The Steps of Pain
Chapter 9"Oy ate! Gising na daw!" rinig kong bulabog sa pinto ni Whitney na dahilan para badtrip akong bumangon. Shuta! Sabado naman ngayon pero bakit ang aga niya akong ginigising.
"Gigibain ni mama 'yang kwarto mo kapag hindi ka pa lumabas diyan!" singit niya pa na dahilan para padabog akong tumayo habang kamot-kamot pa ang ulo ko sa inis. Sabado ngayon, please!
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Whitney na naka-pajama parin "Eto na gising na! Mas malakas pa 'yang boses mo kaysa sa alarm clock ko" inis kong sabi na dahilan para taasan niya ako ng kilay.
Siya pa tong may ganang taasan ako ng kilay e' halos sirain niya na nga yung pinto dahil sa mabigat niyang pag-katok.
"Gumising ka na Lucille!" inis na sabi niya ma dahilan para ngiwian ko siya, minsan talaga bastos ang bibig nitong si Whitney ilagay ko kaya siya sa sako.
"Eto na, gising na gising na!"
"Hoy ano ba 'yan!" natigilan lang kami ng biglang bumungad si Tita Azon sa amin, para kaming natahimik dahil nag-tatama na ang dalawang kilay nito sa galit.
"Umagang-umaga nag-sisigawan kayo" galit na sabi ni tita Azon na dahilan para makamot ko ang ulo ko. Ito kasing si Whitney e' akala mo isang asong naipit kung maka-sigaw.
Napunta naman ang tingin sa akin ni Tita Azon "Mag-ayos ka dahil kakain na" ang sabi niya sa akin na dahilan para tumango nalang ako bilang sagot. Gusto niya bang ayos is yung naka-night gown pa? Tsk!
Bumalik naman ako sa kwarto ko at inayos muna ang sarili ko. Inipitan ko ang buhok para naman maayos akong makakain mamaya at nag-hilamos narin ako para naman matanggal ang muta sa aking mga mata.
Sa pag-baba ko ay rinig na rinig ko ang mga tawanan nila kahit ang mga kubyertos nila na dahilan para suminghap ako. Mukhang tatahimik lang sila kapag dumating na ako.
"Oh Lucille, maupo ka na" ang sabi sa akin ni daddy at tama nga ang naisip ko. Biglang tumikom ang bibig ni tita Azon at Whitney na para bang ayaw na nilang sabihin sa akin ang pinag-tatawanan nila.
Umupo naman ako sa kabilang side kung saan wala akong katabi "Tuloy niyo lang po yung kwentuhan niyo" ang sabi ko habang naka-ngiti na dahilan para mag-titigan si Whitney at Tita Azon.
Alam ko naman na pinag-tutuunan ng pansin ni daddy ang pamilya niya ngayon at wala namang problema sa akin iyon. Kahit naman papaano ay napapakisamahan ko naman si Whitney at Tita Azon, tahimik lang naman ako kapag nasa bahay.
Pero iniisip ko rin kung hindi namatay si mama, ano kaya ang magiging lagay ng pamilya namin ngayon? Ako lang ba ang magiging anak nila? Ako lang ba lahat mag-mamana ng kayamanan nila?
Kahit na namatay si mama nung masyado pa akong bata ay namulat na kaagad ako sa kung ano ang reyalidad sa mundo. Klaro parin sa isip ko ang pag-kamatay ni mama at klaro parin sa isipan ko ang pag-hahanap ko sa kanya.
Pero ngayon as long as masaya si daddy ay masaya narin ako, hindi ko naman siya mapipigilan noon. Marunong naman akong tumanggap ng mga taong balak pumasok sa buhay ko pero sana ay huwag nila ako abusuhin.
"Nga pala daddy, may pupuntahan po ako mamayang gabi kasama sila Arwhenn at Chelsea" paalam ko na dahilan para tumaas ang kilay sa akin ni daddy. Gabi kasi 'yun at sabi sa akin ay bagong bukas na club iyon.
"Puwede ko bang matanong kung saana ng punta mo?" ang tanong sa akin ni daddy na dahilan para suminghap ako. Wala namang masama kung pupunta ako ng club diba?
"Sa bagong bukas na club po, dad" ang sabi ko at narinig ko ang pag-buntong hininga niya. Yikes, mukhang hindi ata ako papayagan nito.
"Pinapayagan ko lang kayo kapag party ng mga kaklase niyo pero bakit naman club? Hindi mo ba naaalala ang nangyare sayo?" ang tanong sa akin ni daddy na dahilan para maalala ko ang gabing nalasing ako.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomansaAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...