The Steps of Pain
Chapter 15Nakikipag-titigan ako sa kisameng puti ng aking kwarto at hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Chelsea na gusto niya si Brooke, how come na hindi ko napansin na nagugustuhan niya na pala si Brooke. Ako naman ang nauna tapos bigla siyang sasabat.
But what do I do? Aamin na ba ako o hindi, I'm risking my friendship with Chelsea dahil sa iisang lalaki kaming nag-kakagusto. Bakit ba pakiramdam ko ay talo na ako?
"Hoy Lucille, balak mo na bang mamatay sa gutom diyan?!" rinig kong tawag ni Whitney na dahilan para takpan ko ang mukha ko gamit ang unan na nasa tabi ko. Umagang-umaga ay boses aso kaagad ang bubungad, tsk!
"Lucille! Ikaw nalang yung hindi kumakain, want mo bang si mommy ang pumunta dito para sirain yung motherfucking door mo?" usal niya na dahilan para tumaas ang kilay ko, ibang klase talaga ang bibig ni Whitney. Daig pa ang armalite.
"Hoy Lucille!" sabi niya at kulang nalang ay sirain niya na ang pinto ng kwarto ko, gosh! Ano bang pakielam niya kung ako nalang ang hindi kumakain?
Padabog akong tumayo at pinag-buksan siya ng pinto "What the heck Whitney, ang sarap mong balibagin umagang-umaga e!" sabat ko sa kanya na dahilan para tumaas ang kilay niya sa akin.
"Bakit hindi ka ba kasi kumakain, ako tuloy 'tong nagagambala!" naiinis niyang sabi na dahilan para angasan ko siya, kakain naman ako kung gutom na ako hindi yung mambubulabog siya.
"Ito na, bababa na nga ako e" masamang sabi ko at padabog na bumaba papunta sa dining, simple lang naman ang breakfast pero ayos na para naman mawala ng saglit sa isipan ko yung kay Chelsea at Brooke.
Walang pasok ngayon dahil sa field trip ngayon ng mga students and even though last year ko na ito in college ay hindi na ako sumama, ang sumama lang naman is si Chelsea at Arwhenn.
Hindi na ako sumama dahil sa gusto ko nalang mag-pahinga, ang alam ko ay sabay ang fieltrip ng school namin sa school nila East na dahilan para hindi ko naman macocontact ang isang yun. Teka, bakit kailangan ko ba siya?
Last day narin naman nila sa resort na tinutuluyan nila kaya panigurado akong maiitim nanamn si Chelsea at Arwhenn kaka-swimming.
Sabi nga nila ay ang sama ko daw dahil bakit hindi ako sumama pero alam naman nila na mahiluhin ako sa byahe, mas mahihirapan din ako dahil sa wala naman akong interest sa pag-lalaro.
So sa tingin ko ay lalabas nalang ako mag-isa dahil wala narin naman akong gagawin, dalawang araw na akong nakatambak dito at sana naman ay hindi ako lumubog dito sa bahay.
Bigla namang may lumapit sa akin na dahilan para bumusangot nanaman ang mukha ko "Ano nanaman?" tanong ko dito, ano nanaman ba ang kailangan ni Whitney sa akin?
"May gagawin ka ba?" mataray niyang tanong sa akin na dahilan para kumunot ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya at mas lalong kumunot ang noo ko ng umupo siya sa tapat ko at ngayon ay naka-ngiti na siya.
"Samahan mo akong mag-shopping" nakangiti niyang sabi na dahilan para tumaas ang kilay ko. Out of nowhere ay sasabihin niya iyan e' parang kanina lang ay halos sirain niya na yung pinto ng kwarto ko.
"Bakit naman?"
"Hello! May mga bagong labas yung mga shops na gusto ko and ayokong maubusan" she said sassily the reason why I shook my head, puwede ko naman siya samahan pero kanya-kanya naman sana kami.
"Sasama ako pero kanya-kanya tayo" sabi ko na dahilan para umirap siya sa akin. Whatever, basta sasama ako dahil sa gusto kong lumabas.
Hindi na nga nag-tagal ay lumabas na nga kami ni Whitney at ngayon ay kanya-kanya kami ng gala dahil ayoko namang mahila kung saan-saan dahil sa mga stores na gusto niya.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomanceAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...