Chapter 24

7 1 0
                                    

"Baguio?"


Kunot noong tanong ko nang mapagtanto na papunta kami ngayon sa Baguio City. Napatango naman si Mathew habang nagdadrive.


"Oo, bakit? Ayaw mo ba?" Tanong niya. Wala naman na akong magagawa dahil malapit na rin kami dito.


"Nope, ayos lang" Sagot ko. Masyadong mainit sa Manila kaya't mabuti naman ay naisipan niyang dalhin ako dito.


"May papakilala ako sayo" Nakangiting aniya na ikinalingon ko dito. "Asan?" Tanong ko.


"Wala pa! Mamaya pa" Napatango naman ako at tinuon na lamang ang atensyon sa dinadaanan. Bigla namang bumukas ang mga bintana ng kaniyang sasakyan nang marating namin ang lion's head.


Ramdam na ramdam ko na rin ang lamig ng buong Baguio kaya't hindi ko mapigilang mapapikit habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.


Pangalawang beses ko pa lang na pumunta rito dahil hindi naman ako masyadong gumagala papunta sa ibang lugar. Ang unang punta ko dito ay ang kasama ko sina mommy at Kenjie nung mga panahong kabataan ko pa lamang.


Naging mabilis ang byahe namin. Akala ko ay pupunta kami sa kung ano mang magandang pasyalan dito ngunit huminto kami sa isang napakalaking bahay.


Kunot noo naman akong tumingin kay Mathew nang pumasok kami sa gate nito. Wala naman akong natanggap na sagot mula sa kaniya kaya't inintay ko
na lamang kung ano talaga ang sadya namin dito.


"Mabuti naman ay nakarating na kayo!!" Salubong ng isang matandang babae nang makababa kami sa sasakyan. Lumapit naman si Mathew dito upang humalik sa kaniyang pisnge.


"Medyo traffic sa Manila, lola eh" Saad nito. Andito lamang ako sa likuran ni Mathew habang nakikinig sa kanilang usapan. Napatingin naman sa akin ang kaniyang lola at ngumiti bago ako bigyan ng isang napakahigpit na yakap.


"Aba'y napakagandang dalaga naman nga pala ng mapapangasawa ng apo ko" Sambit nito nang humiwalay sa pagkakayakap. Nahihiya naman akong ngumiti dito bago mapatingin sa batang babaeng tumatakbo papunta sa aming gawi nang bigla itong madapa sa sahig.


"Potek! Magingat ka naman, Erica! Magagalitan tayo niyan ni mamsi eh!" Saad ng isang binatang lalaki. Sabay namang napalingon si Mathew at ang kaniyang lola dito.


"Enzo, apo, tawagin mo na lang ang katulong para mabantayan si Erica" Saad ng kaniyang lola. Napatingin naman sa aming gawi ang Enzo na tinutukoy nila at napatingin sa akin.


Mabilis naman akong inakbayan ni Mathew bago humarap kay Enzo na ngayon ay nasa aming harapan habang buhat buhat ang batang babae na sa palagay ko ay kapatid niya.


"Si Kira, fiance ko" Pagpapakilala niya sa akin. "And Kira ito nga pala si Enzo, pinsan ko tas ito naman si Erica, kapatid niya" Napangiti naman ako kay Enzo at tumango bago mapatingin sa kaniyang kapatid. Hindi ko naman mapigilang pisilin ang pisngi nito. Ang cute.


"Tara na muna sa loob, iha. May hinanda akong pagkain para sa inyo" Saad ng kaning lola kaya't napangiti ako dito bago sumunod sa kaniya papasok sa kanilang bahay.


Pinaupo naman ako ni Mathew sa isa sa mga upuan nang marating namin ang kusina. May isang babaeng nagluluto dito ng mga pagkain kaya't naagaw namin ang atensyon nito.


"Oh, andito ka na pala, Mathew! Yan na ba yung tinutukoy mo sa amin?" Nakangising sambit ng babae nang lumingon sa akin.


The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon