The Steps Of Pain
Chapter 4"What? May date kayo? Fast and furious lang?!" sunod-sunod na tanong ni Chelsea na dahilan para mahina akong matawa.
Hindi ko rin alam ang pumasok sa kokote ko kung bakit naisipan kong pumayag kay East na makipag-date, mukhang nagayuma ata ako ng lalaking iyon. Lakas ng mga banat na para bang isang spell ang binigay sa akin.
"Girl, ang bilis mo palang kaladkarin" naka-ngisi namang sabi sa akin ni Arwhenn na dahilan para hampasin ko ang braso niya. Wala naman sigurong masama diba kung sasama ako.
"Seryoso ka ba, e' kakakilala mo lang diyan sa East na 'yan. Baka nga playboy ' yun e" bitter na sabi ni Chelsea na dahilan para mapa-isip ako.
Isa lang naman siguro ito kaya pag-bibigyan ko na, hindi ko naman siya laging makikita dahil sa mag-kaiba kami ng school.
"Hayaan mo na 'yang si Lucille, alam mo namang dalagang Pilipina 'yan" nang-aasar na sabi ni Arwhenn, alam ko ang ibig niyang sabihin. Masyadong old-fashioned at masyadong mahinhin pero hindi naman ako ganon.
"Pinapaalalahanan ko lang ito si Lucille, sino bang hindi makakapaniwala na madali itong maloko" tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Chelsea.
Matalino naman at hindi naman ako malilinlang ni East, atsaka simpleng date iyon. Ano pa bang aasahan ko? Pero hinalikan niya ako sa pisngi, what is the meaning of that? Start ba iyon ng pag-lalalandi niya sa akin?
"Grabe ka naman sa akin Chelsea" sabi ko habang naka-nguso, ngayon lang naman dumaan ang swerte kaya susulitin ko na.
"Ang sinasabi ko lang is mag-ingat ka baka mamaya--"
"Hindi naman lahat ng lalaki kagaya ni Zack, Chelsea. Mukha namang mabait si East atsaka huwag kang kontrabida sa magiging lovelife ni Lucille"
"Lovelife kaagad?" natatawa ko namang tanong sa kanya.
"Bakit, ayaw mo? Ano ba dapat tawag sa inyo ngayon?" napa-isip rin ako dahil sa tanong ni Arwhenn, pangatlong araw palang naming mag-kikita ay iniisip ko na kaagad kung anong meron sa aming dalawa.
"Ka-duo?" sabi ko na para bang hindi pa ako sigurado.
"Anong ka-duo? Mag-lalaro ba kayo ng watergirl at fireboy?" loko-loko namang sabi sa akin ni Chelsea na dahilan para mapa-kamot ako sa ulo ko. Bakit ko ba kaagad iniisip kung anong meron sa aming dalawa, malay mo friendly date lang iyon.
Ano, purkit pinakitaan na ba ng sweet dapat na ba kaagad umasta? Aba'y ewan ko ba, mas lalong pinapagulo ni Arwhenn at Chelsea ang isipan ko.
"Tigilan niyo na nga ako, friendly date lang 'yon. Walang meaning" pang-kukumbinsi ko pero hindi ko ata nakuha ang loob nila sa mga salita ko na dahilan para suminghap nalang ako.
"Ay baka mahulog ka naman diyan aber, pinapakitaan ka lang baka mamaya seryosohin mo" alam ko naman ang ibigsabihin ni Arwhenn at mag-iingat naman ako. Teka, hindi naman masamang tao si East.
"Puwede bang huwag na nating pag-usapan to... mamaya pa naman mangyayare iyon"
Maaga akong nagising para lang mag-ayos ng sarili ko kahit naman sa hapon pa gaganapin iyon. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta pero nakuha na kaagad ni East ang tiwala ko.
"Ihahatid ka namin mamaya" diin na sabi ni Chelsea na dahilan para pilit akong mapa-ngiti. Dahil kay Zack ay sa tingin ni Chelsea ay pare-pareho na ang mga lalaki and hindi ko naman siya masisisi.
"Oh my gosh, bakla puwede bang hayaan mo na si Lucille. Walang gagawing masama si East kay Lucille"
"Ihahatid lang naman natin siya, wala naman akong sinasabi na sasama tayo" pag-klaklaro ni Chelsea, mukhang natututo naman siya sa nangyare pero parang masyadong sobra.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
Roman d'amourAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...