Chapter 1

769 22 3
                                    

The Steps of Pain
Chapter 1

Sa bawat pag-dampi ng kamay ko sa bawat keys ng piano ay hindi ko maiwasang mapa-pikit dahil sa damang-dama ko ang bawat nota na binibitawan ko. Para ba akong pinapatulog ng bawat tunog nito.

Kasalukuyan akong nandito sa function room kung saan nakalagay ang mga instruments, dalawang oras naman ang break time namin kaya dito nalang ako tumatambay. Atsaka hindi naman ako gutom hindi kagaya ni Chelsea at Arwhenn na halos ubusin na ang pagkain sa canteen.

I rather play the piano for many hours dahil ito ang comfort zone ko, dito ko nalalabas ang mga iniisip ko. Simula pagkabata ay hilig ko na ang pag-piano, minsan pa nga ay nilalaro ko ito noong bata pero naging seryoso ako dito nung may napanood ako sa theater.

Pinapatugtog ko ang 'My Heart will go on' ito lagi ang pinapatugtog ko because of how calm and emotional the song was. Mabuti na nga lang ay bukas itong function room sa mga gustong mag-patugtog kaya may libangan ako kapag free time.

"Isang pancit lang ang katapat niyan!" namali naman ako ng pindot sa keyboard dahil sa pag-pasok ni Arwhenn at Chelsea na para bang magigiba ang kwarto dahil sa lakas ng boses nila.

Ngumiti naman ako at pinag-masdan sila na lumapit sa akin, tinigil ko muna ang pag-lalaro ko sa piano dahil alam kong hindi ako makakapag-focus marahil andito ang mga bibig nila.

"Oh ito, kumain ka bakla" sabi sa akin ni Arwhenn at binato ang isang spanish bread na mukhang kahapon pa tinitinda. 

Arwhenn is a man pero sa puso niya babae siya, yes bakla siya pero hindi lang siya simpleng bakla lang. Wala naman kaming problema ni Chelsea na kaibigan namin siya, wala naman sigurong dahilan para hindi naman maging kaibigan si Arwhenn.

Kapag nag-sama sama kaming tatlo ay riot talaga ang mangyayare, mauubos ang oras namin dahil sa pang-aasar namin sa isa't-isa. Oo, aaminin ko namang hindi napipirmi ang bibig ko na hindi mag-salita. Madaldal akong tao at syempre mapang-asar din.

"Itong binili mong spanish bread, mukhang kahapon pa tinitinda" sabi ko habang naka-ngiti na dahilan para taasan ako ng kilay ni Arwhenn.

"Anong inaarte mo, maganda ka ba para bigyan ng gintong spanish bread?" mataray na tanong niya sa akin na dahilan para umirap nalang ako.

"Anong ginagawa niyo dito, hindi niyo ba uubusin yung pagkain sa canteen?" tanong ko sa kanila at kinagat ang spanish bread na binili ni Arwhenn. Tsk! Ang tigas naman nitong tinapay na to!

"Hindi naman kami salaula para gawin 'yon Lucille, hindi na kami kumain doon dahil ang dami ng nakapila. Paano naman kasi, late tayong pinababa" reklamo ni Chelsea at kinagat ang siopao.

"Gusto ko nga ng sisig with egg e' ang kaso napaka-daming tao" ngumuso naman si Arwhenn dahil iyon lagi ang inaabangan niya kapag mag-brebreak, mabuti nga at hindi pa siya kasali sa mga taong may high blood. Halos araw-arawin niya na ang sisig, balak niya atang mamatay.

"Nga pala, nood tayo mamaya ng laro ng basketball team. Dikit daw magiging laban e" ang sabi ni Chelsea na dahilan para umawang ang labi ko. Alam ko naman kung bakit siya manonood e, style niya luma na.

"Mananarget ka nanaman ng gwapo" naka-ngising sabi ko na dahilan para maibato niya sa akin ang panyo niya.

"Alam mo naman pala e' bakit kailangan mo pang sabihin?"pag-amin ni Chelsea na dahilan para matawa ako. Ibang klase talaga kami mag-asaran, alam na namin ang mga kalokohan at ang mga baho namin.

"Mag-hahanap ng gwapo para makalimutan si Zack" sabi ni Arwhenn at sumubo ng siomai pero nagulat ako ng biglang hampasin ni Chelsea ang batok ni Arwhenn na dahilan para maluwa niya ang siomai na sinubo niya na. Yak!

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon