Chapter 22

119 6 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 22

That night was romantic and I can't help myself to smile cause of how sweet East was. Isipin mo nag-aral siyang mag-patugtog ng piano dahil gusto niyang ma-impress ako, nakakatawa mang isipin pero natutuwa rin ako.

Masasabi ko na maswerte ako marahil ako ang nakakita kung ano ba talaga siya, kahit naman minsan ay nakikipag-laro siya sa mga girls ay darating talaga ang araw na titino siya.

I mean, alam kong hindi pa naman totally. Kung liligawan niya ako sana naman maganda ang motibo niya at sana hindi ako magaya sa mga babaeng pinatulan niya, sa isang saglit ay hulog na hulog na ako sa kanya at hindi ko ba alam kung dapat akong mag-padalos dalos.

Nandito ako ngayon sa garden at hinihintay ko si Arwhenn at Chelsea, siguro naman ay malamig na ang mga ulo namin ngayon. Hindi naman kasi umaabot ng ilang araw ang away namin e' ito kasi ang pinakamalala kaya nag-aalala na ako.

Nakita ko naman si Arwhenn na nag-lalakad na dahilan para tawagin ko siya "Arwhenn!" sigaw ko na dahilan para makuha ko ang tingin niya. Agad naman itong kumaway sa akin at lumapit para makasama ako.

"Good morning girl!" bati niya sa akin na dahilan para mapa-ngiti ako pero kasi may kulang at iyon ay si Chelsea.

"Malamig na ba 'yang ulo mo?" tanong ko kay Arwhenn na dahilan para kumunot ang noo niya, hindi niya ba nakuha ang punto ko?

"What do you mean malamig na ba ang ulo ko?" nag-tatakang tanong niya sa akin na dahilan para mag-pakawala ako ng malalim na hininga. Hindi ko naman kayang mag-kunwari na ayos lang kami, iniisip ko parin ang nangyare sa amin last week.

"Yung away natin kay Chelsea.." ang sabi ko na dahilan para unti-unting mawala ang kunot sa kanyang noo.

Alam ko naman na nakapag-bato kami ng masasakit na salita sa isa't-isa pero sana naman ay maayos namin ito bago pa lumaki.

Narinig ko ang malalim na pag-singhap ni Arwhenn "I know Lucille but she needs to learn" kalmado niyang sabi sa akin na dahilan para malungkot ako.

"Alam mo bang malapit na siyang ipatalsik kapag umabot na siya sa 3rd offense, malala na 'tong ginagawa niya at sa tingin mo hindi niya ginusto 'yun? Ni hindi niya inisip ang kapakanan ng ibang estudyante na tahimik na nag-aaral dito" hindi naman ako tututol sa sinabi ni Arwhenn, I know that Chelsea didn't consider her limitations and I guess we need to talk again.

"A-Anong gagawin natin?" nauutal at punong-puno ng pag-aalalang tanong ko sa kanya, nakita ko naman ang pag-kibit ng balikat niya.

"Wala ka bang puwedeng gawin?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang pag-taas ng kilay niya na para bang mali ang tanong ko.

"Lucille, ginusto niya yung nangyare and hindi mo ba narinig ang sinabi niya na wala siyang pakielam kung maka-sira siya ng buhay. Wala na akong magagawa kasi principal na mismo ang nag-bibigay ng offense sa kanya" paliwanag sa akin ni Arwhenn.

Malakong pag-babago na nga ang naganap kay Chelsea at hindi ko alam kung maibabalik pa naman siya, dhe became worst at hindi niya sinasabi sa amin kung ano ang dahilan.

Hindi ko ba alam kung may ginagawa rin ang boyfriend niyang si Brooke, napapansin ko rin na minsan nalang naming makasama si Brooke dahil syempre girlfriend ito ni Chelsea.

Nakita ko naman si Chelsea na nag-lalakad papasok ng corridor and I didn't hesitate to get her attention.

"Chelsea!" sigaw ko na dahilan para matigilan siya at mapa-tingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya pero parang nanlumo ako ng bigla niya akong inirapan at nag-lakad na ulit na para bang balewala lang sa kanya ang pag-tawag ko.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon