Chapter 9

14 7 0
                                    

Ethan:
Need a friend today?

Joy Marie:
Yea

Joy Marie:
Need kasama

Joy Marie:
You want to come with me?

Joy Marie:
Kung gusto mo lang naman

Ethan:
San ba? Kase kung sa puso mo, sama ako hehe

Ethan:
Hahahahaha

Joy Marie:
Training

Ethan:
Training para san?

Joy Marie:
Stop asking! Sasama ka ba o sasama?

Ethan:
Grabe naman lods, wag mo naman masyadong ipahalata na gusto mo ako kasama

Joy Marie:
Di sasama*

Joy Marie:
Shit, nalate

Joy Marie:
Baka isipin mo na sinadya ko. Mabagal ang signal ko ngayon kaya wag ka mag assume

Ethan:
Oo na, naniniwala na ako. Okay?

Ethan:
Hahahaha

Ethan:
Saka masama ako sayo, baka ibang lalaki ang isama mo pag hindi ako ☹️


Joy Marie:
My fake boyfriend is jealous🤣

Ethan:
Yea, YOU'RE FAKE BOYFRIEND

Ethan:
Happy ka don?

Ethan:
Ako hindi

Joy Marie:
Don't care

Ethan:
❌ 👉🏻👱🏻‍♀️pa 🌳🍃

Joy Marie:
What? 

Ethan:
Lol, hulaan mo 😛











"Bakit naman hindi mo sinabi na may kasama ka pala?" Bakas sa boses ni Kuya Sybrew ang pangaasar nang makita si Kousuke sa likod ko.


Agad ko namang kinuha ang baril na nasa mesa at pinagpatuloy ang pagpupunas na ginawa ni kuya Sybrew kanina.


"Siya na ba yung sinasabi mo sa akin?" Tanong pa niya habang nakaturo kay Kousuke. Napatango naman ako bilang sagot dito.


Nasabi ko kase sa kaniya ang sitwasyon ko ngayon. Si kuya Sybrew ang isa sa tinuring ko na parang tunay na pamilya. Nakilala ko siya nung bata pa ako sa Japan kaya't naging malapit kami sa isat-isa.


Bukod kay Kenjie at Jekai ay isa rin si kuya Sybrew sa pinagkakatiwalaan ko. Isa siyang retired pulis at kaibigan ni daddy nung nabubuhay pa.


"Ano naman po ang sinabi ni Kira tungkol sa akin? Bukod sa ang pogi pogi ko ay ano pa po?" Mahangin na sabi ni Kousuke na ikinatawa ng malakas ni kuya Sybrew.


"Ayos pala to, Kira eh! Hahahahaha totohanin niyo na kaya pagpapanggap niyo" Saad nito na ikinairap ko.


"Shut up!" Masungit na saad ko dito at hindi na lang sila pinansin.


"Kauuwi ko lang tas susungitan mo agad ako? Grabe ka naman sa akin, kira" Aniya pa na ani'moy nagtatampo sa aking sinabi.


Kauuwi lang ni kuya Sybrew sa Pilipinas at nangako siya sa akin dati na tuturuan niya ako na gumamit ng balisong.


"Wtf, Kira! Sabi ko na, tama talaga hinala ko eh!!" Oa na saad ni Kousuke nang makita ang baril na tinutok ko sa labas ng bahay.


"Isa kang inutil kung hindi ka marunong humawak ng baril" Saad ko dito at dahan dahang binaba ang hawak ko.


Bata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking tatay kung paano humawak ng baril.


"Paano mo natutunan yan?" Gulat pa rin na tanong ni Kousuke kaya't mabilis kong kinasa ang baril at pinutok sa kaniyang pwesto.


"Tanginaaa!" Mura niya nang dahil sa ginawa ko. Sabay naman kaming natawa ni kuya Sybrew nang makita ang reaksyon ni Kousuke.


"Papatayin mo ba ako, Kira?" Hindi makapaniwalang tanong niya na ani'moy takot na takot sa akin.


"Hindi ka papatayin niyan ni Kira" Sagot ni kuya Sybrew dito. "Ganyan lang talaga yan si Kira kaya't masanay ka na" Dagdag niya pa habang pinagmamasdan akong tinitingnan ang ibat ibang klase ng armas.


"Para saan po ang ginagawa niya?" Rinig kong tanong ni Kousuke na ngayon ay kalmado na habang nakatingin sa akin.


Naagaw naman ng aking pansin ang isang balisong na nangingintaban sa sobrang tulis nito. Hinaplos ko ito na ani'moy isang mamahaling bagay.


"For self defense" Sagot ni kuya Sybrew dito at napangisi nang bumaling kay Kousuke.  "Gusto mo ba itry?" Tanong niya pa.


Natigilan naman si Kousuke sa kaniyang pwesto at dahan dahan na lumingon sa kaniyang gawi. Nakangiti namang nilahad ni kuya Sybrew ang baril sa harapan ni Kousuke kaya't kitang kita ko kung paano ito lumunok ng tatlong beses bago dahan dahang kuhain ang baril sa kaniyang kamay.


"Alam mo ba kung bakit ko rin ginagawa ito?" Nakangiting tanong ni kuya Sybrew kay Kousuke. Kumunot naman ang noo nito habang nagiintay ng sagot kay kuya Sybrew.


"Para protektahan si Kira" Aniya pa dahilan upang mabilis akong mapalingon dito.


"Let's protect my Kira... Let's protect our Kira... Tulungan mo ako Kousuke, magagawa mo ba yon?"


Napatitig naman sa akin si Kousuke nang dahil sa narinig at unti-unting lumingon sa gawi ni Kuya Sybrew.


"Yes" Seryosong aniya dahilan upang magkarerahan sa bilis ang tibok ng aking puso. "Proprotektahan ko si Kira sa mga taong nagbabalak na saktan siya... emotionally or physically, Kira. I got your back always"











~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon