Chapter 17

514 14 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung umalis kami sa condo ni Bryzon.

Hindi na din  namin na pag usapan ni Ate Via Yung tungkol sa nararamdaman ko para Kay Bryzon. Hindi na din kami nag Kita pa ulit ni Bryzon pag katapos nun.

Hindi ko Alam pero nakakaramdam ako nang lungkot sa tuwing naaalala ko siya. Tila'y merong bahagi sakin na gusto siyang Makita at makasama muli.

I miss him....

I miss Bryzon.

Alam Kong kasalanan ko din Naman Kung bakit naging ganito, bakit kami nag kalayo, at kung bakit kailangan Kong tiisin na Hindi siya Makita.

I know it's my fault because I was the one who decided to leave him. Ako Yung nang iwan, kaya dapat panindigan ko Yung naging desisyon ko. Kahit mahirap ay dapat Kong kayanin, kahit pa sobrang miss na miss ko na siya.

I feel the sadness growing up in my body as I remember our memories.

Hindi man kami ganun katagal na nag kasama ni Bryzon, ay Hindi pa Rin Maipag kakaila na minahal ko siya. Na nahulog ako sakanya.

Totoo pala talaga Yung mga sinasabi nila. Iba pa din yung epekto nang taong nakasama mo nang mabilisan pero naging masaya ka, keysa sa taong nakasama mo na nang matagal pero Hindi ka masaya.

Ganun Yung naramdaman ko Kay Bryzon. Yun yung naramdaman ko sa ilang araw na naging mag kasama kami.

Pakiramdam ko Kung Hindi Niya ako kinausap sa eroplano at kung Hindi kami nag Kita sa kasal ni Alley, ay baka naging boring Lang Yung pag uwi ko dito sa Pilipinas. Tho, I have my Ate Via. Pero iba pa din talaga Yung sayang binigay at pinadama ni Bryzon sakin.

Yun yung saya na kailanman ay Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko. Yun yung saya na kailanman ay Hindi ko inaasahan na matatanggap ko. At Yun yung saya na kailanman ay Hindi ko inaasahan na mabibigay ni Bryzon sakin.

He gave me happiness without him knowing it.

He gave me happiness yet I left him. I left my happiness, because I'm scared that the happiness he's giving me will turn into pain.

"Lutang ka nanaman, Bernadette." Napakurap Naman ako nang aking mga mata at napa ayos nang salamin at upo nang mag salita si Lauren na nasa harapan ko.

Nandito kami ngayon sa LM dahil niyaya ako ni Lauren na mag mall. Kaming dalawa Lang dahil busy din si Alley. Kanina pa kami nandito at ngayon lang kami natigil sa pag sshopping dahil napagod Ito. Kaya nandito kami sa isang restaurant para kumain.

"Ha? Bakit?" Nag tatakang tanong ko.

Nakita ko Naman Ang pag rolyo nang mga Mata niya bago ininom yung mango shake na nasa harapan niya.

"Tapatin mo nga ako, Bernadette Loraine. May tinatago kaba samin ni Alley?" Seryosong tanong Niya.

Agad Naman akong umiwas nang tingin dahil sa iba yung paraan na pag tingin Niya sakin. Yung tipong binabasa Niya Yung iniisip ko.

"Wala." Sagot ko.

Ayoko ding sabihin Kay Lauren at Kay Alley Ang tungkol sa nararamdaman ko para Kay Bryzon. Alam Kong mag kaibigan sila, kaya ayokong idamay pa sila dito.

Ako Ang nag bigay nang sakit na'to sa sarili ko, kaya dapat Lang na ako din Ang mag dusa.

Tsaka Knowing Lauren Alam Kong hahanap Ito nang paraan para maka pag usap kami nang maayos ni Bryzon. At ayoko nun. Okay na ako sa ganitong lagay.

Hindi kami nag kikita, and Hindi kami nag kakausap. I'm okay with that.

Of course it's a lie.

Risk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon