suot ko bago ko walang ganang kinuha Yung towel ko sa ibabaw nang upuan at nag pa tulak na kay Ate Via.

"Wag na Lang Kasi tayong umalis, Ate. Dito na Lang Tayo sa bahay. Ayoko talagang gumala e." Sabi ko sakanya pero tila'y pumapasok lamang Ito sa isang Tenga Niya at lumalabas sa kabila.

"Ilang araw kanang nag mumukmok dito sa kwarto mo. Lumabas Naman Tayo, Loraine." Sabi Niya sakanya.

Tumigil Naman ako sa pag lalakad at hinarap Ito.

"Ate, Kung gusto mong gumala ikaw na Lang. Ayoko ko talagang lumabas." Sabi ko sakanya.

"Ah Hindi! Lalabas tayong dalawa. Anu kaba, Bernadette Loraine? Ilang araw na Lang babalik Kana sa UAE, mag mumukmok ka Lang ba talaga dito sa mga natitirang araw na bakasyon mo?" Sabi Niya sakin.

I sighed heavily. Hindi ko na Alam Kung ilang araw na Lang ang natitira bago ako bumalik sa UAE. Hindi ko na din kasi tinitignan ang kalendaryo dahil palagi Lang naman ako nandito sa kwarto ko.

Hindi na din ako lumalabas at gumagala kahit ilang beses na akong yayain nila Lauren at Alley. Minsan nga pate si Khacy niyayaya Niya din ako, pero tumatanggi na lamang ako.

Ewan ko ba. Parang nawalan ako nang gana pag katapos namin pag usapan ni Ate Via si Bryzon. Kahit Hindi ko Naman Kasi aminin ay may point Yung mga sinabi Niya. Dapat Lang talaga namin pag usapan ni Bryzon Yung mga bagay na nangyari sa pagitan namin.

Pero napapaisip ako. Anu nga ba ang mga bagay na nangyari samin? Wala Naman kaming relasyon simula pa Lang. Wala Naman talagang may namamagitan samin e.

Siguro'y may nangyari samin. Siguro'y siya Yung nakauna sakin. Pero sinabi ko Naman na sakanya na kalimutan na Lang namin Yun. Na wag na namin pang alalahanin Yun.

I sighed heavily. Masyado akong naapektohan sa isang bagay na hindi naman naging akin. Masyado akong naapektohan sa isang Tao na kailanman ay hindi ko naka-relasyon.

Labag man sa loob ko ay sinunod ko na lamang si Ate Via. Siguro'y magandang ideya din itong pag labas namin. Para Naman kahit papaano ay mawala sa isip ko Yung tungkol Kay Bryzon.

Nang matapos akong maligo at mag ayos ay agad akong lumabas nang aking kwarto. Nagulat Naman ako nang Makita ko sila Lauren, Alley, Khacy, at Ate Via na nag kkwentohan sa aming Sala.

"Finally! Mailalabas ka na din namin sa lungga mo!" Sabi ni Lauren sakin nang makarating ako sa harapan nila.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sakanila.

Nakangiting nag katinginan Naman silang apat.

"We arranged a Despidida party for you!" Tuwang tuwa na sabi ni Khacy.

"Anu?" Hindi maka paniwalang tanong ko.

"Yes! At Wala Kang ibang choice kundi Ang sumama samin, dahil ikaw Yung star of the night!" Sabi ni Lauren bago ako hinila palabas nang bahay namin.

"Lau, ayoko. Ayoko nang mga party party. Lalong lalo na nang Despidida party para sakin." Protesta ko sakanya habang nag lalakad kami palabas nang bahay namin.

"Hep! Hep! Hep! Wala kanang choice, okay? Besides, naayos na namin lahat at ikaw na Lang Yung hinihintay dun. Good thing din na Hindi ka nag pakita samin nang ilang araw, at least na planohan namin nang mabuti Yung Despidida mo." Sabi neto bago ako pinapasok sa likod nang kotse Niya.

Risk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon