Chapter 3

26 9 0
                                    

"Napakaliit talaga ng mundo, ate" Sambit ni Kenjie na ngayon ay nasa aking kwarto.


"I didn't expect that"


Hindi ko talaga inakala na siya na pala ang lalaking kausap ko sa tinder. Napaaga tuloy ang pagkikita namin na dapat ay bukas pa.


"Atleast ngayon ay panatag na ang loob natin na hindi siya masamang tao" Napatingin naman ako sa aking kapatid na ngayon ay nakaupo sa sofa ng aking kwarto.


"Sure ka na jan?" Tanong ko at mahinang tumawa.


"Eh ikaw nga ang tiwalang tiwala jan sa kausap mo tapos ngayong kilala mo na ay saka mo pa paghihinalaan?" Agad naman akong napairap sa kaniyang sinabi.


"Joke lang, Kenjie. Masyado kang seryoso" Saad ko at humigop naman siya sa kape na nasa kaniyang harapan bago humarap sa gawi ko.


"Bakit nga pala masyado kang tiwala sa lalaking yon?" Tanong niya sa akin.


"He's good, Kenjie. I can sense na hindi siya masamang tao kaya't walang dahilan para hindi siya pagkatiwalaan" Sagot ko dito at tiningnan naman niya ako na puno ng pangaasar sa mukha.


"Baka naman nahuhulog na ang ate ko?" Pangaasar pa niya na ikinairap ko.


"Hinding hindi mangyayare yon, Kenjie"


Dahil kung mangyayare man yon ay talo ako... Solusyon sa problema ang hanap ko at hindi pag-ibig kaya't paniguradong ako rin ang mahihirapan sa huli kapag nahulog ako sa lalaking iyon.


"Okay, ate. Sabi mo eh"










"Kira, pinapatawag ka ng iyong tito Leo sa office niya" Sambit ni manang kaya't agad kong sinira ang librong hawak ko.


Paniguradong tungkol na naman sa kasal ang sasabihin niya.


Walang gana akong umakyat papunta sa taas at bumungad sa akin si tito Leo na ngayon ay busy sa pagkausap sa kaniyang cellphone.


Hindi ko naman mapigilang mapairap nang malaman ang kausap nito.


"Kelan ba natin paguusapan ang engagement party ng mga anak natin?"


Anak? Kahit kailangan ay hindi niya ako tinuring na anak. Masyado siyang pakitang tao!


"Sa palagay ko nga rin, Michael. Baka kailangan na talaga nilang magkita" Aniya. Napatingin naman sa siya sa aking gawi nang sabihin ito.


"Ibati mo na lang ako sa asawa mo, amigo" Saad niya pa bago ibaba ang tawag. Napataas naman ako ng kilay nang lumingon siya sa gawi ko.


"Sit, Kira" Utos niya.


"No need, sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sasabihin" Walang emosyong saad ko dito na ikinangisi niya.


"Sa tingin ko ay alam mo na kung bakit kita pinapunta dito?"


"Yea, about that's fvcking marriage" Walang ganang sagot ko dito.


"You know what, Kira. Kahit anong gawin mo ay magpapakasal ka sa anak ni Michael." Aniya at walang modong binuga sa aking mukha ang usok ng sigarilyong hawak.


The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon