Chapter 28

10 1 0
                                    


Wish I may by Alden Richard

~~~

Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Andito ako sa veranda ng kwarto ni Kousuke habang pinapanood ang maiilaw na kalangitan.


I wish you were here, Kousuke.


Hanggang ngayon ay hinihiling ko pa rin na sana ay bumalik ka na sa akin. Ang sakit sakit lalo na sa tuwing makikita ko ang mga lugar kung saan tayo gumawa ng magandang ala-ala. Bawat sulok ng iyong condo ay mukha mo palagi ang naaalala ko kaya't hindi ko mapigilang alalahanin ang lahat ng kakulitan mo dito.


Tatlong araw na akong andito sa iyong condo, ayos lang naman sayo yon diba? I miss you so damn much, gusto kong maramdaman na kasama pa rin kita kahit na nasa malayo ka. Sa bawat paglabas ko ng bahay mo ay ginagamit ko ang iyong pabango na iniwan mo, alam kong sinadya mo iyon na iwanan kaya't Salamat ha, dahil sa simpleng amoy mo ay nararamdaman ko pa rin na kasama kita sa bawat ganap ng buhay ko.


Sinusuot ko rin ang mga hoddie na iniwan mo kaya't sa tuwing matutulog ako ay nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko.


Hindi na ako makapaghintay na makitang muli ang totoong Kousuke na magiging kasama ko sa araw-araw na ganap sa aking buhay. Gusto ko ng maranasan na makipagkulitan sayo, gusto ko ng madama ang mga yakap mo at gustong gusto ko na ring marinig ang boses mo na nakakapagpagaan sa damdamin ko.


Napatingin naman ako sa cellphone ko nang mag alarm ito.


Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang makita ito at napapikit nang marinig ang kaniyang boses.


Sleep, Kira, Goodnight!
10:30 PM

Snooze



"Wish that I could say these words tonight
Wish I have the courage, wish I might
Have the chance to show you, speak what's on my mind
While you're right next to me, I've loved you from the start"


Hindi mawala ang tingin ko sa kalangitan. Pinapanood mo rin kaya ang mga tala na nagniningning ngayong gabi?


"Wish that I could walk you down the road
Share each moment, have my hand to hold
My imagination's, beginning to unfold
Every wish is granted, every dream and hope"


Nang dahil sa ginawa mong ito ay mas lalo lang akong nakaramdam ng pagkamiss sayo. Paniguradong ginawa mo ito nung gabing napakahimbing ng tulog ko. Hindi ko man lang namalayan na balak mo na palang umalis at iwan ako.


"Wish I may, wish I might find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might be the one"


Kung nagising ba ako nung gabing iyon ay mapipigilan kaya kita? Magbabago ba ang isip mo at manatili na lang sa tabi ko?


"Wish I may, wish I might find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might be the one"


Napakadaming tanong pa rin sa aking isipan ang alam kong ikaw lang din ang makakasagot. Ilang gabi akong hindi makatulog sa dami ng tanong na bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko na alam ang gagawin ko para kalimutan muna ang lungkot na nararamdaman. Patagal ng patagal ay mas lalo akong nakakaramdam ng lungkot na alam kong walang sino man ang makakapawi kundi ikaw rin lamang.


"Wish I may, wish I might be the one"

Hindi ko naman mapigilang alalahanin ang una nating pagkikita, una pa lang ay talo na ako. Alam kong unti-unti na akong nagkakagusto sayo ngunit itinatanggi ko ito dahil alam kong BAWAL AKONG MAGKAGUSTO.


Isang hindi ko kilala ang pinagkatiwalaan ko ng lubos, hindi ko alam kung bakit nagtiwala agad ako sayo gayong hindi naman kita kilala. I have a feeling lang na mabuti kang tao. Napakalaki ng tiwala ko sayo non kaya't kahit problema ko ay sinabi ko sayo. Walang ring naging dahilan para hindi kita pagkatiwalaan. Kaya't ngayon ay aaminin ko na hindi ako nagkamali, Kousuke, hindi ako nagkamali sa taong nalapitan ko upang mahingan ng tulong.


Ngayon alam ko na sa sarili ko kung sino ang taong gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.


Ipagpapatuloy ko ang plano, hinding hindi ako magpapakasal kay Mathew gaya ng plano namin ni Kousuke. Sisiguraduhin ko na kakayanin ko ang lahat kahit na walang Kousuke ang gumagabay sa akin.


Unti unti namang sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ang litrato ni daddy sa likod ng aking cellphone.


"Minsan lang tayo magmahal, Kira, kaya't ibigay mo ang pagmamahal mo sa taong sigurado ka... Yung pagmamahal na hindi nakabase sa pera kundi sa puso"


Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko nang humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. You're the best, daddy!


And I want you to know that.....


"I already find the one"










~To be continue~

The Brightest Star.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon