Pumara ako nang Taxi nang makalabas ako nang Airport. Agad Naman akong tinulongan nang Driver para ilagay Ang mga gamit ko sa likod nang taxi. Nang masigurado kong okay na Ang lahat, ay agad akong sumakay.
Kakarating ko Lang nang Pilipinas, at agad sumakit Ang ulo ko dahil sa init. Kahit Naman na sanay ako sa mainit na lugar, ay Hindi pa din maiwasan Ang Hindi sumakit Ang ulo ko lalo na pag galing ako sa isang mahabang biyahe na tutok Yung aircon sakin at pag labas ko dito ay init agad Ang bubungad.
"Saan Tayo Mam?" Magalang na tanong nang Taxi Driver.
"Dito po kuya." Sabi ko sabay pakita sakanya Yung address na inemail ni Lauren sakin. Tinignan Niya Naman iyun bago tumango.
"Medyo malayo po Yan, Mam. Okay Lang po ba na baka Mahal Yung babayaran niyo?" Tanong Naman ni Manong. Tumango na lamang ako dahil ayoko namang tumawad pa dahil sa masakit nga Yung ulo ko.
"Okay Lang po, Kuya. Basta safe Lang po sa pag Ddrive." Sabi ko sakanya. Narinig ko Naman Ang pag tawa ni Kuya Driver kaya napatingin ako sa kanya. Nag simula na din Ito mag drive.
"Safe po kami mag Drive, Mam. Isa po Yun sa mga patakaran nang Ramos Airline. Dapat hu namin ihatid Yung mga pasahero nang ligtas." Sabi ni Kuya kaya Naman napa kunot ang noo ko.
"Ramos Airline?" Tanong ko. Tumango Naman Ito at bahagyang tinignan ako sa kanyang rearview mirror.
"Opo. Sakanila po Yung Airport. Mga mababait yan, Mam. Kahit sa mga Taxi Driver ay nakiki pag usap sila. Lalong lalo na Yung nag iisa nilang anak na lalake. Naku po, napaka bait! Siya nga din yung nag Sabi sa Daddy niya na gawin kaming empleyado nang Airline nila." Mahabang kwento neto.
"Wala hu bang agency na humahawak sa inyo?" Tanong ko.
Hindi ko din Alam Kung bakit pero na curious ako bigla sa Ramos Airline. Na curious din ako Kung bakit ginawa pa nilang regular employee Yung mga Drivers, it's not that I don't want them to do that. Dahil Alam ko din Naman Yung hirap nang buhay nang mga Tao sa Pilipinas. Pero isn't it weird? They're hiring Taxi Drivers.
"Nalugi na hu Kasi Yung Agency namin. Kaya Naman Yung mga Ramos na Yung sumalo samin at tumulong." Sabi Naman ni Kuya. Napatango na lamang ako bago sinandal ang ulo ko sa headrest nang sasakyan.
I knew it. It's just pure business. Sabi ko sa isip ko.
Pinili ko na lamang ang matulog dahil Sabi nga ni Kuya ay mahaba pa Ang biyahe namin. Masakit din Kasi Ang ulo ko kaya Naman gusto ko ding matulog.
Hindi ko Alam Kung matagal ba ang natulog ko dahil nagising na lamang ako nang pa hinto na Ang sasakyan. Napatingin ako sa labas at agad Kong Nakita Ang Tiyang Melinda ko na may kausap na mga kapitbahay namin.
Dito daw Kasi Yung bagong address nila Tiyang Melinda. Ang Alam ko Lang Kasi ay lumapit sila nang bahay, at kasama na dun Ang Ate ko. Pero Hindi ko din Naman natanong Kung saan sila lumipat. Hindi ko din tinanong Ang Ate ko dahil Hindi na magiging surprise Yung pag uwi ko pag ginawa ko Yun.
"Salamat manong." Sabi ko nang masuklian Niya na Ang binayad ko.
Good thing ay naka papalit ako nang pera ko into pesos, kaya naman meron akong pambayad.
Bumaba na ako sa taxi na sinasakyan ko at agad Naman akong Nakita ni Tiyang Melinda na gulat na gulat.
"Bernadette?!" Hindi maka paniwalang Sabi niya. Tanging isang ngiti lamang Ang naisukli ko sakanya.
"Magandang hapon po, Tiyang." Sabi ko dito. Agad Naman itong lumapit sakin at bahagya akong niyakap. Nag aalanganin Naman akong niyakap siya pabalik.
We don't usually hug. Pero mukhang dahil na din sa nakatingin Ang mga kaibigan Niya ay niyakap ako neto.
"Bakit Hindi mo sinabi na uuwi ka? Ede Sana nasundo Kita sa airport!" Natutuwang Sabi pa neto. Tipid na nginitian ko na lamang Ito.
"Okay Lang po. Ang Ate Via, nasaan?" Tanong ko sakanya nang maka kalas sa kanyang yakap. Bigla Naman nag iba Ang pinta nang itsura ni Tiyang Melinda, tila'y nainis Ito nang banggitin ko Ang pangalan nang Ate.
"Nasa loob." Naiinis na Sabi niya. "Hoy Via! Yung kapatid mo nandito!" Sigaw niya Mula sa labas kaya Naman halos lahat nang tao ay napatingin samin. Nakita Niya Naman iyun kaya agad niyang inirapan Ang mga Ito. "Oh anung tinitingin tingin niyo?! Oo! Kakabalik Lang nang pamangkin ko Mula abroad. Anu? Inggit kayo nu!" Saad pa neto sa mga nag dadaanan. Agad Naman ako nakaramdam nang hiya dahil sa ginawa Niya.
Isa din Ito sa mga rason Kung bakit ayaw ko ding mag pakita sakanya e. Palagi niyang pinag sisigawan Yun. Palagi Niya din piang yayabang sa mga kaibigan Niya Ang pag uwi nang pamangkin niya na galing sa abroad. Kaya palagi din humihinge nang pera dahil palaging nanlilibre.
" Mam, okay na po." Napalingon Naman ako nang mag salita si Kuya Driver. Nginitian ko Naman Ito.
"Thank you kuya." Sabi ko dito at nag paalam na din.
"Loraine?" Napatingin Naman ako sa gate nang isang paupahan. Agad akong tumakbo duon nang Makita ko Ang Ate Via ko.
"Ate!" Sigaw ko. Agad ko siyang niyakap nang marating ko Ang direksyon Niya. Ramdam ko din Naman Ang pag yakap Niya pabalik sakin.
"Nandito ka nga! Bakit Hindi mo sinabi na uuwi ka? Naku miss na miss Kita!" Sabi pa neto. Kumalas Naman ako sa yakapan namin at tinignan Ito. Agad Naman nag laho Ang mga ngiti ko nang mapag masdan ko siya nang maige.
Kitang Kita ko Ang pag payat nang Ate Via ko. Sobrang malayo Ang katawan Niya sa dating Nakita ko. Tila Hindi Ito pinapakain sa lagay Niya. Nakita ko din Ang mga pasa Niya sakanyang braso at binti.
Mukhang Nakita niyang nakatingin ako sa mga pasa Niya kaya mabilis niyang tinago iyun sakin.
"P-Pagod ka ba? O nagugutom ka? Halika sa loob ipag luluto Kita." Sabi neto bago ako hihilain Sana papasok nang pigilan ko ito. Pilit akong Ngumiti sakanya.
"Tulongan mo Muna ako sa mga bagahi ko, Ate." Malambing na Saad ko. Ngumiti Naman Ito at tumango.
"Syempre Naman. Ikaw paba?" Saad neto at nag lakad na Kung saan nandun Yung mga dala ko.
"Tiyang Melinda, pasok na po Kayo susunod na po kami ni Ate. Madami po akong pasalubong sa inyo." Sabi ko dito na agad niyang ikinatuwa.
"Naku! Narinig niyo Yun?! May mga pasalubong Yung mayaman ko na pamangkin!" Pag yayabang Niya pa sa mga kaibigan Niya bago Pumasok. Agad Naman ako pumunta Kay Ate.
"Ate.." tawag ko dito. Napatingin Naman Ito sakin. "Sinasaktan ka pa din ba ni Tiyang Melinda?" Seryosong tanong ko. Agad Naman itong umiling at ngumiti.
"Naku Hindi ah. Sadyang tanga Lang ako Kaya palagi akong na bubunggo--" Hindi ko na siya pinatapos dahil agad Kong hinawakan Ang kanyang kamay.
"Ate, sabihin mo Lang Kung sinasaktan ka Niya. Sabihin mo Lang na nahihirapan kana sa puder Niya, dahil Hindi ako mag dadalawang isip na itakas ka dito." Sabi ko sakanya Kaya Naman agad Kong Nakita Ang pag muo nang luha sakanyang mga Mata. Agad niyang ako niyakap.
"A-Ayoko na dito, Loraine... Ilayo mo na ako sakanya. Palagi Niya akong sinasaktan." Saad nang Ate ko. Agad Naman ako tumango at niyakap siya pabalik.
"Wag Kang mag-alala, Ate. Aalis Tayo sa puder ni Tiyang Melinda. Ilalayo na Kita sakanya." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]