The Steps of Pain
Chapter 11"Huy Lucille!" napunta naman ang diwa ko kay Arwhenn na ngayon ay nag-tataka dahil sa pagiging tulala ko pero hindi ko nalang ito pinahalata dahil baka asarin ako ni bakla.
"Bakit?" ang tanong ko at pinatong ang baba ko sa kamay ko, nandito kami ngayon sa canteen at halos marami naring mga tao. Dapat pala tumambay nalang ako sa function room dahil hindi ko talaga gusto ang canteen.
"Anong bakit, kanina ka pa tulala diyan" ang sabi sa akin ni Arwhenn habang kinakain ang siopao niya. Napapansin ko rin naman na tulala ako pero kasi ang lalim ng iniisip ko, yung about kay East.
"Napapansin naming lagi ka nalang tulala, may problema ka ba Lucille?" ang tanong sa akin ni Chelsea na dahilan para kumunot ang noo ko, lagi na ba akong tulala? Nangyare lang naman siguro ito nung biglang bumalik si East.
At least alam ko sa sarili ko ang dahilan na hindi ko puwede sabihin sa dalawang ito dahil paniguradong lagi nanaman nila akong kukulitin.
At isa pa itong si Brooke, hindi ko rin maintindihan nung hinatid niya ako pauwi. Bigla niya nalang akong hindi pinansin, hindi naman ghosting ang ginawa niya kasi wala namang kami pero sana nga meron.
"Wala akong problema, hindi ba puwedeng inaantok lang ako kaya tulala" ang sabi ko habang naka-taas ang kilay sa kanila na dahilan para gumuhit ang pag-tataka sa mukha nila. Hindi ba talaga ako kapani-paniwala?
"Naku! Baka si East 'yang dahilan kung bakit ka tulala, patay tayo diyan Silangan" biglang pang-aasar ni Arwhenn na dahilan para makurot ko ang tagiliran niya "Anshaket!" he said with a pabebe voice na totally nakakainis.
"Ano ba! Wala na ba kayong ibang magawa kung 'di ang asarin ako sa Silangan na 'yun?" iritado na ako dahil nabanggit nila si East na totoo namang iniisip ko ang ginawa niya sa akin nung nasa club kami. His actions are really dangerous, pakiramdam ko ay nahulog ako nung oras na iyon.
"Nandoon rin siya sa club kasama ang isang girl" sunod namang nang-asar si Chelsea, ano namang pakielam ko sa babaeng kasama niya sa club? And bakit naman nasabi ni Gio na naaalala niya raw ako sa kanya.
"Baka mamaya iyon na ang bago, nahuli ka na girl" sabi sa akin ni Arwhenn at matapang na kinalabit ako na para bang sinusubukan niya talaga akong inisin, well gumagana naman.
"Sige ituloy mo lang 'yang pang-aasar mo" naiirita kong sabi
"Okay, gusto mong to the max--"
"Gusto mong masapak?" tanong ko sa kanya na dahilan para manlaki ang mga mata niya at napahawak sa kanyang dibdib dahil sa gulat.
"Ay, ang wild mo naman" ang sabi sa akin ni Arwhenn na para bang hindi natitinag sa banta ko, puwede ko na siyang suntukin pero ang daming audience at baka mamaya mapunta pa ako sa principal's office.
"Pero sino kaya yung girl na iyon?" tanong ni Chelsea na mukhang ayaw pa paawat na pinag-uusapan namin si East, parang noon ay pinag-iingat niya pa ako sa lalaking iyon pero siya naman itong usap ng usap.
Napunta ang tingin sa akin ni Chelsea na halata namang nag-tataka siya "Wala kang makukuhang sagot sa akin" sabi ko habang umiiling pa, pinakilala lang naman ni East si Kyla pero mukhang may something sa kanila.
Naalis naman ang tingin sa akin ni Chelsea at napunta sa likod ko "Uy Brooke!" sigaw naman ni Chelsea habang naka-ngiti na dahilan para matigilan ako. After kasi namang mag-usap ni Brooke ay hindi na kami nag-pansinan.
"Hey.." rinig kong sabi niya sa likod ko na dahilan para suminghap ako, dali-dali itong tumabi sa akin na dahilan para sulyapan ko ito at nakita kong nagpa-under cut ito na dahilan para mapa-ngiti ako.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
Lãng mạnAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...