Chapter 2

343 10 2
                                    

The Steps Of Pain
Chapter 2

"Daddy, can I go with my friends this night? Birthday party kasi ng kaklase ko" rinig kong sabi ni Whitney, nandito kami ngayon sa dining room at kumakain ng almusal. Tahimik lang naman ako kapag kumakain at silang tatlo lang ang nag-kwekwentuhan.

"Okay, but make sure na hindi ka iinom" ang sabi naman ni Daddy

Wala akong katabi, nasa kabila si Tita at katabi niya si Whitney habang si Daddy naman ay nasa gitna namin. Well, hindi parin ako sanay na tawagin siyang mama kahit matagal na siyang nandito. May pagka-strict siya at ewan ko ba kung tinutiring niya akong anak.

"By the way, may plano ka na ba after graduating Lucille?" ang tanong sa akin ni daddy na dahilan para mapunta sa kanya ang tingin ko. Mahilig naman ako sa mga damit na dahilan para pangarap kong maging fashion designer.

"After graduation dad, pupunta po ako ng Europe para mag-train for fashion" sabi ko na dahilan para tumango naman siya bilang sagot.

"Sure ka na bang iyan ang kukunin mo?" iyon naman ang nakahiligan ko simula nung bata ako maliban sa pag-tugtog ng piano. Mahilig akong mag-sketch ng mga damit at halos madami narin ang nakatago sa cabinet ko na mga sketch pad kung saan naka-guhit lahat ng ideas ko.

"Yes dad, iyon ho ang gusto ko"

May kompanya kasi si dad and noong bata ako ay gusto niyang ako ang mamahala sa kompanya but it turns out na iba ang gusto kong gawin pag-katapos ko mag-aral.

"You can give the company to Whitney, I'm fine with plans" sabi ko na dahilan para lakihan ako ng mga mata ni Whitney, siguro naman ay business and management ang kukunin niya dahil gusto niyang mahawakan rin ang kompanya ni dad.

I have no plans to compete with her, kahit naman siya ang pangalawang anak ni dad ay dapat marunong parin akong umintindi. Alam ko naman kung ano ang gusto ko maging siya, alam naman niya kung anong gusto niya.

"Kaya mo ba Whitney?" ang tanong ni daddy na dahilan para suminghap si Whitney, mukhang naprepressure siya dahil nalaman niyang hindi pala ako ang mag-mamana ng kompanya ni dad.

"Y-Yes dad but please let's not talk about this, matagal pa naman ho akong gragraduate" ang sabi ni Whitney habang pilit itong naka-ngiti, mabait naman siya pero minsan talaga ay maldita lalo na sa akin.

Minsan naman nakakasundo kami pero alam ko naman na may galit rin sa akin si Whitney dahil sa tingin niya nag-papapansin ako kay daddy at inaagaw ang atensyon nito. Ganyan talaga kapag bata pa, parang tagilid pa ang utak.

"Don't worry, tutulungan naman kita" sabi ko na dahilan para mapa-lunok si Whitney, may alam naman ako kahit papaano sa kompanya ni dad. Sikat kasi ang mga wines niya dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa, aware naman ako sa environment ko.

Nilagay ko naman sa table ang napkin at tumayo "Dad, aalis na ho ako" ang sabi ko at humalik kay daddy, tumingin naman ako kay Tita na ngayon ay malamig na naka-tingin sa akin. 

"Bye po, tita" ang sabi ko at hinalikan siya sa pisngi, ilang taon na siyang nakatira dito maging si Whitney pero wala parin kaming closure sa isa't-isa. Medyo hindi ko kasi siya ka-vibe kaya huwag nalang siguro atleast nirerespeto ko naman siya.

"Sasabay na ho ako kay ate" ang sabi naman ni Whitney na dahilan para kumunot ang noo ko, bakit naman siya sasabay sa akin e' lagi naman kaming hiwalay ng sasakyan.

"Okay, mag-ingat kayo at pag-butihin sa school ha" ang sabi sa amin ni daddy na dahilan para ngumiti naman kami bilang sagot.

Nakasakay na nga kami sa van at nag-tataka parin ako kung bakit napag-desisyunan ni Whitney na sumabay sa akin. Suminghap naman ako at kinalkal ang phone ko.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon