Chapter 16

122 6 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 16

"Hay nako! Sayang talaga girl hindi ka sumama" sabi ni Arwhenn na may halong pang-hihinayang dahil sa hindi ako sumama nung fieldtrip. Ayos lang naman ako marahil nag-bwisitan kami ni Whitney nung mga ilang araw atsaka ayos lang naman sa akin na hindi ako sumama.

"Ang daming boys sa beach and kulang nalang mag-bikini ako" Arwhenn said while imagining again those boys na nakita niya sa resort, tss.

"Marami naman akong ginawa sa bahay" sabi ko habang naka-ngiti na dahilan para tumaas ang kilay niya sa akin.

"Like what? Umupo sa harap ng piano mo buong araw?" pang-aasar niya na dahilan para kunutan ko siya ng noo. Sa tingin niya iyon lang ang magagawa ko, ganon na ba ako kaboring na tao? Hello! Happy pill ako!

"Hindi lang 'yun ang ginawa ko, ano ka ba!" masamang sabi ko sa kanya na dahilan para humalakhak siya.

"Pero dapat sumama ka narin kasi kita mo 'tong si Chelsea grabe maka-sulyap kay Brooke, paano ba naman kasi walang pantaas si Brooke" bigla niyang sabi na dahilan para unti-unting mawala ang masama kong mukha na napalitan ng lungkot.

Hindi ko man lang naalala na mag-kasama pala sila, sa palagay ko ay naka-puntos na si Chelsea sa akin. Ano namang laban ko?

"Atsaka alam mo ba ang lakas rin ng amats ni Chelsea nung nalasing, jusko! Umamin na siya kay Brooke" sabi nito na dahilan para mas lalong bumingat ang pag-hinga ko at para bang iiyak na ako.

Ito na ba yung pag-sisisi? Hindi ako umamin na dahilan para si Chelsea na ang mag-sabi ng nararamdaman niya, nakakapang-hinayang lang at sobrang sakit dahil baka mamaya ay gusto rin ni Brooke si Chelsea.

"A-Anong sabi ni Brooke?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Tss.. gusto niya rin daw si Chelsea"

Sa hindi ko pag-amin ay ito na ng naging kapalit, ang sakit. Parang dinudurog ang puso ko, ngayon na nga lang ako nag-kagusto ang kaso ay naunahan pa ako ng takot na dahilan para may kumuha na ng chance.

Naiyukom ko ang kamao ko at pinipigilan ang sarili ko na hindi umiyak, damn! Bakit kailangang mangyare ito sa akin?

"K-Kung ganon edi nag-kakaroon na ng development sa kanila?" I tried my best to smile para hindi mahalata ni Arwhenn na nasasaktan ako, kwentuhan niya lang ako para naman matauhan na ako.

All this time si Chelsea pala ang gusto ni Brooke and I'm stupid to not realize it. Pakiramdam ko parang tinatapakan ang puso ko dahil sa nalaman ko.

Mabuti ng hindi ako sumama dahil kapag nandoon ako mismo at narinig ko ang lahat ay walang tigil ako sa pag-iyak. I don't want to risk my friendship with Chelsea but why Brooke?

"Umm.. maybe" mariin kong pinikit ang mga mata ko at pinipilit na ayusin ang diwa ko, balang araw ay malalaman ni Arwhenn lahat maging si Chelsea.

Hindi ako traydor dahil mas iniisip ko ang kasiyahan ni Chelsea, mas iniisip ko ang kapakanan niya kaysa sa akin. Ayoko namang masira ang pag-kakaibigan namin dahil sa isang lalaki.

"M-Mukhang bagay naman sila" nauutal kong sabi na halos putulin ko na ang dila ko dahil sa kontra ito sa akin, isipin mo nalang Lucille na para lay Chelsea ito. Galing na siya sa akit kay Zack at ayaw mong ikaw ang maging dahilan ng susunod diba?

"Hey guys!" malayo akong tumingin at nakita ko si Chelsea na naka-ngiti sa amin at kumakaway pa, malamig ko siyang tinignan pero nung lumapit ito ay kaagad kong binago ang ekspresyon ko.

Pero sa pag-lapit nito ay kasunod naman niya ang lalaking palihim ko na gusto na dahilan para bumigat ang nararamdaman ko. Seeing you liking my best friend is a pain in the heart but I don't have a choice cause you don't like me.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon