Chapter 12

133 6 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 12

Tahimik lang kaming kumakain ni East at hindi ko maiwasan ang sumulyap sa kanya lalo na't niligtas niya ako kanina doon sa mga highschool na iyon at hindi pa ako nakakapag-pasalamat.

Sa tuwing mag-tatama ang tingin namin ay agad kong iniiwas ang tingin ko, bakit ba tikom ang bibig ko na mag-pasalamat sa kanya?

Nandito na nga kami sa mcdo at sumabay naman ang ulan sa pagkain namin, magandang weather ito dahil sa malamig at pakiramdam ko ay makakapag-piano ako dahil sa panahon ngayon.

Napunta nanaman ang tingin ko kay East at iyon nanaman ang pag-tatama ng mga mata namin, nakakahiya! Bakit ba kasi hindi ko masaba ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa pag-ligtas niya sa akin.

Narinig ko ang malalim niyang pag-singhap at nilapag niya ang kubyertos "Sabihin mo na ang dapat mong sabihin hindi yung sinusulyapan mo ako diyan" ang sabi niya na dahilan para mapa-nguso ako, bakit ba kasi nahuhuli ako ng mga tingin niya?

Diretso naman akong tumingin sa mga mata niya, sabihin mo na Lucille ang dapat mong sabihin dahil kung hindi ay baka mamaya matuluyan ka na talaga sa bilyaran.

"Salamat sa pag-ligtas mo sa akin" malamig kong sabi at nakita ko ang pag-kunot ng noo niya. Bakit, mali ba ang sinabi ko?

"Parang galit pa yung tono mo" ang sabi ni East at nakita ko ang pag-awang ng labi niya na dahilan para maguluhan ako, hindi naman galit yung tono ng boses ko ha. 

"Hindi ha..s-sincere ako sa pag-papasalamat ko sayo" pinipilit kong tumingin sa mga mata niya pero may kung ano talaga doon na dahilan para mailang ako. I thought I'm seeing the eyes of an eagle.

Tuluyan ko nalang na iniwas ang tingin ko sa kanya "Kung hindi dahil sa'yo ay baka mamaya napunta na ako sa bilyaran" wala pa naman akong hilig doon tapos ang kapal naman ayain akong mag-yosi at uminom.

"Bakit kasi wala kang kasama?" tanong niya na dahilam para mapa-nguso ako. Para naman akong bata nito e' gusto ko lang naman na kumain sa mcdo.

"Kakain lang naman ako dito sa mcdo, nag-lakad nalang ako kasi malapit lang naman atsaka dito na ako mag-papasundo" sana nga ay masundo pa ako ng driver kahit na umuulan, marami kasi ang naaaksidente dahil madulas na ang daan.

"Huwag ka na mag-pasundo, ako nalang ang mag-hahatid sa'yo" nanginig naman ang labi ko dahil sa alok niya, nakakahiya naman. Mag-papasundo nalang ako sa driver namin para naman hindi ako masabihan ni tita Azon.

"H-Huwag na--"

"Shut up woman, ihahatid kita" pag-putol niya sa akin na dahilan para tumaas ang kilay ko sa kanya, anong karapatan niya para putulin niya ang?

Inirapan ko nalang siya at pinag-patuloy ang pagkain ko "How's the back of Brooke?" biglang tanong sa akin ni East na dahilan para maalala ko ang masakit na pag-bagsak ni Brooke.

Sumama ang tingin ko East dahil sa alaalang iyon "He's fine, he getting fine" diin ko habang naka-tingin sa mga mata niya. Nung sinumulan niya ang tungkol kay Brooke ay hindi ko na maiwasang mainis.

"Pinag-iinitan mo si Brooke nun diba?" ang tanong ko sa kanya at nakita ko ang saglitang pag-awang ng sulok ng labi niya na para bang isang kalokohan ang sinabi ko pero alam ko kung anong nakita ko nung tune-up nila.

"What are you saying, kasama sa laro 'yun Lucille" he said while smirking the reason why I just sighed, hindi ko naman siya mapapa-amin pero alam ko kung ano ang nakita ko. Isa pa itong si Brooke na nakikipag-sabayan rin sa trip ni East.

"Tss.. kasama sa laro" bulong ko at padabog na tinusok ang fillet sa tinidor ko, alam ko namang laro pero nag-kakainitan silang dalawa.

"Gustong-gusto mo talaga si Brooke no?" ang tanong sa akin ni East na dahilan para tumango naman ako bilang sagot. Naamin ko narin naman sa kanya iyon nung last time pero alam kong maingay ang bibig niya at medyo nakakapang-sisi rin, hays.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon