Chapter 37

149 0 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 37

Pinatuloy kami ni Arwhenn sa bahay nila at maganda naman ang buhay nila dito, nabalitaan ko na may malaki silang palaisdaan sa Dagupan at dito na talaga sila manantili pero mababago ata ang isip ni Arwhenn dahil sa wala na siyang kasama dito.

May sarili silang lenggwahe na hindi ko maintindihan kaya minsan ay nanahimik nalang ako, next week ay pupunta na kami sa sementeryo para mag-paalam na talaga sa magulang ni Arwhenn.

Alam masakit ang pinagdadaanan niya, ang sabi niya sa akin ay pauwi na ang mga magulang niya nung gabing iyon nung biglang sinugod raw ang mga magulang niya ng mga armadong lalaki at pinag-babaril.

Habang kwinikwento niya iyon sa akin ay hindi ko maiwasang maimagine ang itsura ni tito at tita, malapit ako sa kanila at kinalulungkot ko ang bigla nilang pag-kawala. Arwhenn is still mourning on his parents' lost, hindi ko alam kung kailan siya magiging maayos dahil taong mahal niya ang nawala.

"What are you thinking?" naputol ang malalim kong pag-iisip ng biglang narinig ko ang boses ni East, nahimas ko ang batok ko at nag-cross arms sa kanya.

"Dapat hindi ka na sumama dito" malamig kong sabi sa kanya na dahilan para tumaas ang kilay niya sa akin, hindi na dapat siya sumama dahil mahihirapan lang siya. Problema ko ito tapos nakikisawsaw siya.

"Hanggang ngayon parin ba ay nasa isip mo parin 'yan?" walang-gana niyang tanong sa akin na dahilan para bahagya akong mapayuko at minasahe ang ulo ko dahil sa mga nangyayare.

"Hindi naman ako mag-tatagal dito"

"Kahit na, sasamahan parin kita" mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa pagiging makulit niya pero ano bang magagawa ko e' andito na siya at alam niya kung anong nangyayare sa amin.

"So, ano ng balak mo?" tinatanong niya ba talaga 'yan sa akin? Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya kung ano ang iniisip ko diba?

"Napamura ka nung tinanong ng investigator kung sa inyo bang dalawa ni Whitney e' may kaaway kayo" usal ni East na dahilan para marahan akong napa-singhap, hindi naman makitid ang utak ko para hindi pag-dudahan kung sino ag may galit sa akin.

"You have this person in your mind right?" he asked the reason why I nod, mabuti nalang at nasa labas kami ng bahay ni Arwhenn dahil baka marinig niya pa o baka mataranta pa siya. Ginagalang ko muna ang burol ng magulang niya at kapag wala ng gaanong tao at kapag sigurado na ako ay doon lang ako mag-sasalita.

"Yeah..." mapitid kong sabi habang pinag-lalaruan ang mga daliri ko, marami na akong iniisip at hindi mawala ang taong nasa isip ko na pinag-dududahan ko.

"Si Chelsea?" he asked the reason why my forehead creased? Paano niya nalaman na siya ang iniisip ko?

"Tama diba?" sunod niyang tanong na dahilan para tumango nalang ako bilang sagot, kahit ako ay hindi makapaniwala na siya kaagad ang sumagi sa isipan ko. Hindi naman niya gagawin iyon, hindi siya aabot sa punto na papatay siya para mag-higanti.

Hindi siya nakapag-tapos dahil sa akin at hindi ko alam kung anong nangyayare na sa kanila ni Brooke, nung umalis ako para pumunta ng France ay wala na akong balita sa relasyon nila.

"East, si Chelsea parin ba at Brooke?" I asked and he shook his head with a confusion, kailan pa sila nag-hilaway e' parang nakita ko pa sila bago yung graduation na mag-kasama. Ang sama ko namang tao kung pag-iisipan ko kaagad ng masama si Chelsea pero yung kutob ko kasi hindi ko mapigilan.

"Matagal na silang hiwalay, after the graduation ata ay nabalitaan ko na wala na sila" pahayag niya na dahilan para tumango ako, kung matagal na silang hiwalay ay dala-dala parin ba ni Chelsea ang galit niya sa akin?

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon