The Steps of Pain
Chapter 24"May we rest in peace this time" sabi ni Arwhenn na dahilan para kunutan ko siya ng noo, ano bang sinasabi niya e' kaunti lang naman itong kailangan namin gawin sa mga subjects. Siya pa talaga ang nag-sabi niya, siya pang ssg president.
"Kaunti lang naman 'to Arwhenn, misan oa ka lang talaga" sabi ko at nilapag ang papel sa table ko na natapos ko na. Kung mamaya na kaya siya mag-salita at tapusin niya na ang research niya para naman makamit niya yung gusto niyang may we rest in peace.
"Nasisira na yung ganda ko girl, like omg!" baklang sabi nito at inipit ang buhok niyang hindi naman ganon kahaba sa kanyang tenga, mahina naman akong natawa dahil sa hindi naman ganon madami ang ginagawa namin.
"Oo sige na, tutulungan na kita" ang sabi ko na dahilan para ngumiti siya sa akin, mukhang iyon lang naman ang hinihintay niyang sabihin ko. Ibang klase talaga si bakla, hindi ko alam kung saan aabot ang tulong ko sa kanya.
"Nga pala, kamusta yung panliligaw sa'yo ni East?" tanong sa akin ni Arwhenn at nakita ko ang panliliit ng mga mata niya, chismosa talaga kahit kailan purkit wala siyang jowa e.
"Ayos naman kami, pinakilala ko na siya sa pamilya ko" simple kong sabi habang tinitignan ang papel niya na kailangan ko munang basahin para naman makita ko kung may mali.
"Kailan mo balak sagutin?" tanong niya sa akin na dahilan para manginig ang labi ko at mahinang matawa, hindi ko naman ini-expect na tatanungin niya iyon e' ilang araw pa nga lang nung pinakilala ko si East sa pamilya ko.
"Agad-agad? Kakapakilala ko palang sa pamilya ko tapos sasagutin ko kaagad?" nag-tataka habang naka-ngiti sa kanya na dahilan para umiling nalang siya sa akin.
"Akalain mo 'yun babalik at babalik rin pala yung nararamdaman mo sa lalaking 'yun" naka-ngisi niyang sabi na dahilan para marahan kong tinapik ang balikat niya, inaasar nanaman niya ata ako.
Bigla namang napunta ang tingin ko sa kakapasok lang na si Chelsea, mataray ang mukha nito na dahilan para mapa-lunok ako. Alam niya ba kung ano ang ginagawa ni Brooke sa kanya?
"Bakit mo tinitignan?" ang tanong sa akin ni Arwhenn na dahilan para mag-pakawala ako ng buntong-hininga. Hindi ko inaakala na sasabihin iyon sa akin ni Brooke, nakaka-disappoint na ganon pala ang ugali niya.
Umupo sa harap namin si Chelsea at kitang-kita ang pagiging tahimik niya marahil nilabas niya kaagad ang laptop niya na panigurado akong gagawa nanaman siya ng news. Hindi parin ba siya tumitigil hanggang ngayon?
"A-Arwhenn, si Brooke kasi e.." nauutal na sabi ko sa kanya na dahilan para gumuhit ang kunot sa noo ni Arwhenn.
Saglitam niyang sinulyapan si Chelsea at lumapit sa akin para naman walang maka-rinig "What happened?" he asked with a serious tone the reason why I bit my lower lip.
Paano ko makaka-usap si Chelsea kung ganito ang inaasal niya na sa tuwing lalapit ako ay agad naman siyang iiwas. Wala na ba talaga sa kanya ang pag-kakaibigan namin?
"Yesterday, me and Brooke talked.." I started and I saw him nodding, I should continue my gossip because I can't handle this. Si Arwhenn ang puwede kong pag-sabihan ngayon.
"Tinanong ko siya kung kamusta sila ni Chelsea, at as a boyfriend ay hindi niya ba pinag-sasabihan si Chelsea at alam mo kung anong sinabi niya sa akin?" this is the hardest part marahil ang akala ko mapapag-katiwalaan ko si Brooke pero hindi pala.
Grabeng disappointment ang naramdaman ko nung sinabi niyang maging kami, like gusto niya bang mamangka sa dalawang ilog?
"Ang sabi niya laging busy si Chelsea and minsan ay wala na daw silang communication, like what? Parang kakasabi lang sa atin ni Chelsea na naging sila tapos ganito kaagad ang ganap sa kanila" naguguluhan kong sabi at narinig ko ang marahan niyang pag-singhap.
BINABASA MO ANG
AS 2: The Steps Of Pain
RomanceAREVELLO SERIES #2 Lucille Veron Ceniza is a graduating student and taking her life to the fullest, she was considered as a happy pill because of how gullible and sweet she is despite of the toxic environment she had. Not until she met East Tyrell A...