Chapter 18

9 1 0
                                    

"Miss, Sybrew Alvarez"


"Room 304 po"


Mabilis akong tumakbo papunta sa room na sinabi ng babae. Nagkakarerahan sa lakas ng tibok ang aking puso dahil sa kabang nararamdaman.


"Ate, relax" Sambit ni Kenjie sa likod ko ngunit hindi ko ito pinansin. Inis ko namang hinampas ang pader dahil hindi ko pa rin nahahanap ang room na sinabi ng babae.


"Kira!" Pagtawag ni Kousuke. Nakita ko naman siya na nakatayo sa hindi kalayuan habang nakatingin sa pintuan na nasa kaniyang harapan.


Alvarez, Sybrew E.


Hindi na ako nakapagintay at mabilis na pinihit ang doorknob. Bumungad naman sa akin si kuya Sybrew na may benda sa ulo habang ang buong katawan ay puro pasa at gasgas.


Napalingon naman siya sa aking gawi nang maramdaman ang presensya ko kaya't mabilis akong lumapit dito.


"Anong nangyare?" Tanong ko.


"Wala 'to, Kira. Malayo ito sa bituka" Aniya pa habang natatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil nagawa niya pang tumawa habang kami ay alalang alala sa nangyare sa kaniya.


Walang emosyon ko namang sinuri ang mga sugat niya. Mabuti na lang ay hindi masyadong masama ang naging tama niya sa ulo.


"Bakit kase hindi ka nagiingat?" Saad naman dito ni Kousuke na ngayon ay nakalapit na rin sa aming pwesto.


"Hindi ko alam, nawalan ng preno yung sasakyan ko... Badtrip nga" Sagot nito na ani'moy wala lang sa kaniya ang nangyare.


"Bakit nawalan ng preno? Bagong bili mo yon, diba?" Singit ni Kenjie. Mabilis naman akong napalingon kay Kuya Sybrew na ngayon ay nagkibit balikat.


"Saan nangyare ang aksidente?" Seryosong tanong ko dito. "Jan lang" Sagot niya. Napapikit naman ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman.


"SAAN?" Madiing saad ko dito na ikinakamot niya sa ulo. "S-sa may Kennon road" Mabilis naman akong lumabas ng kwarto at pabagsak na sinarado ang pintuan.


Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kousuke ngunit hindi ko ito pinansin at mabilis na lumakad palabas ng hospital.


Saka ko lang naalala ang sasakyan ko, nasa condo nga pala ito ni Kousuke. Tsk.


Mabilis akong pumara ng taxi upang makuha ang sasakyan ko. Naging mabilis naman ang byahe kaya't mabilis rin akong nakarating sa pinangyarihan ng aksidente.


May mga pulis na nagiimbestiga dito. Nakita ko naman ang sasakyan ni kuya Sybrew na nakabangga sa malaking puno.


"Bawal dito, iha" Suway sa akin nang isa sa mga pulis. Agad din namang nanlaki ang mata niya nang makilala ako.


"Kira?" Kunot noong tanong niya habang hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan niya ako. Napangiti naman ako dito. Siya ang isa mga kaibigan ni daddy.


"Ayos na ba si Sybrew?" Tanong niya pa na ikinatango ko. Hindi naman mawala ang paningin ko sa sasakyan na nasa harapan ko.


"Ano po ang dahilan nang pagkawala ng preno?" Tanong ko dito.


"Base sa sasakyan ng kuya Sybrew mo ay halatang bago ito. Hindi ito mawawalan ng preno agad-agad kaya't tiningnan namin ang break kanina. Sinadyang sirain ang break nito, Kira... Iniimbestigahan pa namin kung sino ang gagawa nito sa tito mo"


Parang nagpintig ang aking tenga sa narinig at kunot noong tumingin sa kaniya.


Sino naman ang gagawa nito kay kuya Sybrew? Never itong nagkaroon ng kaaway o kung ano man kaya't imposible ang sinasabi niya.


"May kilala ka bang pwedeng gumawa nito?" Tanong niya sa akin. Napailing naman ako dahil wala talagang pumapasok sa isip ko kung sino man ang pwedeng gumawa nito kay kuya Sybrew.


"Mabait si Sybrew, simula kabataan namin ay hindi yan pumasok sa anumang gulo kaya't mapapaisip ka talaga kung sino ang taong kayang gawin ito"


Naglakad naman ako papunta sa sasakyan ni kuya Sybrew. Yuping yupi ang harapan nito dahil sa lakas nang pagkakabangga.


Kung sino man ang gumawa nito kay kuya Sybrew ay sisiguraduhin ko na babalatan ko siya ng buhay sa oras na makilala ko siya. Huwag na huwag niyang sasaktan ang mga taong malalapit sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na pumatay ng kahit na sino sa oras na dumapo ang dulo ng kanilang mga daliri sa mga taong tinuturing kong pamilya.










"Ate, pinapasabi nga pala ni mommy na susukatan ka na daw para sa gown mo" Sambit ni Kenjie sa likuran ko. Napahilamos naman ako gamit ang dalawang kamay sa dami ng iniisip.


"Kelan?"


"Bukas daw ng umaga" Aniya na ikinatango ko.


I'm tired. Gusto ko sanang magpahinga bukas ngunit hindi ata pwede. Dalawang araw na akong nagbabantay dito sa hospital kaya't bukas ay si Kenjie naman para makapagpahinga ako. Kaso ay hindi ata mangyayare iyon dahil siningit na naman ni mommy sa oras ko ang walang kwentang kasalan na iyon!


"Okay, pasabi na lang na pupunta ako" Naramdaman ko naman ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko kaya't pinatong ko muna ang noo ko aking magkabilang tuhod.


Andito kami ngayon sa labas ng hospital upang makapagpahangin. Pinauwi ko na muna si Kousuke dahil alam kong pagod rin siya dahil siya lang din ang kasama ko sa dalawang araw na pagbabantay ko kay kuya Sybrew.


"Kung gusto mo ay sabihin ko na lang kay mommy na kung pwede ay imove na lang muna ang pagpapasukat mo?" Suhestiyon niya. Napailing naman ako.


"Huwag na, baka magtaka pa iyon"


Hindi alam ni mommy ang nangyayare ngayon dahil ayaw na ayaw non na nakikipagkilala kami kung kani-kanino. Alam kong hindi niya kilala si kuya Sybrew bilang kaibigan ni daddy dahil nung mga panahon na makilala ko ito ay nagbabakasyon ako noon sa Pilipinas kasama si daddy.


"Okay, ate, alam kong pagod ka na. Matulog ka na, ako na muna ang magbabantay kay kuya Sybrew" Sambit nito kaya't unti-unti kong inangat ang aking ulo. Hindi ko naman mapigilang mapapikit nang halikan niya ang noo ko.










~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon