The Steps of Pain
Chapter 13"Chelsea, ano nanaman niyang ginagawa mo?" tanong ni Arwhenn at pilit na sinisilip ang kinakalikot nanaman ni Chelsea sa laptop niya, hindi naman siguro kailangang tanungin ni Arwhenn marahil kapag tahimik at seryoso si Chelsea ay asahan mong gumagawa siya ng balita.
"Manahimik ka Arwhenn, may ginagawa pa ako" naiinis na sabi ni Chelsea na dahilan para nag-aalala akong tumingin kay Arwhenn, mukhang babad na babad nanaman si Chelsea na makapag-upload ng balita.
"Kanina ka pa diyan sa laptop mo, babad ka diyan sa pag-gawa ng mga fake news!" ang sabi ni Arwhenn na dahilan para maagaw niya na ang tingin ni Chelsea at masama ito.
"Excuse me, hindi ito fake news may pruweba ako" sabi ni Chelsea at tinaas ang kanyang camera, nag-aalala na talaga ako sa kanya hangga't hindi kami nag-sasabi ay mas lalo siyang lumalala.
"Oo nga may pruweba pero hindi mo naman alam yung totoong storya about diyan sa litratong kinuha mo" umirap naman si Arwhenn dahil mukhang hindi niya na rin kinakaya ang pag-kakalat ng fake news kuno ni Chelsea.
"Uh! I don't care, gusto ko itong ginagawa ko so please hayaan mo nalang ako" naiinis na sabi ni Chelsea na dahilan para mapakamot ako sa ulo ko. Medyo kasi nagsisi-taasan na ang mga boses nila.
"Hay naku! Kapag may napahamak talaga diyan sa ginagawa mo, ako mismo ang mag-tatanggal sa'yo diyan sa journalism club" banta ni Arwhenn pero hindi nag-patinag si Chelsea.
Ano na bang nangyayare sa iyo Chelsea? Simula nung napunta ka diyan sa journalism na iyan ay parang ang layo mo na, wala ka ng pakielam kung may masaktan ka ng iba. Wala ka ng pakielam sa katotohanan, anong nangyare sa'yo?
Bigla namang may malakas na kumalabog sa pinto na dahilan para mapunta ang atensyon namin doon "Where's Chelsea Buenavista?!" galit na sabi nito na dahilan para nag-tataka akong tumingin kay Chelsea.
Agad namang tinuro ng mga kaklase ko si Chelsea na ngayon ay naka-tayo na para bang wala siyang pakielam na para bang inaasahan niya ang pag-dating nito, teka siya yung lalaking nasa balita ni Chelsea huh.
Galit na galit na lumapit si Elijah kay Chelsea at laking gulat ko ng kwelyuhan niya si Chelsea, agad akong napa-tayo at sinusubukang alisin ang pag-kakahawak ni Elijah sa kwelyo ni Chelsea.
"Walang hiya ka! Anong kalokohan ang ginawa mo?!" galit na sabi ni Elijah na parang kulang nalang ay suntukin niya na si Chelsea dahil sa galit.
"Uy Elijah! Bitawan mo si Chelsea" sabi ni Arwhenn at pilit na tinatanggal ang kamay ni Elijah pero mas nagulat ako ng biglang itulak ni Elijah si Arwhenn na dahilan para tumama ang katawan ni Arwhenn sa mga lamesa.
"Shit!" usal ko at dali-daling lumapit kay Arwhenn para tulungan siya
"Ang sakit girl!" bulong niya sa akin na dahilan para mataranta ako, ito na nga ba ang sinasabi ni Arwhenn may mga tao ng naaapakan si Chelsea dahil sa pag-susulat niya na pinapakalat niya pa.
"Ano bang ginawa ko?" naka-ngising sabi ni Chelsea na dahilan para maguluhan ako, parang wala lang sa kanya ito. Anong nangyayare kay Chelsea?
Dahil sa tanong ni Chelsea ay mas lalong nagalit si Elijah, mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kwelyo ni Chelsea pero wala paring kibo ito o kahit takot man lang dahil sa ginawa niya.
"Yung kinalat mo, making out inside the car with someone?! Bobo ka ba?!" galit na sabi ni Elijah na dahilan para mapa-ngisi si Chelsea.
"Bakit, hindi ba totoo? Nakipag-sex ka with the girl named Zaira Mendrez, you're cheating Mr.Abueva! Cheating!" ang sabi ni Chelsea na dahilan para bitawan na siya ni Elijah at malakas itong tinulak pero mabuti nalang at hindi natumba si Chelsea.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomanceAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...