Chapter 2

24 9 1
                                    

"Hoy, ate!!! Gising na!!"


Nagising ako sa lakas ng boses ni Kenji kaya't agad ko naman siyang sinamaan ng tingin nang magtama ang paningin namin.


"Anuba, Kenji!! Alam mo nang natutulog yung tao diba?" Inis na sigaw ko dito at binaon ang mukha sa aking unan.


"Eh kase aalis tayo" Saad niya at hindi pa rin ako tinigilan. Inis naman akong bumangon sa aking kama at padabog na dumiretso sa banyo.


"Bilisan mo na jan, ate! Iniintay na tayo ni mommy sa baba!" Sigaw niya pa na ikinairap ko.


"Oo na!!"


Mabilis naman akong natapos sa pagligo kaya't mabilis rin akong kumuha nang damit na susuotin ko ngayon araw.


Narinig ko naman ang pagtunog ng aking cellphone sa side table kaya't mabilis ko itong kinuha.




Ethan:
Need a friend today?

Joy Marie:
Morning

Ethan:
Wow, lods! Bago yon ah.

Ethan:
Hinay hinay rin minsan, lods, baka the next day magtaka ka tumitibok na yang puso mo para saken hahaha.


Joy Marie:
In your dreams!!


Ethan:
You know what, Kira?

Ethan:
I can turn my dreams into reality. ^__^

Joy Marie:
So, pangarap mo ako?

Joy Marie:
Hahahaha.

Ethan:
Maybe?

Joy Marie:
Maybe means yes hahaha

Joy Marie:
Hinay hinay, Kousuke. Baka sa planong ito, ikaw ang talo ^__^

Ethan:
Hinahamon mo
ba ako?


Joy Marie:
Parang ganon na nga 🤔


Ethan:
Okay! ^__^

Ethan:
Let's get to the plan, Kira!




"Ate! Napakatagal mo naman!" Sigaw ni Kenji sa pinto kaya't dali dali kong nilagay ang cellphone sa aking bag at lumabas ng kwarto.


Bumungad naman sa akin si mommy na nakaupo sa sala habang iniintay ang pagbaba ko.


"Sorry sa abala, Kira ah. Gusto ka kase makita ng mga tita mo kaya't sinama kita" Tukoy niya sa kaniyang mga kaibigan. Napatango naman ako at dumiretso na sa labas upang makasakay sa kaniyang kotse.


"Sana may chix para di boring" Sambit ni Kenjie nang makapasok ako. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin sa kaniyang sinabi.


"Anong chix ang sinasabi mo!? Napakabata mo pa Kenjie ah!" Suway ko dito.


"Joke lang, ate hehe" Aniya. Sakto namang dumating si mommy kaya't natahimik kaming dalawa.


The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon