Prologue

59 9 0
                                    

"Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa lalaking iyon!"


Galit akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Wala siyang karapatan na sigawan ako. Hindi ko siya ama at hinding hindi ko siya ituturing na tatay!


Lumapit naman sa akin si mommy upang pigilan ako.


"Leave, Kira. Umalis ka muna hanggang sa lumipas ang galit ni Leo."


Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng tunay kong ina... Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar sa bahay na'to. Parang ako pa ang naging sampid sa pamamahay ng daddy ko.


Sa huling pagkakataon ay galit kong tiningnan ang tatay tatayan ko bago sila talikuran at maglakad palayo.


Bigla namang tumigil ang pamilyar na sasakyan sa aking harapan.


"Sakay, ate!" Saad nang kapatid ko na si Kenjie. Mabilis naman ako pumasok sa sasakyan niya at mabilis niya itong pinaharurot papalayo.


"Nagaway na naman ba kayo ni papa?" Tanong niya habang nakatingin sa dinadaanan.


"Masyadong mukhang pera ang tatay mo, Kenjie" Saad ko na ikinatango niya. Alam niya kung gaano kaadik sa pera ang kaniyang tatay kaya't mabuti na lang ay hindi siya nagmana dito.


"Kahit anong gawin mo ay ipapakasal ka talaga niya sa anak ni Tito Michael" Sambit niya. Hinding hindi ako papayag na mangyare yon kaya't hanggat maaari ay gagawa at gagawa ako ng plano upang maudlot ang kasalan na iyon.


"Minsan lang tayo magmahal, Kira, kaya't ibigay mo ang pagmamahal mo sa taong sigurado ka... Yung pagmamahal na hindi nakabase sa pera kundi sa puso"


Hindi ko napigilang mapangiti nang maalala ang sinabi ng aking daddy nung nabubuhay pa siya.


"Can you help me?" Tanong ko kay Kenji na ngayon ay napalingon sa akin. "Sure, anything for you, ate"


Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi at kinuha ang cellphone sa aking bulsa.


Kunot noo naman niya akong tiningnan at tumingin sa aking cellphone.


"Tinder?" Nagtatakang tanong niya nang makita ang app na dinodownload ko. Napangisi na lamang ako at inintay na matapos ito.


"Wtf, ate! Jowang jowa ka na ba?" Aniya kaya't mabilis ko itong binatukan.


"Shut up, Kenjie. Support your ate na lang, pwede?" Mataray na sambit ko dito at mabilis na inopen ang app nang matapos ito.


Mabilis akong nag sign up at nagisip ng pangalan na pwede kong ilagay dito, ayaw kong makilala kaya't ibang pangalan ang ginamit ko.


Joy Marie Fabregas


Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang favorite kong movie na hello love, goodbye.


Wala akong ibang ginawa kundi ang mag scroll at humanap ng makaka match ko dito.


Maya-maya lang ay agad nag notify sa screen ang isang pamilyar na pangalan.




Ethan Del Rosario likes you.




Wtf!?


Agad kong tiningnan ang profile niya at wala naman akong napala dahil blurred ang kaniyang mga pictures gaya ng akin. Mabilis ko namang pinindot ang heart icon.




You and Ethan have liked each other.

You can now send him a message using your phone.

Continue





Gulat naman akong napatingin kay Kenji na ngayon ay nagtataka pa rin sa nangyayare.


*Ting*


Sabay kaming napalingon ni Kenjie sa cellphone ko nang tumunog ito at sabay ring nagkatinginan.







Ethan Del Rosario:
Hi, need a friend today? ^__^






Omyghad!!!






~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon