Chapter 27

120 6 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 27

"You've got to tell us what happened to you Lucille, you look miserable!" galit na sabi ni Tita Azon, mariin kong pinikit ang mga mata ko na dahilan para bumalik ang nangyare sa akin kanina. Mukhang dadalhin ko ang nangyare na iyon sa aking pag-tanda.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at ngayon ay nagamot na ang aking mga sugat na natamo ko galing sa kalmot at pananabunot ni Chelsea, sobrang nasaktan ako dahil sa ginawa niya na para bang ayoko ng umalis sa kwarto ko.

"Hindi ka ba mag-sasalita, ayaw kitang nakikitang ganito. Hindi ko hahayaan na may manakit sa'yo" my dad hissed the reason why I opened my eyes but still I don't have the courage to tell them what happened, pakiramdam ko ay sobra nanaman akong mapapagod sa pag-iyak. I just don't want to tell them what happened.

Lahat sila ay nandito ngayon sa kwarto ko at nag-aalala, maging si Whitney ay malalim ang kanyang iniisip habang naka-tingin sa akin. Tulala lang ako sa aking kwarto at parang wala sa sariling ulirat.

"Please tell us what happened, nakita ka nalang ni East na ganito. Ano bang nangyare Lucille?" pag-pupumilit sa akin ni Tita Azon at hinawakan ang braso ko na dahilan para mapunta sa kanya ang tingin ko.

Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na dahilan para maalala ko si mama, ganyan rin siya tumingin sa akin kapag may nang-aaway sa akin.

Napalunok ako at pinipigilan ang mga luhang lumabas nanaman sa mata ko, pagod na ako sa ngayon at sa tingin ko ay hindi na ako papasok dahil sa nararamdaman ko. Bigla nalang akong nahiya kahit wala naman akong kasalanan.

"You know what kahit ilang beses pa nating siyang tanungin ay hindi siya sasagot, maybe it's good to leave her alone this time or maybe she can tell it to East" singit naman ni Whitney na dahilan para suminghap ako.

Hinatid ako ni East sa bahay na madumi at magulo ang sarili na dahilan para mapa-uwi lahat ang mga tao sa bahay. Napalabas si Tita Azon sa kanyang working place dahi sa nangyare at nagulat rin sa nakita niya.

Narinig ko ang malalim na pag-singhap ni daddy, hindi ako sanay na sabihin sa kanila ang mga problema ko dahil tanging sa mga kaibigan lang naman ako nag-kwekwento.

I'm just so embarrassed to myself, seeing me miserable makes me want to hide in my room. Hindi na mabubura sa mga tao ang nakita nila, tinawag akong mang-aagaw, slut, walang-kwenta, painosente at ano pa? Ano pa ang puwede nilang sabihin sa akin e' inosente naman ako.

Kahit paulit-ulit kong itatak sa isip ko na hindi naman iyon totoo pero yung mga salita nila ang masakit, ang dali nilang mang-husga at ang dali nilang maniwala sa mga sinasabi ng iba.

"You can tell us everything Lucille pero tama rin si Whitney na mas makakabuting iwan ka na muna namin" pag-papakalma sa akin ni Tita Azon na dahilan para maiyukom ko ang kamao ko.

Sa tingin ko ay mag-damag nilang iisipin ang nangyare sa akin at mag-damag rin silang mag-aalala sa akin, ayokong isipin nila iyon pero wala talaga akong magawa dahil masakit.

Kapag sinabi kong si Chelsea ang gumawa nito ay mas lalong lalaki ang away, kahit namang pilitin kong huwag na ay lalabas at lalabas rin ito.

Hinalikan ako ni daddy sa noo at hindi nag-tagal ay nilisan na nila ang kwarto ko na dahilan para ako nalang ang maiwan sa kwarto ko.

Nung umalis sila ay nilapag ko ang mga paa ko sa sahig at pumunta sa harap ng salamin, naaawang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. May mga kalmot rin ang mukha ko na umaabot sa aking braso, malaki talaga ang galit sa akin ni Chelsea.

Malungkot na hinawakan ko ang sugat ko at diniin ito na dahilan para kumurap ang mata ko dahil sa sakit, kahit nalinisan na ako ay ramdam ko parin ang dumi na nadulot sa akin ng lahat.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon