The Steps of Pain
Chapter 5"Hala ang daya mo!" sabi ko at naka-ngusong ang labi dahil sa unti-unti ng nananalo si East sa basketball, nakakainis!
Alam ko namang na magaling siyang mag-basketball ang akala ko pa naman ay pag-bibigyan niya ako.
"Alam mo namang basketball player ako tapos ito pa pag-pupustahan natin" ang sabi niya habang naka-ngisi na dahilan para umikot ang mata ko.
Tanga-tanga ako sa part na iyon pero akala ko kasi ay hahayaan niya akong manalo.
Nag-pustahan kasi kami na kung sino ang mas mataas ang score ay manlilibre ng ice cream, so natalo ako dahil sa napakarami niyang na-shoot tsk! Kulang nalang iuwi niya na yung baskteball arcade.
"Hindi man lang ako pinag-bigyan" mataray kong sabi na dahilan para humalakhak siya ng malakas, may nakakatawa ba?!
Masama ko naman siyang tinignan nung nilagay niya ang kamay niya sa buhok ko at medyo ginulo ito "Manlibre ka nalang, after nun ay kakain na tayo" ang sabi niya sa akin na dahilan para tumango nalang ako bilang sagot.
Dumiretso naman kami sa food court kung saan nandoon narin ang ice cream shop, siya na ang bumili dahil wala ako sa mood dahil mali na iyon ang pinag-pustahan namin.
Kahit papaano naman ay nag-eenjoy ako sa friendly date namin, matatapos narin naman ito atsaka ngayong araw lang naman ito dahil hindi ko naman siya makikita palagi dahil nasa ibang school siya nag-aaral.
"Oh, yung ice cream na ako pa talaga ang bumili kahit ako ang nanalo" naka-ngising sabi sa akin ni East na dahilan para iripan ko nalang siya at kinuha ang ice cream na binili niya.
Sumubo naman ako at bigla namang naagaw ang atensyon ko dahil sa mga taong nag-kukumpol sa isang lugar na dahilan para kumunot ang noo ko. Ano namang meron doon?
Nung narinig ko ang tunog kahit na maraming tao ay kaagad akong napa-ngiti, may tumutugtog ng piano "Pupunta muna ako doon" sabi ko kay East at turo sa crowd kung saan nandoon ang tumutugtog ng piano.
"Bakit, ano bang meron doon?" tanong niya sa akin na dahilan para mapa-ngiti ako, hindi ko nalang siya sinagot at tuluyan ng pumunta sa crowd. Mukhang inaakit ako ng bawat tunog dahil sa hilig ko ang mag-piano.
Nung napunta na ako sa crowd ay agad akong napa-ngiti ng makita ang isang lalaki na gumagamit ng piano, sa bawat pag-dampi niya ng daliri niya sa keyboard ay para akong inaantok.
Naka-ngiti lang ako habang pinapanood ito "Wow, ang galing niya.." rinig kong sabi sa akin ni East na dahilan para tumango ako bilang sagot. Totoo ngang magaling ang tumutugtog, parang inaantok nalang ako.
"Akin na 'yang ice cream mo" ang sabi sa akin ni East na dahilan para kumunot naman ang noo ko, bakit naman niya kukunin ang ice cream ko e' hindi pa naman niya ubos yung sa kanya.
"E hindi pa naman ubos yung sayo ha"
"Basta, akin na" pag-pilit niya sa akin na dahilan para binigay ko nalang ito, umalis naman ito sa tabi ko pero hindi ko nalang siya pinansin at tinuon nalang ang pansin ko sa nag-pipiano.
Hindi nag-tagal ay natapos na ito na dahilan para mag-palakpakan ang mga tao maging ako habang naka-ngiti.
"Huy halika!" bungad sa akim ni East na dahilan para kumunot ang noo ko, saan ba siya nanggaling?
"Saan ka ba nanggaling atsaka akin na yung ice cream ko" sabi ko at pilit na inaagaw ang ice cream ko na nasa kamay niya pero agad niya itong nilayo sa akin. Matutunaw yung ice cream ko!
"Hayaan mo na yung ice cream mo, sumama ka nalang sakin!" ang sabi sa akim ni East, bago pa ako maka-angal ay agad niya na akong hinila na dahilan para magulat ako.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomanceAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...