Chapter 7

15 6 1
                                    

"I like that! Maganda yon pang disenyo sa magiging bahay natin" Sambit ni Mathew sa aking tabi. Napatingin naman ako sa painting na tinutukoy niya at napairap.


"Bahay mo" Pagtatama ko dito.


Hindi ako maninirahan kasama siya sa iisang bahay noh!


"Okay, Akhira" Aniya at ngumisi bago maunang maglakad sa akin.


Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng aking cellphone kaya't agad ko itong kinuha.


From: Kenjiekumag
Go home.


Agad naman nangunot ang aking noo nang mabasa ito at nagtype ng irereply.


To: Kenjiekumag
Why? Is there a problem?


Habang nagiintay ng reply niya ay agad akong nagulat nang hatakin ako ni Mathew paalis sa aking pwesto.


"Sa tingin mo, ano ang mas maganda sa dalawa?" Tanong nito sa akin habang hawak hawak ang dalawang magkaibang soccer shoes.


"Wala" Walang ganang sagot ko dito.


"Ito na lang kaya?" Tukoy niya pa sa sapatos na nasa kanang kamay niya. "Bakit mo ba ako tinatanong? Ako ba ang magsusuot niyan?" Sarkastikong tanong ko rito na agad niyang ikinatawa.


"I just need your opinion , Kira... Tintingnan ko lang kung alin ba ang mas maganda sa dalawa" Natatawang aniya na ikinairap ko.


"Edi bilhin mo pareho, para walang problema"


"Nice choice huh?" Sambit niya habang natatawa. Hindi ko naman siya pinansin at nagtingin tingin na lamang sa paligid.


Nakita ko naman si Mathew na pumunta sa counter upang makapagbayad. Hindi ko na siya sinundan at inintay na lamang dito.


Habang naglalakad ay agad akong napahinto nang may matapakan akong isang bagay. Agad namang kumunot ang noo ko nang makita ito.


Bakit andito yung keychain ni Kenjie? Sigurado ako na kay Kenjie ito dahil sa simbolo ng kaniyang pangalan na nakatatak dito.


Mabilis ko naman itong pinulot habang nililibot ang mata sa paligid. Agad namang naningkit ang mata ko nang mahagip ng aking paningin ang dalawang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan.


Wtf! Anong ginagawa nila dito?


Napansin ko ang pagiwas ng kanilang tingin sa akin at nagkunwaring hindi nila ako sinusundan.


"Let's go?" Yaya ni Mathew sa aking harapan ngunit hindi ko ito pinansin. Kunot noo naman niya akong pinagmasdan na ani'moy nagtataka kung ano ang tinitingnan ko.


"Cr lang ako" Paalam ko at nagsimulang maglakad papunta sa kanilang gawi. Nagkunwari na lamang ako na hindi sila napansin at tuloy tuloy na pumasok sa banyo.


Naghugas lang ako ng kamay sa loob ng cr at lumabas na rin. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ang pagtago nina Kenjie at Kousuke sa gilid.


Hindi na ako nakapagintay pa at agad silang hinatak palabas sa pinagtataguan.


"Sinusundan niyo ba ako?" Walang emosyong sambit ko dito. Kitang kita naman sa mga mukha nilang ang gulat nang makita ako sa harapan nila.


"H-hindi, ate... Nagpasama lang sa akin si kuya Kousuke na bumili" Utal utal na sabi ng kapatid ko kaya't agad ko itong sinamaan ng tingin.


"Wag mo nga akong lokohin, Kenjie" Madiing saad ko dito. Kitang kita naman sa mga mata niya ang takot kaya't agad kong pinigilan ang pagtawa ko.


"A-ah a-ano... kase ate si kuya Kousuke niyaya ako" Panlalaglag niya kay Kousuke. Gulat naman itong napatingin sa aking kapatid na ani'moy hindi makapaniwala na sasabihin ito ni Kenjie.


"Hoy!! Anong ako? Eh ikaw nga ang nagtext sa akin na umalis si ate mo!" Sigaw nito pabalik dito. Pinagkrus ko naman ang aking mga kamay habang pinapanood silang dalawa na magsigawan.


"Ikaw naman 'tong taranta agad! Akala mo kung anong nangyare sa ate ko! Concern ka, bro?" Pangaasar ni Kenjie dito. Hindi ko naman mapigilang mapangisi sa nalaman.


"Concern ka, bro?" Panggagaya ko kay Kenjie. Hindi ko naman mapigilang matawa nang makita ang reaksyon ni Kousuke.


"H-hoy! Hindi ah!" Tanggi niya habang hawak hawak ang tenga na ngayon ay namumula na sa sobrang pagkapahiya.












"Bakit parang napaaga ata ang kasal niyo?" Tanong ni Jekai na ngayon ay napatigil sa pagluluto. Nagkibit balikat naman ako dito.


"Tanong mo yung tatay tatayan ko" Walang ganang sagot ko dito. Malakas naman siyang bumuntong hininga nang bumaling sa akin.


"Hay nako, Kira! Kung ako sayo binabawi ko na kay tito Leo yung kompanya! Diba sa tatay mo naman yon?"


"Kay mommy pinangalan ang kompanya nung namatay si daddy, tapos pinangalan naman ni mommy kay tito Leo kaya't napasakanya na" Sagot ko dito.


Ewan ko ba kay mommy kung bakit nakaya niyang ibigay sa ibang lalaki ang kompanya na pinaghirapan ni daddy. Kung saakin lang sana nakapangalan ang kompanya ng tatay ko ay handa akong ipatakbo ito ng maayos.


"Mukhang pera talaga ang napangasawa ng mommy mo, Kira" Komento niya na ikinatango ko.


Hindi lang mukha, nasa dugo at lahi na ata niya ang pera. Parang hindi mabubuhay nang hindi nakakahawak ng kahit isang sentimo. Tsk.


"Alam mo mabuti na lang ay nakilala mo si Kousuke noh?" Dagdag niya pa kaya't napatingin ako dito. Hindi ko
naman mapigilang mapangisi dahilan upang asarin niya ako.


"Ikaw ha, Kira! Para saan ang mga ngiting yan ha?" Pangaasar niya kaya't agad ko itong sinamaan ng tingin.


"What the hell, Jekai! Hindi porke ngumiti ay may meaning na" Pagtatanggol ko sa aking sarili. Umupo naman siya sa harapan ko at nilagay ang isang kamay sa baba na ani'moy nagiisip.


"What if nahulog ka na kay Kousuke? Anong gagawin mo?" Seryosong aniya. Napatigil naman ako at napatitig sa kaniya nang ilang segundo.


Posible ba yon? Posible ba na magkagusto ako kay Kousuke?


Kung mahuhulog man ako sa lalaking iyon ay wala akong magagawa. Imposibleng magkagusto sa akin si Kousuke kaya hanggat maaga pa ay pipigilan ko na ang nararamdaman ko.


Hindi mahirap gustuhin si Kousuke. Kaya't natatakot ako na mahulog na alam kong ako rin ang masasaktan sa dulo.










~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon