The Steps of Pain
Chapter 36"All of a sudden you're going in Pangasinan?" kanina pa ako sinusundan ni Aless dahil panay ang pabalik-balik ko sa kwarto, sa kusina at sa sala. Kailangan kong pumunta kay Arwhenn ngayon, hindi ako puwedeng mawala sa tabi niya lalo na't wala na ang magulang niya.
I can't believe it, pati magulang niya ay nawala dahil sa pamamaril at paniguradong iisang tao lang ang may gawa nito. He's my friend at sa pag-subok na ito ay sasamahan ko siya.
"Aless, you don't understand. He's my friend and he needs me there"
"How about your safety? The criminal who shot your father is out there and maybe that person will follow you" puno ng natatarantang sabi niya sa akin, hindi niya n ako mapipigilan.
"I don't care, I will go to Pangasinan for my friend and it's okay to my sister" alam narin naman ni Whitney na pupunt ko ng Pangasinan dahil sa biglaang pag-tawag sa akin ni Arwhenn.
After five years ay bigla-bigla na kaming nag-kikita dahil sama-sama na kaming sinusubok ng kapahamakan. Iisa lang ang gumawa sa amin nito, bakit nasama ang magulang ni Arwhenn?
"Gosh! You're totally freaking out, calm down--"
"Here we go again Aless, how can I calm down if my friend's parents are already dead because of this evil person"
Walang pinalagpas ang taong may gawa nito sa amin, hinding-hindi ko talaga mapapatawad kung sino ang may gawa nito. Isa lang ang nasa isipan ko pero parang nag-aalinlangan pa akong sabihin ito sa investigator.
"Gosh! I can't handle this anymore, can we just go back in France?" natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Aless, naririnig niya ba ang sinasabi niya?
Sa tingin niya makakaalis ako sa ganitong sitwasyon, hindi ko kayang iwan ang pamilya ko "I can't leave until everything is back to normal" diin kong sabi sa kanya at patuloy parin sa pag-eempake ng mga gamit ko. Shit! Natatakot rin naman ako pero mas puno parin ako ng galit sa gumawa nito sa amin.
Bigla namang tumunog ang doorbell na dahilan para hindi ko na ito pag-tuunan ng pansin, naramdaman ko ang pag-alis ni Aless para tingnan kung sino ang nasa labas ng hotel namin.
Habang nag-eempake ako ay hindi ko maiwasang mapuno ng mga luha ang mga mata ko "Why is this happening to us?" I mumbled to myself as I'm packing my things.
Mabuti at nakaligtas si daddy pero paano naman si Arwhenn na ngayon ay wala ng magulang, paano naman siya? Sobrang masakit ito sa kanya dahil mga taong mahal niya ang nawala.
Nananahimik lang silang nabubuhay sa probinsya pero nadamay pa sila, kung sino man ang nasa isip ko na may galit sa akin ay walang-hiya siya. Hindi ko talaga mapipigilan ang sarili ko na masampal siya.
Nung tumulo ang luha ko ay kaagad kong pinunasan ang mga luha ko, matatag ako dahil pinalaki ako ni mama na matatag. I know we can get through this, alam kong malalagpasan namin ito.
Ayoko ng may mawala pa sa amin, hindi ako makakapayag na dahil sa masamang taong iyon ay masisira ang pamilya namin. Hindi ko kakayanin kapag may dumagdag pa sa amin.
Paniguradong malaki ang galit ng kung sino man ang gumawa nito sa amin, may nasa isip na ako pero sinasabi ng isip ko na hindi niya gagawin iyon. Hindi niya gagawin iyon dahil hindi naman siya ganong klaseng tao.
"If you're leaving then sasama ako" tumigil ako sa pag-iimpake dahil sa malalim na boses na iyon, agad akong napalunok at ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan. Hinding-hindi ako nag-kakamali kung kanina ang boses na iyon.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang tingin sa akin na dahilan para suminghap ako "Hindi mo kailangang sumama" malamig kong sabi sa kanya na dahilan para tumaas ang kilay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomansAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...