Chapter 26

12 1 0
                                    

Nagising ako sa araw na tumama sa mga mata ko. Agad namang sumilay ang ngiti sa aking labi nang maalala si Kousuke.


"Good morni-----


Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang makitang wala si Kousuke sa tabi ko. Saan naman kaya pumunta iyon?


Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga at pumunta sa banyo upang maghilamos. Lumabas naman ako sa kaniyang kwarto at pumunta sa kusina upang hanapin siya.


Agad kumunot ang noo ko nang walang makitang Kousuke na nagluluto dito. Wala ring Kousuke ang nanonood ng tv sa sala at wala ring bakas ni Kousuke ang nakita ko sa bawat sulok o kanto ng kaniyang bahay.


Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko at mabilis ring dinial ang number ni Kousuke. Nakaramdam naman ako ng kaba nang hindi niya pa rin ito sinasagot.


Damn!! Masasapak kita Kousuke kapag nakita kita!


Inis akong bumalik sa kaniyang kwarto upang don na lang magintay nang biglang lumipad papunta sa paa ko ang papel na may lamang sulat.


Napatitig naman ako dito nang ilang segundo bago unti-unting lumuhod at tingnan ang nilalaman nito.


I'm sorry for leaving you. Gusto ko lang na malaman mo na babalik ako at hindi pa huli ang lahat sa atin. Mahal na mahal kita, ngayon, mamaya, bukas at sa araw-araw.

-K


Unti-unting nanginig ang mga kamay ko matapos mabasa ang sulat. Parang ayaw tanggapin ng aking isipan ang nabasa.


Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak habang hawak hawak ang sulat na iniwan niya sa akin. Naramdaman ko naman ang panghihina ng tuhod ko kaya't unti-unti akong napaupo sa sahig.


Ang daming tanong sa aking isipan ang hindi masagot-sagot. Bakit umalis si Kousuke? Ano ang dahilan niya at bakit bigla bigla na lamang siyang umalis gayong wala naman akong nakikitang mabigat na dahilan?


Ang saya saya pa namin kagabi, wala naman akong nakitang mali sa kilos niya kaya't hindi pumasok sa isip ko na darating sa punto na aalis siya at iiwan ako. Sana ay hindi na lamang ako natulog at nakipagkulitan sa kaniya buong gabi.


Napatingin naman ako nang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Jekai kasama si David at Kenjie. Tuloy tuloy naman na nagbuhos ang luha sa aking mga mata nang lumapit sa akin ang kapatid ko.


"Ate" Pagtawag sa akin ni Kenjie na agad akong niyakap. "Are you okay?" Tanong niya. Napailing naman ako. Paano ako magiging okay matapos nang nangyare?


"Kousuke texted me" Sambit ni David na ikinalingon ko dito. "Ang sabi niya huwag ka daw namin pababayaan pagkagising mo" Aniya na ikinawasak ng aking puso. Pinabayaan niya ako! At ngayon ay sasabihin niya iyan sa mga kaibigan ko?


"Ano ang nangyare, Kira? May problema ba kayo?" Tanong ni Jekai. Hindi naman ako nakapagsalita. Parang wala akong mailabas na boses sa sariling bibig.


Hindi ko alam, wala namang mali sa amin kaya't napakadaming tanong sa aking isipan ang hindi masagot sagot. Kahit sino ay walang makakasagot dito kundi si Kousuke lamang.


Mabilis naman akong tinayo ni Kenjie sa pagkakaupo at mabilis na hinila palabas ng condo.


"Wala na tayo ibang pwedeng gawin kundi ang hanapin siya" Saad nito. Pinilit ko naman ikalma ang sarili ko ngunit hindi ako mapakali sa tuwing iniisip ko ang biglaang pagkawala ni Kousuke.


"Kenjie, ipunta mo sa bahay nila" Utos ni David dito habang busy sa pagtype sa kaniyang cellphone. "Tinext ko na rin ang mga magulang niya, hindi ko lang alam kung ito pa rin ba ang ginagamit nilang number" Saad nito. Tiningnan ko naman ang cellphone ko at sinearch ang mga social media accounts ni Kousuke, para akong nanlumo nang makitang pati ito ay deactivated na rin.


He loves me... pero bakit ganon na lang para sa kaniya ang iwan ako?


Unti-unti kong narealize ang pagmamahal na meron ako kay Kousuke. Tama nga ako, unti-unti na rin akong nagkakaroon ng nararamdaman para sa lalaking iyon. Hindi pa naman huli ang lahat diba? Hindi pa rin naman ako nawawalan ng pagasa na mahahanap namin siya.


Mabilis naman akong tumakbo papasok ng kaniyang bahay nang makarating kami dito. Hindi na ako nagdalawang isip na takbuhin ang loob nito upang mahanap lamang si Kousuke.


"Si Kousuke po?" Tanong ni David sa likuran ko nang makita ang matandang babae na lumabas sa loob ng bahay.


"Oh, David, hindi ba sinabi sa iyo ni Kousuke? Aba, eh umalis na kaninang madaling araw kasama ang kapatid niya. Sumunod ata sa ama at ina nila sa Japan" Saad nito. Hindi ko naman mapigilan ang luhang rumaragasa papunta sa aking pisngi.


Nawawalan ako ng pagasa, nawawalan ako ng pagasa na hindi ko na siya masusundan at makita pang muli.


Ang sakit sakit ng dibdib ko, ang sakit sakit ng nararamdaman ko na ani'moy pasan ko ang sakit na nararamdaman ng buong mundo.


"Be strong, Kira. Magintay na lang tayo sa pagbabalik niya" Saad ni Jekai. Napailing naman ako sa kaniyang sinabi. "Hindi!! Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita si Kousuke!!" Sigaw ko.


Naramdaman ko naman ang pagpatak ng ulan na dumampi sa mukha ko. Sa bawat pagpatak ng ulan ay tanging mukha lamang ni Kousuke ang naalala ko. Para itong nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.


"Let's go, ate, baka magkasakit ka" Yaya sa akin ni Kenjie. Tumanggi naman ako dito at hinayaan ang aking sarili na mabasa ng napakalakas na ulan.


"Hayaan mo na muna ako, Kenjie" Saad ko dito. Pinatong ko naman ang aking noo sa magkabilang tuhod at doon malakas na napahagulhol.


Hinding hindi ako aalis dito hanggat hindi ko siya nakikita. Hanggang ngayon ay nagbabakasakali pa rin ako na dadating siya at babalikan ako..



Mahal niya ako diba? Kaya't hindi niya ako hahayaan na maiwan akong magisa rito nang hindi siya kasama. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang magintay sa pagbabalik ng taong mahal ko.


Lumipas na ang ilang segundo, minuto, oras at hanggang sa umabot ako ng gabi ay andito pa rin ako na naghihintay sa kaniyang pagbabalik.


Imbis na makaramdam ng pagod o antok ay wala man lang akong maramdaman kundi sakit na nadarama ko sa mga oras na 'to. Siguro ay namanhid na ang buong katawan ko sa ginawang pagiwan sa akin ni Kousuke.


Unti-unti ko namang naramdaman ang pagikot ng aking paningin at ang unti-unting panghihina ng buong katawan ko. Pinilit kong makatayo sa pagkakaupo ngunit hindi na kinaya ng katawan ko dahilan upang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa at pagkawala ng aking malay.









~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon