"Kamusta Ang coffee shop, Ate?" Tanong ko Kay Ate Via habang kumakain kami nang Dinner.
"Maayos Naman, Loraine. Nag usap kami ni Laurence nung nakaraang araw na bumili siya sa shop. Sabi niya pwede Niya daw tayong bigyan nang pwesto sa LM, Sabi ko itatanong ko pa sayo." Sabi ni Ate Via.
"Really? Maganda Yan Ate, mag kakaroon din Tayo nang isang Branch sa LM." Natutuwang Sabi ko Kay Ate Via na ikinangiti Niya Naman.
"Oo nga e. Grabe nu? Akala ko talaga Hindi magiging successful Yung negosyo na naisip ko. Ang dami na kasing coffee shop sa Manila e." Sabi pa neto.
"Aysus si Ate, Parang Anu! Tignan mo nga oh, lumalago na Yung coffee shop mo." Natatawang Sabi ko sakanya. Ngumiti Naman Ito sakin.
"Salamat Talaga, Loraine. Kung Hindi dahil sa sakripisyo mo, Hindi ko matutupad Yung pangarap ko." Seryosong Sabi ni Ate Via. Tumigil Naman ako sa pag tawag at ngumiti sakanya.
"Pangarap natin, Ate. Hindi Lang naman Yung pangarap mo Yung natupad dahil sa pag sasakripisyo ko. Pate din Naman Yung akin, kaya worth it lahat nang sakripisyo ko." Sabi ko sakanya.
"Masaya ako dahil natupad mo na Yung pangarap mo, Loraine." Sincere na Sabi ni Ate Via.
Naramdaman ko Naman na Kung may anung humaplos saking puso dahil sa sinabi Niya. Ngumiti ako sakanya sabay tawa nang bahagya.
"Naku si Ate! Pinapaiyak ako." Natatawang Sabi ko na ikinatawa Niya Naman.
"Iyakin." Panunuksong niya. Tumawa na lang Kaming dalawa bago pinag patuloy Ang pag Kain namin.
Nang matapos kaming kumain ay agad na akong pumunta sa kwarto ko para tignan Kung maayos na ba Yung mga naka schedule na kasal na inaasikaso ko. Nang masigurado kong okay na ang lahat, ay napag pasiyahan ko nang maligo para matulog.
Akmang tatayo na Sana ako Mula saking pag kakaupo, nang biglang mag ring Ang cellphone ko. Tinignan ko iyun at nakita ko Ang pangalan ni Lauren. Hindi Naman na ako nag dalawang isip na sagutin iyun.
"Hello Lau?" Bungad ko dito.
"Lor! Mabuti Naman gising kapa." Sabi neto sa kabilang linya. Napatingin Naman ako sa orasan dito sa kwarto ko, at nakita Kong mag aalas onse na pala.
Nakagawian ko kasing matulog nang alas diyes, kaya minsan Hindi ko din nasasagot Yung tawag nila Lauren at Alley pag niyayaya nila akong mag Bar.
"May inasikaso pa Kasi ako para sa kasal na inaayos ko." Sagot ko sakanya.
"Oh great! Pwede ka bang pumunta dito sa Bar ni Casper?" Tanong neto na nag patigil sakin.
"Huh? Bakit?" Tanong ko.
"We miss you! Ilang linggo kanang Hindi nag papakita samin ni Alley, kaya pumunta ka na Lang dito please? Besides may importante akong sasabihin sayo." Lauren said. Nagtaka Naman ako sa sinabi Niya.
"Anu Yung importanteng sasabihin mo sakin?" Tanong ko sakanya.
"Basta nga! Pumunta ka na Lang dito okay?" Sabi Niya pa sakin.
"Eh Anu ba Kasi Yun?" Tanong ko ulit.
Hindi Naman ako makulit pero Parang gustong gusto ko talagang malaman Kung Anu ba Yung importanteng bagay na sasabihin Niya sakin.
"Clue Lang ha?" Sabi neto. Hindi man Niya nakikita ay tumango ako.
"Sige. Clue Lang." Sabi ko sakanya.
"Okay. Someone is getting married!" Sabi Niya na ikinatigil ko.
Bakit.... Bakit pakiramdam ko si Bryzon Yun?

BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
Storie d'amoreAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]