Chapter 4

18 9 0
                                    

"You love stars?"


Napatingin ako kay Kousuke sa aking tabi nang mapangiti siya. Hindi pa rin maalis ang kaniyang tingin sa mga tala na ngayon ay nagniningning sa kalangitan.


"Yes" Sagot niya at nakangiting lumingon sa aking gawi.


"Why?"


"It reminds me of my first love, Kira" Aniya. Napatango naman ako at napatingala upang tingnan ang mga ilaw sa kalangitan.


"Where is she now?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pagbabago ng kaniyang itsura na ngayon ay napalitan ng kalungkutan.


"I don't know where she is. Mismong pangalan nga niya ay hindi ko man lang nalaman"


Hindi ko naman mapigilang maging malungkot para sa kaniya. Masakit talaga para sa atin ang ma attached sa isang tao sa madaling panahon.


"But I'm trying my best para mahanap siya. Hindi ko man alam ang pangalan niya ngunit may isang bagay ang makakapagpaalala sa akin sa kaniya"


"I can help you, pambawi lang sa ginagawa mong pagtulong sa akin" Saad ko na agad niyang ikinailing.


"Kaya ko naman, Kira. Hindi na kailangan" Napatango naman ako sa kaniyang sinabi at natahimik na lamang.


Siguro ay sa ibang bagay na lamang ako babawi sa kaniya. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao kaya't gusto kong ibalik ang ginagawa niyang pagtulong sa akin.


Ilang minuto ang namuong katahimikan sa aming dalawa at walang ni'isa ang nagbalak na gumawa ng ingay.


Napabuntong hininga naman ako nang maalala ang kinakaharap kong problema ngayon. Kung nabubuhay lamang ang daddy ko ay hindi niya ako hahayang maipit sa bagay na hindi ko naman gusto.


I want to be free.


Gustong kong mabuhay nang walang komokontrol sa akin. Gusto kong mabuhay nang walang dumidikta sa puso ko kung sino ang dapat na mahalin.


Naramdaman ko naman ang paglingon ni Kousuke sa aking gawi kaya't napatingin rin ako dito.


"Mukhang napakalalim naman ng iniisip mo" Aniya at nginitian ko naman siya.


"Wala lang, I just miss my dad" Napatitig naman sa akin si Kousuke nang ilang segundo bago humakbang papunta sa aking gawi.


"Can I hug you?" Tanong niya na ikinunot ng noo ko.


"W-why?"


"Para mabawasan ang lungkot na nararamdaman mo" Aniya at unti-unting lumapit sa akin. He wrapped his arms around me dahilan upang maamoy ko ang kaniyang pabango. Hindi naman matigil sa pagkabog ang aking dibdib sa ginawa niya.


Dahan dahan ko na lamang pinikit ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap.


Thank you, Kousuke.....


Dahil sa mga oras na ginawa mo ito ay nakaramdam ako ng kaginhawahan.









"Iha, bumaba ka na jan dahil kakain na kayo ng mommy mo" Sigaw ni manang sa labas ng aking kwarto. Agad naman akong nagpaalam kay Jekai na ngayon ay nasa linya ng telepono.


The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon