Chapter 38

161 0 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 38

"Handa ka na?" ang tanong sa akin ni Arwhenn na dahilan para tumango ako, ngayon ay nasa Manila na kami at heto kami ngayon hinahanda na ang mga sarili naming para harapin ang pag-subok sa aming buhay.

"Makukuha rin natin ang hustisya" ang sabi ko sa kanya na dahilan para ngumiti siya bilang sagot, kung hindi man ito ang bumaril sa mga magulang namin ay hahayaan naman naming at tatanggapin ang kamalian.

"Dala mo yung recorder?" tanong sa akin ni Arwhenn at tumango naman ako bilang sagot sa kanya, nandito ako sa bahay naming kasama sila Whitney. Si mama ay nasa ospital at hinihintay na mag-karoon ng malay si daddy, maayos na ang lagay ni daddy at hinihintay nalang ito na magising.

"Sure ka ba sa gagawin niyo?" Whitney asked and I can see that she's worried for her big sister, I forced a smile on her. Hindi naman niya kailangang mag-alala, kung may mangyare man na masama sa akin ay sana alagaan niya si daddy at mama.

Nung makarating kami dito sa Manila ni East at Arwhenn ay kaagad naming pinuntahan ang investigator para mag-karoon ng pag-sisiyasat sa case ng daddy at maging sa magulang ni Arwhenn. Pinanood niya ang bawat kilos ni Chelsea, nag-tanong tanong rin ito sa mga tao kung ano ba ang pinag-kakaabahalan nito and I think may mga patterns na kami.

Sigurado na si Arwhenn na si Chelsea ang may gawa nito, pupunta kami ngayon sa bahay ni Chelsea at may plano na kami. Kami muna ang kakausap sa kanya para hindi maging malala ang sitwasyon, gabayan sana kami sa gagawin naming.

"Hang in there Whitney, bibigyan ko lang ng katarungan ang gumawa sa atin nito" hinaplos ko ang buhok ni Whitney na hinawakan ang kamay ko ng mahigpit na para bang ayaw niya akong umalis dahil natatakot siya.

Kung noon ay iniinis niya pa ako at sa tingin niya ay inaagaw ko ang atensyon ng magulang namin pero ngayon ay laki na ng pinag-bago niya, she became a woman I expected. Alam niya kung paano mag-handle ng ganitong mga sitwayson at hindi ako nag-sisisi na binigay ko sa kanya ang kompanya.

Maganda naman ang intension niya maging si mama Azon na noon ay hindi ko nilalapitan dahil awkward ako dito. Pinapasok ko sila sa buhay ko na hindi ko naman pinag-sisisihin, binigay ko ang tiwala ko sa kanila at hindi naman nila sinira iyon.

"Tawagan mo ako kaagad ha" malungkot na sabi niya sa akin at ngumiti naman ako bilang sagot, kung ito ang magiging huli ay gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.

Tumingin naman ako kay Arwhenn at lumapit para yakapin ito, alam kong mahirap sa kanya ang pumunta dito pero para sa magulang niya ay gagawin niya. Para sa hustisya sa magulang niya ay gagawin niya ang lahat.

"Maging matatag ka bakla..." sabi ko sa kanya at humigpit ang yakap dito, parang noon lang ay nasa college pa kami nung ganito kami mag-asaran. Nakakamiss tuloy na lagi kaming nakatambay sa function room at doon nag-kwekwentuhan.

"N-Nandito ako para sa'yo" bulong ko sa kanya, niyakap niya naman ako pabalik at hinagod ang likod ko. This is a tough fight for us pero gagawin naming para sa mga pamilya naming, mahal namin ang pamilya namin at gagawin naming ito para matapos na.

"Bakla, bisita tayo sa alma mater natin ha..." bulong niya na dahilan para ngumiti ako, gagawin naming iyon dahil sa miss naming ang isa't-isa. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayare pero sana gabayan kami, sana maging maayos na ang lahat.

Humiwalay ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay na para bang sinasabi kong tatagan niya ang loob niya dahil haharapin namin ang dati naming kaibigan. Haharapin namin si Chelsea na dait naming kaibigan ngayon ay hindi na naming alam kung ano pa ba siyang klaseng tao.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon