The Steps of Pain
Chapter 26"Arwhenn huwag mo nga ako kulitin!" pananaway ko kay Arwhenn at pilit na inaalis ang kamay niyang naka-pulupot sa braso ko, ano bang nilalambing niya diyan?
"Eh! Huwag mong alisin yung kamay ko, ang lambot mo bakla" ginagawa niya ba akong unan? Like hindi naman ako ganon kataba para daganan niya, tsk!
Kasalukuyan kaming nasa theatre marahil prina-practice namin yung mga gagawin para sa graduation, isang linggo kaming ganito kaya naman halos bantay sarado rin yung mga profs sa amin.
Akalain mo 'yun, mag-tatapos na ako ng kolehiyo at bago nanamang routine ang dapat kong gawin sa araw-araw. Alam ko naman na darating yung araw na hindi na school ang mismong pupuntahan ko dahil may sarili na akong lakad after kong mag-tapos.
"Mainit kaya girl! Huwag kang hapit na hapit!" nararamdaman ko kasi yung init ng katawan niya at nakakairita dahil madami kami dito sa theatre. Kahit malaki ito at may aircon ay hindi parin nag-lalabas yung mga staff ng bonggang aircon.
"Ugh! Ang arte mo, purkit may iba ng nag-lalambing sa'yo" he pouted the reason why I raised a brow on him, ano nanaman bang sinasabi niya?
"Pero sinabi mo na ba kay East yung about sa pag-aalinlangan mo?"
Last time I confessed to him about Kyla and I can't stop the irritation on my head because what can he see on me that is the same with Kyla? Ano bang meron ang Kyla na iyon na dahilan para makita ako ni East sa kanya?
"Yeah, hindi naman masama kung tanggalin ko siya sa buhay ni East. Alam mo naman kung paano ako mahulog diba" simple akong tumingin sa kanya at sumang-ayon siya na kapag dumating ang lalaking gusto ko ay gagawin ko ang lahat.
Hindi naman ako susuko kaagad dahil sa may nalaman ako kagaya nung kay Kyla, East understands what I'm saying at siguro ay gumagawa naman siya ng paraan para maalis itong kaba sa dibdib ko. Ganon na ba ako nag-titiwala sa kanya dahil sa gusto ko siya?
We are busy these days because the graduation is coming, hinahatid parin naman niya ako sa bahay at tinatawagan niya parin ako pero parehas rin kaming pagod dahil sa kakanta at kakagalaw sa practice.
"Kung sasagutin mo man siya ay siguraduhin mong ikaw na talaga Lucille, hindi ibang babae" why am I taking this seriously? Arwhenn is on point, kung sasagutin ko man si East ay dapat wala ng ibang babae sa kanya. Love makes you do selfish things pero hindi naman ako aabot sa pagiging masama, sinong gagawa ng ganon?
"Yes madam" sabi ko at sumaludo naman kay Arwhenn na dahilan para ngumiti siya sa akin.
"Okay students, break time na muna daw and after that kaunting pahinga then balik kaagad sa practice" sigaw ng prof na dahilan para mag-sitayuan na ang mga estudyante at lisanin ang theatre area para pumunta na sa canteen.
"Balak mo bang kumain?" tanong sa akin ni Arwhenn
"Okay na ako sa burger lang" usal ko na dahilan para tumango nalang siya sa akin at nag-tungo na nga kami sa canteen. As usual naman na maraming tao ang nasa canteen na bumibili ng pagkain pero mabuti nalang ay magaling sumingit itong si Arwhenn kaya naka-bili kaagad kami ng burger.
Palabas na kami ng canteen ng kumunot ang noo ko dahil panay ang tingin sa akin ng mga estudyante na parang kanina lang ay mga walang pakielam.
Mas lalong gumulo ang kunot ko sa noo ng tingnan nila ako ulo hanggang paa nung dinadaanan namin sila "Arwhenn, bakit panay ang tingin nila sa akin?" bulong ko kay Arwhenn, may problema ba sa itsura ko?
"Baka blooming ka today" pag-bibiro naman ni Arwhenn na dahilan para mapa-iling ako, bakit ganon naman ang tingin nila sa akin?
Hindi parin maalis ang tingin ng mga estudyante sa akin hanggang sa maka-abot kami sa garden area ni Arwhenn, what's the problem?
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomansaAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...