"Are you okay, kuya Sybrew?"
Agad naman siyang bumalik sa sarili nang magsalita ako. Kanina pa siya tulala na ani'moy napakalalim ng iniisip.
"A-ayos lang ako, Kira" Utal na sagot niya at napatulala na naman habang nakatingin sa kawalan. Kumunot naman ang noo ko bago kalampagin ng malakas ang lamesa.
"Anong problema?" Seryosong tanong ko dito. Gulat naman siyang napalingon sa aking gawi at mabilis na umiwas ng tingin.
"Wal------
"Anong problema?" Madiing tanong ko pa dito at hindi na hinayaan na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Napatitig naman siya sa akin nang ilang segundo bago malakas na bumuntong hininga.
"May kilala ka bang taong may tattoo sa batok?" Tanong niya. Tiningnan ko naman ito na puno ng pagtataka.
"What about that?" Taas kilay na tanong ko habang pilit na binabasa kung ano ang nasa kaniyang isipan.
"W-wala naman" Sagot niya. Pinagsingkitan ko naman siya ng mga mata dahil kitang kita sa kaniyang galaw ang hindi pagsasabi ng totoo.
"May kinalaman ba ito kay daddy?" Agad naman siyang napalingon nang marinig ang sinabi ko at mabilis na umiling.
"Ah h-hindi! May hinahanap lang akong tao, gagayahin ko sana yung tattoo niya sa batok hehe" Napatango naman ako sa kaniyang sinabi na ani'moy paniwalang paniwala.
"Talaga?" Taas kilay na tanong ko. Natawa naman siya ng mahina at nakita ko ang pasimple niyang pagmura sa sarili.
"I know that it's all about dad , kuya Sybrew. Huwag mo nga akong lokohin" Walang emosyong saad ko dito. Napatigil naman siya sa aking sinabi at napahilamos sa mukha gamit ang dalawang kamay.
"I'm sorry, ayaw ko lang na makialam ka pa dito, Kira"
Naiintindihan ko kung bakit siya lang ang umaangkin nang lahat ng ito. Ayaw niya lang dagdagan ang problema at iniisip ko kaya't magisa niyang ginagawa ang lahat.
"I understand you, Kuya Sybrew, pero kailangan ko ring malaman ang lahat" Sambit ko dito. Hinawakan naman niya ang balikat ko at pilit na ngumiti sa akin.
"Sasabihin ko rin sayo, Kira, pero hindi pa ngayon. Magtiwala ka lang sa akin, okay?" Unti-unti naman akong napatango sa kaniyang sinabi. I trust you, hahayaan kitang gawin ang lahat ng nararapat.
"Pakiramdaman mo rin minsan ang paligid mo, Kira, hindi tayo siguro kung totoo ba ang mga taong nakakasalamuha naten" Aniya pa na nakapagpagulo sa aking isipan.
"Mas maganda ito, iha"
Napatango naman ako sa sinabi ni mommy habang nakaturo sa pangatlong gown. Kahit yung pinaka simpleng wedding gown ay ayos na sa akin. Hindi ko rin naman magagamit.
"Eh ito kaya? Sa tingin mo?" Tukoy naman niya sa pangapat. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango ulit. Napatigil naman siya sa pagsuri dito at tumingin sa akin bago malakas na bumuntong hininga.
"Nakikinig ka ba sa akin?" Taas kilay na tanong niya. Walang gana naman akong tumango dito.
"Of course" Sagot ko. Napapikit naman siya ng ilang segundo habang hinihilot ang sintido.
"Your not paying attention, Kira. Ikaw nga dapat ang pumipili nito at hindi ako" Stress na aniya.
"I'm not in the mood, mom. Kayo na po ang bahala" Sagot ko dito bago tumayo at maglakad paakyat ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star.
Teen Fiction"You are the brightest star in my universe, Akhira Yvonne Castalleno." ~Kousuke Okayama Start: June 10, 2020 End: