"Bye, Iha!" Paalam sa akin ng mga magulang ni Mathew. Ngumiti naman ako dito ng pilit bago bumaling sa kanilang anak.
"Bye! See you tomorrow!" Aniya. Kumunot naman ang noo ko. "Magkikita ba tayo?"
"Kung okay lang sayo" Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Wala naman akong gagawin bukas kaya't maganda siguro kung pumayag na ako. Tutal ay sa bahay lang rin naman ako buong maghapon.
"Sure!" Pagpayag ko. Napatingin naman ako sa mga magulang namin na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan kami.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah" Saad ni mommy. Napatingin naman ako sa kamay ni Mathew na nasa balikat ko.
"Oo, tita. Masyado lang masungit ang anak niyo sa akin nung una" Saad nito habang natatawa.
Matapos non ay nagpaalam na rin sila upang makaalis na. Pinanood namin ang sasakyan nila hanggang sa mawala ito sa aming paningin bago kami pumasok sa loob ng bahay.
"Let's go na" Yaya sa amin ni mommy papasok ng bahay. Napailing naman ako. "Magpapahangin lang po" Sagot ko dito.
Tumango naman siya sa akin at naglakad na papasok kasama si tito Leo. Napatingin naman ako kay Kenjie nang malakas siyang bumuntong hininga bago umupo sa aking tabi.
"Bakit ka pumayag?" Tanong nito. Dahan dahan naman akong napalingon sa kapatid ko.
"Wala lang, nakakainip naman kung nasa bahay lang ako bukas"
"Si kuya Kousuke? Bakit hindi siya ang niyaya mo?" Tanong niya pa. Naramdaman ko naman ang pagsikip ng dibdib ko.
"Hindi rin yon sisipot bukas" Sagot ko dito at natawa ng mapait. Muling bumalik sa aking alaala ang hindi niya pagsipot kanina. Ilang oras akong nagintay at nagbabakasakali na dumating siya para matapos na ang plano namin.
"You like him?" Tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Gusto ko na ba siya kaya ako nasasaktan ng ganito?
"I don't know" Bulong ko. Hindi ko alam, hindi ko naranasan ang magkagusto kaya't hindi ko alam kung ano pakiramdam nito.
Natahimik naman kami ng ilang segundo habang pinagmamasdan ang kalangitan.
"Pano na?" Aniya. Napalunok naman ako ng tatlong beses nang maramdaman ang pagkirot ng aking dibdib. Hindi ko alam, hindi ko alam kung matatapos ko pa ba 'to.
He promised me, ang sabi niya ay dadadating siya. Ang sabi niya ay tutulungan niya ako. Pero bakit nabigo ako? Bakit walang dumating na Kousuke kung kelan kailangan na kailangan ko siya?
Sabay naman kaming napatingin ni Kenjie nang umilaw ang cellphone ko. Bumungad naman sa akin ang pangalan ni Kousuke kaya't dahan dahan akong napatingin kay Kenjie.
Unti-unti kong nabitawan ang cellphone ko nang maramdaman ang luhang tumulo galing sa gilid ng aking mga mata.
Fvck! Bakit ba ako umiiyak?
Nakita ko naman ang pagkuha ni Kenjie dito upang basahin. Mabilis siyang lumapit sa akin upang bigyan ako ng isang napakahigpit na yakap na ikinahagulhol ko.
Ethan:
I'm sorry."Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Jekai habang nagiintay kami dito sa labas ng kaniyang condo. Iniintay ko kase si Mathew dahil ngayon kami lalabas para gumala.
BINABASA MO ANG
The Brightest Star.
Teen Fiction"You are the brightest star in my universe, Akhira Yvonne Castalleno." ~Kousuke Okayama Start: June 10, 2020 End: