Chapter 39

186 2 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 39

"Chelsea Buenavista, guilty for aggravated assult with a deadly weapon. Killed Mr and Mrs. Alejandro and shot Mr. Emman Ceniza"

Halos mag-bunyi ang lahat ng tao sa korte dahil sa desisyon na kanilang sinabi, agad akong tumayo at niyakap si Arwhenn dahil panalo ang kaso namin laban kay Chelsea.

Nasa kabilang panig ang magulang ni Chelsea na hindi matanggap ang ginawa ng kanilang anak. Niyakap ko rin maging si Whitney dahil napanalo namin ang kaso pero ramdam ko pa rin ang lungkot para kay Chelsea.

Hindi ko alam na may sakit na pala siya sa pag-iisip pero alam ko naman na aalagaan siya ng center kasabay ng mga pulis na nag-babantay sa kanya.

Pinosasan siya ng mga pulis na dahilan para mapa-lunok ako, masakit na nakikita ko ang dati kong kaibigan na mapupunta sa bilangguan pero kailangan niyang pag-bayaran ang ginawa niya sa amin.

She's in good hands and I hope she will reflect on her doings, sana nga dumating ang araw na umayos ang kanyang pag-iisip pero ang pag-papatawad ay hindi ko pa alam kung kailan.

Nag-lakad ito habang may posas sa kanyang mga kamay at walang emosyon na tumingin sa amin, hindi ko mapigilan ang mapa-lunok nalang habang tinitingnan siya. I love you but I will not tolerate your wrong doings.

Sumunod ay ang mga tingin sa akin ng kanyang mga magulang na dahilan para pilit nalang akong ngumiti, alam nila ang ginawa ng kanilang anak ay isang kamalian. Hindi naman nila ipag-lalaban ito dahil korte na mismo ang nag-desisyon.

Umalis na ito sa paningin ko at balak na sundan ang kanilang anak, hindi rin naman nila alam na may nangyayare na kay Chelsea at sinisisi nila ang sarili nila dahil hindi nila nabantayan ang anak nila.

I don't know pero naaawa rin ako sa magulang ni Chelsea, noon palang ay sinasabi na nito na puro kompanya na ang inaatupag ng kanyang magulang at minsan ay wala na itong pakielam sa kanya kaya siguro napunta ito sa pagiging ganito.

Nung umalis na ang mga tao ay kaagad kong hinawakan ang kamay ni Arwhenn maging ang kamay ni Whitney, napanalo namin ang kaso at nakuha namin ang hustisya.

"Let's go" alam ko kung saan dapat kami pupunta, sa ospital dahil kakatawag lang ni mama na may malay na raw si daddy at sasabihin namin sa kanya ang magandang balita na naipanalo namin ang kaso.

"Sigurado akong matutuwa si daddy, ilang araw siyang tulog at wala siyang kamalay-malay sa ginawa ng anak niya" naka-ngiting sabi ni Whitney na dahilan para tumango ako bilang sagot.

Hindi nag-tagal ay pumunta na kami ng ospital para bisitahin si daddy at sumama narin si Arwhenn. I don't know if he will stay here but I hope so, pero kasi may fishery siya sa Pangasinan at hindi puwedeng walang mag-manage nun.

Habang nag-lalakad kami sa corridor papunta sa kwarto ni daddy ay kinausap ko na siya "May balak ka bang bumalik sa Pangasinan?" I asked him and I saw him thinking for a second.

"Hindi ko pa alam e' may kompanya naman kami dito sa Manila atsaka may palaisdaan ako sa Pangasinan. Hindi ko naman puwedeng hatiin ang sarili ko" he joked the reason why I chuckled, time na siguro para kumuha siya ng secretary na mapapag-katiwalaan.

"Then get a secretary, siya dito sa Manila tapos ikaw sa Pangasinan"

"Puwede akong mag-recommend sa'yo" singit naman ni Whitney na dahilan para ngumiti si Arwhenn. We will help him until everything is fine, kaibigan ko siya e.

"Tss, ang laki mo na Whitney. Mas lalo kang naging bruha"

"What?!" naiiritang tanong ni Whitney na dahilan para pareho nalang kaming matawa ni Arwhenn.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon