Nakatutok lang ang mga mata ko sa flat screen TV namin dito sa apartment. Aakalain niyo'y naaliw ako sa pinapanood ko pero ang totoo ay lumilipad ang aking isipan.
Ang totoo niyan ay nasa Pilipinas Ang isip ko. Well, Sino pa nga Ang iniisip ko? Ede so Bryzon. Mag tataka ako kung Hindi si Bryzon Yung iniisip ko e.
Kaninang umaga pa Yung huling message Niya sakin. Ang Sabi neto ay may importanteng meeting siya kasama ang Daddy niya. Pero hapon na ngayon dito at sigurado akong Gabi na sa Pilipinas, pero Hindi pa din Ito nag mmessage ulit.
Hindi Naman sa nagiging OA ako o paranoid ako, but.... I just can't help it.
Paano Kung may masamang nangyari na pala sakanya dun? Paano Kung nag pa problema pala Yung meeting nila?
You see, Ito Yung pinaka ayaw ko sa LDR. Hindi ko nakakasama yung taong Mahal ko. Hindi ko siya nakikita, kaya Hindi ko Alam Kung okay Lang ba siya o may problema ba siya.
I sighed heavily. Hindi pa kami ni Bryzon pero Kung maka asta ako ay daig ko pa Ang isang asawa.
But what can I do? Nag aalala ako e.
Dahil na din sa hindi naman ako maka focus sa pinapanood ko, ay pinatay ko na lamang Yung TV. Napag pasiyahan kong mag bake na Lang nang cookies.
Frustrated Baker Kasi ako kaya kahit Alam Kong magiging palpak Yung gagawin ko, ay susubukan ko pa din. Besides, gusto ko talagang maging isang mabuting Baker, kaya dapat Hindi ako tumigil sa pag ppractice.
Sinearch ko sa YouTube Ang mga ingredients and process Kung paano mag bake nang cookie. Nang masiguro kong kompleto Ang mga ingredients ko, ay agad ko nang sinimulan Ang pag gawa nang cookies.
Hindi ko Naman mapigilan Ang Hindi mapa ngiti habang gumagawa nun. Ramdam na ramdam ko pa din ang kilig at saya ko nung tinawag ko si Bryzon na Cookie nung araw na umuwi siya nang Pilipinas.
Naalala ko pa Kasi na sinabi Niya sakin na paborito Niya Yung cookies. Lalong lalo na Yung Red Velvet Cookies. Kaya nga sinusubukan ko talagang ma perfect tong pag gawa ko nang cookies, para naman sa susunod makagawa na ako nang Red Velvet Cookies para Kay Bryzon.
Enjoy na enjoy ako sa pag gawa nang cookies nang biglang mag ring Yung cellphone. Kinuha ko iyun at agad na napa ngiti nang Makita ko Ang pangalan ni Bryzon. Walang Sabi Sabi Kong iniwan Yung binibake ko at sinagot Yung tawag Niya.
"Cookie!" Bati ko sakanya nang masagot ko Yung tawag Niya. Narinig ko Naman Ang pag tawa Niya sa kabilang linya.
Oh. I miss him. I miss seeing him laugh.
"Ang hyper Naman nang, Muffin ko." Natatawang Sabi niya. Napangiti Naman ako dahil dun.
"I'm baking. I'm trying to bake some cookies." Kwento ko pa sakanya.
"You're baking again? Baka masunog nanaman Yan." Natatawang Sabi niya sakin. Napanguso Naman ako bago umupo sa sofa dito sa sala namin.
Kakalagay ko Lang nang cookies sa oven, kaya medyo matagal pang maluto Yun.
"It's not, okay? Tsaka the last time that I baked ay kasama ko si Red. Akala ko binabantayan niya Yung binibake kong cupcake, pero Hindi Naman pala." Sabi ko Kay Bryzon.
"Okay, Muffin. Excuse accepted." Sabi Niya.
"I'm not making up excuses nu! Totoo Naman Kasi Yun." Sabi ko pa sakanya. Natawa lamang Ito.
"Anyway, I'm sorry I wasn't able to message you awhile ago. Sobrang naging busy dito sa office. Kinailangan din ako ni Dad sa bawat meeting niya. Tapos naiwan ko pa Yung phone ko sa opisina ko, at ngayon Lang ako nakabalik." He told me.

BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]