Chapter 27

8 1 0
                                    

"Akhira" Pagtawag ng isang pamilyar na lalaki sa akin. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo nang marinig ang boses na pinakahihintay ko.



"K-kousuke?" Pagtawag ko dito at mabilis siyang niyakap. Hindi ako makapaniwala na nakatayo siya sa harapan ko at yakap yakap.



Ang lungkot na nadarama ko kanina ay napalitan lahat ng saya nang makita siya. Grabe ang saya ng nararamdaman ko ngayon at walang kahit na sino man ang makakapantay nito kundi si Kousuke lamang.



"Don't cry, Kira" Bulong niya sa aking tenga. Rinig na rinig ko naman ang pagkabog ng kaniyang dibdib kaya't mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap dito.



"Don't leave me.... never again" Saad ko. Naramdaman ko naman ang luhang tumulo galing sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit umiiyak pa rin ako sa mga oras na 'to. Siguro ay dahil sa sayang nararamdaman ko nang makita siyang muli.



"I'm sorry pero kailangan kong umalis" Aniya. Unti-unti akong umalis sa kaniyang pagkakayakap at napailing habang rumaragasa ang luha sa aking mga mata.



"Don't you love me enough? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal mo sa akin? Hindi pa ba sapat na mahal kita at nagmamahalan tayo?" Nakita ko naman ang luhang tumulo galing sa gilid ng kaniyang mga mata.



"Damn, Kira. I love you! Mahal kita, pero kailangan kong umalis para sayo, para rin ito sa ikabubuti mo at sa akin kaya't please, ipangako mo sa akin na hindi ka iiyak sa oras na talikuran kita." Nakikita ko sa kaniyang mga mata na nahihirapan rin siya sa nangyayare. Sana ay hindi na lamang siya bumalik kung iiwan niya rin naman akong muli.



"Ito ba ang gusto mo? Ang iwan ako?" Seryosong saad ko habang pinipigilan ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Mabilis siyang umiling at dahan dahang inabot ang kamay ko.



"Hindi ko ito ginusto, Kira! Hindi mo alam kung gaano ko kaayaw na gawin ito pero kailangan" Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong maiwan ng mga taong mahahalaga sa akin.


Puno ng pagmamakaawa ang aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Dahan dahan siyang lumapit sa akin upang yakapin ako ng napakahigpit.


Ito na ba ang huli?


Muling tumulo ang mga luha ko at napapikit habang dinadama ang maiinit niyang yakap. Isa lang hihilingin ko ngayon, na sana ay hindi na umalis si Kousuke at manatili na lamang sa tabi namin.


"I'm s-sorry. Mahal na mahal kita" Aniya nang tumikal sa pagkakayakap. Napatakip naman ako sa bibig gamit ang aking palad nang marinig ang pagkabasag ng kaniyang boses. Unti-unti siyang humakbang patalikod na ikinawasak ng aking puso. Parang gusto ko na lang maglaho sa mga oras na 'to. Hindi ko ata kakayanin ang panoorin siyang iwan ako at maglakad papalayo sa aking pwesto.


"Close your eyes, Kira" Utos niya. Dahan dahan ko namang pinikit ang mga mata ko habang naguunahan sa pagtulo ang mga luha.


Pinigilan ko ang sarili ko na imulat ang mga mata dahil baka hindi ko kayanin at mapatakbo ako kung nasan man siya.


Wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo dito at magintay na lamang sa kaniyang pagbabalik.


Kahit lumipas man ang ilang taon ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin.... Kousuke.


Mahal na mahal kita, ngayon, mamaya, bukas at sa panghabang-buhay.



Agad kong minulat ang mga mata ko at naramdaman ang luhang tumulo galing sa gilid ng aking mga mata.


"Are you okay?" Bungad ni Jekai na puno ng pagaalala sa mukha. Nilibot ko naman ang paningin sa buong paligid at napantanto na nasa hospital ako.


"Kousuke" Banggit ko sa kaniyang pangalan. Naramdaman ko naman ang mga bisig ni Jekai na yumakap sa akin.


"Shh, panaginip lang iyon, Kira" Aniya. Mabilis namang nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko.


"Sana hindi niyo na lang ako ginising!! Pipigilan ko pa si Kousuke, Jekai!!!" Sigaw ko dito. Nakita ko naman ang awa ni Jekai para sa akin.


"Wala na si Kousuke, Kira! Panaginip lang yon!!" Napailing naman ako sa kaniyang sinabi."Babalik si Kousuke! Babalikan niya ako!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya.


Bigla naman bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kenjie kasama si Kuya Sybrew.


Mabilis silang naglakad papunta sa aking gawi at mabilis ring niyakap na nakapagpahagulhol sa akin.


"Huwag mong pahirapan ang sarili mo, Kira. Magagalit sa amin si Kousuke kapag nalaman niyang nagkakaganyan ka" Sambit ni kuya Sybrew habang yakap yakap ako.


"Babalik si Kousuke, ate. Naniniwala ako don" Napatingin naman ako sa kapatid ko na ngayon ay pilit na pinapagaan ang loob ko.


Sana nga, Kenjie..... SANA


Hindi ko naman mapigilang mapaisip sa susunod na mangyayare sa mga araw ko. Wala ng Kousuke ang bubungad sa akin sa umaga, wala ng Kousuke ang magpapasaya sa araw ko, wala ng Kousuke ang manonood ng tala tuwing gabi at higit sa lahat, wala na ang Kousuke na mahal na mahal ko.


Joy is here, Kousuke... Wala sa Japan. Kaya please, bumalik ka na sa akin. :(








~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon