The Steps of Pain
Chapter 21Unti-unti kong minulat ang mga mata marahil naramdaman ko ang pag-hinto ng kotse, medyo hapon na dahil sa kulay kahel na ang kulay ng kalangitan. Nag-unat unat naman ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko dahil sa nakatulog ako.
Teka, ang akala ko ba date pero bakit nakatulog ako? Ginilid ko ang ulo ko at doon ko na nga nakita si East na nag-lalaro sa phone niya ng temple run, ito ang pinag-kakaabalahan niya habang tulog ako?
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya na dahilan para mamali siya ng slide sa phone niya, narinig ko naman ang sigaw ng character niya na unti-unting kinakain ng monster na humahabol dito.
I heard him sighed the reason why I pouted, temple run lang naman iyon atsaka tinanong ko lang naman siya na-distract na kaagad?
Tuluyan na ngang napunta ang tingin niya sa akin na dahilan para taasan ko siya ng kilay "Nasaan ba tayo?" sabi ko at luminga-linga sa paligid, may mga matataas na barriers kasi kaya hindi ko makita kung nasaan kami.
"Nasa Bulacan" simpleng sabi niya na dahilan para manlaki ang mga mata ko, parang nagising na ang diwa ko dahil sa sinabi niya. Ano?! Ano namang ginagawa namin sa Bulacan?
Nagpalinga-linga ako at nakita ko sa likod ng kotse ang Philippine Arena, teka! Anong ginagawa namin dito?
"What are we doing here?" I was panicking dahil ang akala ko ay pupunta lang kami sa mall or kaya kakain lang sa labas pero sino bang nag-aakala na nandito kami ngayon sa Bulacan?
"Mag-dadate" tipid niyang sabi na dahilan para nanghihina akong sumandal sa lingkuranan ng upuan, pakiramdam ko ay gusto ko nalang ulit matulog.
"Ano bang nasa loob ng Philippine Arena, wala namang laro ng basketball ngayon ha" ang sabi ko ma dahilan para kumunot ang noo niya.
"Sino nag-sabing sa Philippine Arena tayo mag-dadate, doon tayo sa garden" sabi niya sa akin na dahilan para maguluhan ako. Alam ko naman ang Philippine Arena pero hindi ko naman alam na may garden pala dito tsk!
"I thought we are just going to eat in the mall or something na malapit sa bahay"
"Awit, baduy na yung mga ganong date. Yung gusto kong date malalayo" he rejoiced the reason why I shook my head, ito ba ang binigay na pasyalan ng mga pinsan niya?
"Bumaba ka na diyan dahil kanina pa ako labas na labas hindi lang kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo" he hissed the reason why I glared at him, ang kapal talaga ng mukha. Puwede namang siya lang ang mamasyal mag-isa, kung hindi lang kita gusto e.
Tulutyan na nga itong lumabas ng kotse at pinag-buksan ako ng pinto, dali-dali naman akong bumaba sa kotse at inayos ang damit ko na medyo nagusot dahil sa mahimbing kong tulog.
My forehead creased when he presented his hand in front of me, tinignan ko naman ito na halos parang dakot na dakot na ang mukha ko "Wala akong barya, sorry"
"Fuck, that's not what I need" he cursed the reason why I raised a brow on him. Bakit siya nag-mumura e' ano bang gagawin ko diyan sa kamay niya?
"Here, mas bagay 'yan diyan" halos sumabog ang puso ko ng nilagay niya ang kaliwang kamay ko sa kamay niya, halos maging baby na ang kamay ko na sakop na sakop niya. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko na dahilan para bahagya akong mapa-yuko, shit!
"B-Bakit mo hinahawakan kamay ko?" nauutal na tanong ko sa kanya at hindi magawang maka-tingin dito, we are just dating and dating like getting to know each other pero bakit may holding-hands?
"Bakit, baka mawala ka e' ang liit mo pa naman" para isang hammer ang humampas sa ulo ko dahil sa sinabi niya, ang akala ko pa naman ay sweet na banat pero pang-aasar lang rin pala, tsk!
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomanceAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...