Chapter 34

4 0 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame. Muli namang bumalik sa aking alaala ang lahat nang nangyare hanggang sa isugod ako sa hospital nina mommy.


Bigla namang pumasok sa isip ko si Kousuke at nakaramdam ng takot na baka mangyare ulit ang nangyare dati. Mabilis ko namang nilibot ang paningin sa buong paligid upang hanapin ng mga mata ko si Kousuke. Napadaing naman ako sa sakit nang maramdaman ang pagkirot ng aking ulo.


"Ayos ka lang ba?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Inangat ko naman aking ulo upang makita ang taong hinahanap ko. Pinilit kong indahin ang sakit na nararamdaman at dahan dahan na tumango.


Inabutan naman niya ako ng tubig na agad ko ring tinanggap. Napatingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito at niluwa nito si mommy at ang aking kapatid na ngayon ay patakbong pumunta sa aking gawi.


"Are you okay na ba, anak?" Nagaalalang tanong ng aking ina, ngumiti naman ako dito at tumango .


"I'm okay, mom" Sagot ko. Hindi ko naman mapigilang matuwa nang makita ang pagaalala sa kaniyang mukha. Hindi ko inakala na babalik ulit kami ni mommy sa dati, akala ko ay hinding hindi ko na ulit mararamdaman ang mga bagay na 'to.


"Where's tito Leo? Hindi po ba kayo magsasampa ng kaso sa kaniya?" Tanong ni Kousuke sa aking tabi. Natigilan naman si mommy sa naging tanong nito kaya't mabilis akong umiwas ng tingin nang mapatingin siya sa aking gawi.


Alam ko naman na mahal na mahal niya ang ama ni Kenjie kaya't hinding hindi niya ito magagawa kay tito Leo.


"H-hindi, anak, huwag na mu----


"Okay lang po" Pagputol ko sa kaniyang sinabi at humiga na. Nakita ko pa ang pagiwas ng tingin ni Kenjie sa akin. Alam kong masakit rin para sa kaniya kung gagawin ko man ang sinabi ni Kousuke.


Bumalot sa amin ang konting katahimikan nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si David. Agad kumunot ang noo ko at hinanap ng aking mga mata si Jekai.


"Si ate Jekai?" Tanong ni Kenjie.


"Yon nga eh, sinugod ko dito kase sumasakit ang tiyan. Andon siya sa kabilang kwarto, nagpapahinga" Aniya.


"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko na ikinatango niya. "Hindi na kase ako nakapunta dito para sabihin kase masyado akong nagalala kay Jekai, baka bigla na lang siya manganak" Natawa naman ng mahina si Kousuke sa aking tabi nang dahil sa sinabi nito.


"Cute mo, pre hahahaha, hindi pa naman kabuwanan ni Jekai diba?" Tanong nito habang natatawa.


"Ulol! Kabuwanan na niya ngayon!" Sigaw nito na ani'moy wala ang mommy ko sa harapan nila. Hindi siguro namalayan kaya't ang lakas niyang magmura sa harapan namin.


Napatingin naman si Kousuke kay mommy at pilit na ngumiti dito bago lumingon sa gawi ni David at samaan ng tingin. Saka lang napansin ni David na hindi lang kaming magkakaibigan ang andito. Mabilis naman siyang yumuko at nagsorry kay mommy sa kaniyang inasal.


"Naku! Kayo talagang mga bata kayo!" Saad nito. Hindi ko naman mapigilang matawa sa itsura ni David.


"Sorry, tita"


"Oh siya! Sige na! Saka nga pala anak kay Kousuke ka muna tumuloy pansamantala, baka kung ano pa ang mangyare kapag nag stay ka pa sa bahay" Baling nito sa akin. Kunot noo naman akong bumaling sa kaniya.


"Kay Jekai na lang po ako" Sagot ko.


"Hindi pwede, anak, nasa hospital si Jekai kaya't wala rin siya sa kaniyang condo. Mas mabuti kung kay Kousuke ka muna" Nakita ko naman ang pagsilay ng ngisi ni Kousuke sa aking tabi na panigurado akong tuwang tuwa sa narinig. Wala naman akong nagawa kundi ang umirap. "Okay" sabi ko.


"Okay lang ba tita kahit wag na ibalik?" biro nito.


"Hahaha ay pwedeng pwede, iho! Ang tatanda niyo na oh, nauunahan na kayo nitong si David at Jekai" Napatingin naman ako kay mommy dahil sa narinig. "Mom!" Suway ko ngunit tinawanan niya lamang ako.


"Bukas, tita, bigyan ko na kayo apo! Bwahahahaha!!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kousuke at malakas siyang hinampas sa braso.


"What the hell!!!" Sigaw ko ngunit tinawanan niya lamang ako.


Hindi na lamang ako nagsalita matapos non at nagintay na lang sa paguwi ko. Maayos naman na ang lagay ko kaya't paniguradong pwede na rin akong makaalis maya-maya.


Napagdesisyunan ko na munang matulog habang nagiintay ng sensyas ng doctor. Mas mabuti pa ang matulog kesa makipagkwentuhan kela Kousuke na puro kalokolohan lamang ang alam.


Mabilis lumipas ang oras kaya't sa wakas ay nakalabas na ako. Ang hirap makulong sa kwartong iyon, nakakabagot lalo na't wala si Jekai. Kung sana ay hindi siya sinugod sa hospital baka siguro nagsasaya ako ngayon kasama siya, pero eto ako ngayon nasa loob ng sasakyan ni Kousuke at walang ibang nagawa kundi ang sumama papunta sa kaniyang condo.


"Babycakes, ano na tayo?" Tanong niya sa kalagitnaan ng byahe. Kumunot naman ang noo ka nang lingunin siya.


"Tao pa rin ako, ewan ko sayo, baka hayop ka na" Sagot ko.


"Nawala lang ako ng dalawang taon, pilosopo ka na? Ganyan ba kita pinalaki?" Napairap naman ako sa kaniyang sinabi. He sounds like a mother to me, para siyang ina na pinapagalitan ang kaniyang anak.


"What do you mean ba? Sinagot ko lang naman ang tanong mo ah" Sambit ko.


"At ngayon low gets ka na rin? Sabi ko na nga ba mali talaga na iwan kita bwahahaha" Napatigil naman ako sa kaniyang sinabi at napaiwas ng tingin. Hindi naging tama ang pagiwan niyang ginawa sa akin. Maling mali, lalo na't wala man lang akong natanggap na kahit anong paliwanag.


Nakita ko naman ang paglunok niya ng tatlong beses na ani'moy ngayon lang napagtanto ang kaniyang sinabi. Nakita ko pa ang pagkamot niya sa ulo bago lumingon sa aking gawi at magsalita.


"Ah hehe, gutom ka na ba? Gusto mo bumili na muna tayo ng pagkain? Gutom na rin ako eh hehe" Pagbabago niya ng topic. Tumango naman ako dito at ngumiti ng pilit.


Ewan ko ba kung bakit parang napakahirap para sa kaniya ang sabihin sa akin ang totoo. Akala ko ay mapapanatag na ang loob ko sa oras na makabalik siya dahil sa wakas ay masasagot na rin niya ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan, ngunit bakit parang hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng sagot sa mga tanong ko?


Siguro ang kelangan ko na lang gawin sa ngayon ay ang maghintay, alam ko naman na sasabihin niya rin ang dahilan niya kapag handa na siya. Kapag handa na siyang sabihin ang lahat at handa na rin akong malaman kung ano man iyon. Alam ko na napakalalim ng dahilan niya para iwan niya ako ng ganon ganon lang kaya't natatakot pa rin ako na malaman ang lahat, natatakot ako sa mga sasabihin niya, parang ayaw ko na lang malaman kung ano man iyon pero parang tinutulak ako ng sarili ko na magtanong at magisip ng kung ano ano.









~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon