Chapter 31

7 1 0
                                    

"Ito ba ang bahay mo?" Tanong ni Jekai sa akin habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng aking bahay. Napatango naman ako habang hinahanda ang makakakain namin.


"Hindi ka ba naliliitan dito?" Tanong niya. Natawa naman ako sa kaniyang naging tanong bago tumigil sa ginagawa at mapatingin sa kaniyang gawi.


"Magisa lang naman ako dito kaya't tama na ito sa akin" Sagot ko. Napatango naman siya sa aking sinabi bago maupo sa upuan na nasa harapan ko.


"Sasama ka na ba sa amin pauwi sa Manila?" Napatigil naman ako sa naging tanong niya at napaisip ng ilang segundo. Ayaw kong lisanin basta basta ang lugar na 'to. Gusto ko sanang sulitin muna ang mga natirirang araw ko dito kasama sina Melanie.


"Hindi na muna siguro, Jekai." Nakita ko naman ang mabilis na paglingon ni Kenjie sa aming gawi nang marinig ang naging sagot ko.


"Bakit?" Kunot noong aniya.


"Hahanap na muna ako ng tyempo para makapagpaalam sa mga maiiwan ko dito. Sila rin kase ang tumulong sa akin kaya't ayaw kong iwan na lamang sila basta basta dito" Malakas namang bumuntong hininga si Kenjie bago tumingin sa akin.


"Okay, ate, babalik na lang ulit kami dito kapag pwede na" Napangiti naman ako sa naging sagot niya at pinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain.


Bigla naman pumasok sa isip ko si kuya Sybrew at si mommy. Kahit na medyo masama ang loob ko sa aking ina ay hindi ko pa rin mapigilang kamustahin ito.


"Kamusta sa bahay?" Tanong ko. Lumapit naman sa akin si Kenjie upang tingnan ang ginagawa ko.


"Ayos naman, hindi nga lang maawat si mommy sa pagkamusta sayo araw-araw. Wala naman akong maisagot sa kaniya dahil wala rin naman akong alam kung nasaan ka" Nakaramdam naman ako ng kunting konsensya dahil sa kaniyang sinabi. Kahit baliktarin ko pa ang mundo ay siya pa rin ang babaeng nagluwal sa akin kaya't karapatan niyang malaman kung nasaan man ako.


Naalala ko pa nung bata pa lamang ako, halos hindi na ako mahilaway kay mommy sa sobrang close namin sa isat-isa. Sa bawat alis niya at ginagawa ay kasama niya ako sa araw-araw. Ewan ko ba kung bakit parang biglang nagbago ang lahat simula nung namatay si daddy at dumating si tito Leo. Parang biglang nalason ang utak ni mommy at nahawahan ng magaling kong tatay tatayan.


"You know what, ate, may pake pa rin naman sayo ang mommy natin. Nakikita ko sa kaniyang mga mata na mahal na mahal ka niya. Simula nung umalis ka ay kitang kitang ko ang lungkot na nadarama niya sa tuwing kakain kami sa umaga, palagi siyang tulala at nakangiti lamang sa pwesto kung saan ka umuupo sa tuwing kakain tayo. Nagkaaway pa nga sila ni daddy dahil nagalit si mommy dito nang magwala si daddy sa galit nang malaman na umalis ka" Pagkwekwento niya.


Hindi ko naman alam ang mararamdaman ko sa kaniyang sinabi. Alam kong minsan ay nawawalan na rin ako ng respeto kay mommy dala na rin ng sama ng loob ko sa mga nangyayare.


Parang bang nawalan ako ng sasabihin sa sariling bibig sa lahat ng nalaman. Tulala lang ako habang nakatingin sa aking kapatid na ngayon ay nakangiti sa akin.


"Pinapasabi nga rin pala sa akin ni mommy na kapag daw dumating na ang araw na magkita tayong muli ay sabihin ko daw sayo na bumalik ka na" Aniya pa. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha sa gilid ng aking mga mata. Nagkamali ako, nagkamali ako na isipin na walang pake sa akin ang aking sariling ina.


"I will, Kenjie... Babalik ako" Saad ko dito habang pinupunasan ang luhang tumulo papunta sa aking pisngi. Nilahad naman ng aking kapatid ang panyo na nasa aking harapan dahilan upang gumuhit ang ngiti sa aking labi.


"Iniintay ka na rin ng labidabs mo" Aniya at narinig ko naman ang mahinang tawa ni David at Jekai sa kaniyang likuran. Kumunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi at naramdaman ang pagkabog ng aking dibdib.


"Where is he now?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman si Kenjie habang hindi mawala ang ngiti sa labi.


"Tanong mo si Ate Jekai" Natatawang sambit nito at tinuro si Jekai sa kaniyang tabi. Napaturo naman si Jekai sa sarili. "Oh? Bakit ako? Baka si David!" Baling nito kay David na ngayon ay gulat din habang nakaturo sa kaniyang sarili. Hindi ko naman mapigilang mapairap dahil hindi ko na alam kung sino ba sa kanila ang totong may alam kung nasaan si Kousuke.


"Hala! Baka naman si baby ang may alam" Sambit ni David habang nakaturo sa tiyan ni Jekai. Natawa naman ako sa kaniyang inasta dahil dinamay pa niya ang kaniyang anak. Lumakad naman ako palapit kay Jekai upang maramdaman ang bata sa loob ng kaniyang tiyan.


"Hi, baby, alam mo ba kung nasaan ang tito Kousuke mo?" Nakangiting tanong ko dito. Naramdaman ko naman ang mga titig nina Jekai sa akin. "I miss him, pwede mo bang sabihin sa tito mo na magpakita na sa akin?" Tanong ko pa. Hindi ko naman mapigilang malungkot nang maalala si Kousuke. Hanggang kelan ba ako maghihintay sa kaniyang pagbabalik?


Hinawakan naman ni Jekai ang kamay kong nakahawak sa kaniyang tiyan at unti-unting ngumiti sa akin.


"Konting araw na lang daw, tita Trina at babalik na ang kaniyang tito Kousuke" Saad nito kaya't muling sumilay ang ngiti sa aking labi habang dinadama ang bata sa kaniyang sinapupunan.


Sana nga.









~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon