Chapter 3

256 10 0
                                    

The Steps Of Pain
Chapter 3

"Nabusog ako doon Gio, maraming salamat sa maagang championship celebration" pag-bibiro ni Arwhenn na dahilan para matawa kami. Totoo ngang napa-aga ang celebration pero anong magagawa namin, libre naman e.

"Next time nalang ulit" ang sabi ni Chelsea at nakipag-apir kay Gio, kakatapos lang namin kumain at panay ang kwentuhan namin. Naging malapit rin sa amin si East, sinabi niya na may dalawa siyang kapatid na kambal at babae daw.

Marami daw siyang mga pinsan, pinakilala niya sa amin si Daquis at si Jaochenn. Mukhang gwapo rin iyon dahil kahit pag-masdan mo lang si East ay makikita mo talagang maganda ang lahi nila.

"Mauna na kami" sabi naman ni Arwhenn, akmang sasama ako pero nagulat ako ng bigla itong mag-salita na dahilan para mag-igting ang tenga ko.

"Uy East, ikaw na mag-hatid dito kay Lucille tutal pareho naman kayo ng daan" 

"Ano nanaman bang pakulo mo?" bulong ko kay Arwhenn at kinurot ang braso nito, kumain na nga siya pero tagilid parin ang utak. Ano ba naman 'yan?

"Ay oo nga! Mahihirapan pa kami ni Arwhenn" banat naman ni Chelsea na dahilan para mataranta ako, pinag-tritripan ba nila ako?

Tumingin naman ako kay East na ngayon ay naka-ngisi sa akin, umiling naman ako "No need, sa kanila nalang ako sasabay" sabi ko dito habang naka-taas pa ang kamay ko. Anong sasabay ako sa kanya, nakakahiya!

"Sumabay ka na kay East, puwede ba East?"

"Pati ba naman ikaw Gio" diin kong sabi at nakita ko ang pag-awang ng sulok ng labi niya, mukhang pare-pareho sila ng takbo ng utak. Kapag nakita ko talaga sila bukas babatukan ko silang tatlo.

"No problem" sabi naman ni East na dahilan para mapa-singhap ako, mukhang wala na talaga akong kawala dahil pumayag na siya. Masama ko namang tinignan ang tatlo na sabay-sabay na nag-thumbs up sa akin, nakakainis sila!

Binuksan naman ni East ang pinto na dahilan para mapa-kamot ako sa ulo ko, narinig ko naman ang pag-halakhak nung tatlo sa likod na dahilan para balikan ko sila ng tingin. Lagot talaga kayo bukas sa akin.

Tuluyan na nga akong pumasok sa kotse ni East at una kong napansin ay ang pabangong pumapalibot sa kanyang kotse. Ang bango naman at alam kong Sauvage cologne ito dahil iyon rin ang ginagamit ni daddy.

Pinanood ko na umikot si East sa harap ng kotse at sumakay narin ito na dahilan para mapa-singhap ako. Nilagay ko sa hita ko ang dalawang kamay ko at para akong prim and proper dahil sa ayos ko.

"Oh, bakit ang tahimik mo? Parang kanina lang tawa ka ng tawa" tanong niya sa akin na dahilan para ngumisi ako, bakit ba pakiramdam ko ang init? Kahit nakatutok sa akin ang aircon ay bakit pakiramdam ko ang init.

"Saan ka ba naka-tira?" tanong niya sa akin

"Sa bahay" pamimilosopo ko na dahilan para marinig ko ang mahina niyang pag-tawa.

"Tss, bastos. Saang village miss?" ang tanong niya sa akin na dahilan para maramdaman ko ang pag-kalma ng sarili ko. Mukhang loko-loko rin pala ako at medyo pareho kami doon.

"Sa Villacastin" sabi ko dito

"Oh, katabi lang pala ng village niyo yung village namin" 

Nakita ko naman ang dalawang picture na nakalagay sa isang case at naka-sabit sa rear mirror, hinawakan ko naman ito ng makita ang kambal niyang kapatid maging ang pinsan niya.

"Ang ganda ng mga kapatid mo" sabi ko habang naka-ngiti, kahit naman sobrang mag-kamukha sila ay makikita mo parin ang ganda ng isa't-isa. Mapag-kakamalan silang foreigner dahil sa magandang kulay nilang mga mata.

AS 2: The Steps Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon