The Steps of Pain
Chapter 7Ilang buwan, ilang araw na ang naka-lipas after our last encounter. Hindi na nag-pupunta si East dito sa school, ang last na naming pag-kikita ay nung nag-date kami.
Unti-unti naring napapalapit ang loob ko kay Brooke, paano naman kasi napaka-bait tsk! Pero hindi naman ako umaasa sa motibo, kung sasabihin niya edi tatanggapin ko.
Ilang buwan lang rin pala ang kailangan para mawala itong maliit na nararamdaman ko sa East na iyon, alam ko naman sa sarili ko na panandalian lang iyon kaya heto ako parang hulog na hulog na kay Brooke.
Kung ano-ano kasing pinapakita at least alam ko ang nararamdaman ko kaya nga lang ay hindi ko rin alam ang nararamdaman niya.
Masyadong tago ang nararamdaman ko kay Brooke, kahit nga yung dalawa kong kaibigan ay hindi rin alam.
Mas ayos na yung ganito dahil baka mamaya ako lang naman yung may nararamdaman.
Oo, yung mga actions ni Brooke siniseryoso ko pero hindi naman ako umaasa na jojowain niya ako.
At ngayon ay nandito ako sa gilid ng gym kung saan palihim siyang pinapanood na mag-laro ng basketball, ka-teammate pala ni Gio si Brooke at kasama rin ito sa first five. Bakit hindi ko ba siya napansin noon?
"Huy Lucille! Anong ginagawa mo diyan?!" unti-unti naman akong tumingin sa likuran ko at halos mahuli na ako ng nanay ko dahil nag-tatakang naka-tingin sa akin ang dalawa.
"U-Uy.." ang sabi ko at umayos na tayo dahil medyo naka-upo kasi ako para hindi ako mapansin ni Brooke na nanonood sa kanya. Ang bilis ko talaga mahulog pero ang bilis ko ring tumanggi sa ligaw.
"Anong ginagawa mo dito girl, hindi ka ba nilalamok?" tanong sa akin ni Arwhenn at inayos ang kanyang libro na naka-patong sa kanyang braso, medyo nandito kasi ako sa mga halaman at kahit maputik dito ay wala na akong pakielam mapanood ko lang si Brooke.
Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila, kapag sinabi ko naman sa kanila na gusto ko si Brooke ay aasarin nila ako. Harap-harapang trayduran ang gagawin nila sa akin.
"Oh, training pala ng basketball team. Hinihintay mo ba si Brooke?" ang tanong sa akin ni Chelsea na dahilan para mapa-lunok ako. Hindi naman nila ako pag-iisipan ng masama diba?
"H-Hindi, napa-daan lang ako dito. Papunta narin naman akong waiting area kaya nanonood muna ako" pag-papalusot ko pero mas lalo naman silang nag-taka.
"E bakit hindi ka sa loob manood hindi yung nandiyan ka nag-papakagat sa mga lamok" sabi sa akin ni Chelsea at hinila naman ako. Kahit na madumi na ang white shoes ko dahil sa putik ay wala na akong pakielam, mapanood ko lang si Brooke.
Akalain mong magugustuhan ko rin ang lalaking muntikan ng maka-sira ng mukha ko, sinabihan niya pa ako ng maganda which is true naman and lagi siyang bumabanat na kahit cheesy ay parang gusto kong pakinggan araw-araw.
"Sama ka sa amin, punta tayo ng club sa Sabado" yaya sa akin ni Arwhenn, parang ngayon nalang sila iinom dahil sa marami rin naman kaming ginagawa.
Sa aming tatlo ay ako ang pinaka-mahina, nangunguna si Chelsea sa pag-inom at sumunod naman si Arwhenn. Good girl kasi ako kaya hindi ako masyadong inuming bata.
"Ipapaalam ka namin kay tita and tito" naka-ngiti namang sabi sa akin ni Arwhenn, alam naman kasi nilang takot ako mag-paalam kapag mga inuman pero si Whitney hindi naman.
Iinom yun kahit kailan niya gusto kahit na grade 12 palang siya ay talo niya na ako sa inuman. Ang batang bruha nga naman oh.
"Oo nga, isama natin si Brooke para masaya" ang sabi naman ni Chelsea na dahilan para malalim akong mapa-isip.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomanceAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...